CHAPTER 10

4 3 0
                                    

MAGTATATLONG oras ng hindi makatulog si Charnel dahil sa proposal na inialok sa kanya ni Tydeus. Pagkatapos siyang ihatid ng lalaki kanina ay nginitian pa siya nito bago umalis tsaka ni-remind ang sinabi nito sa kanya.
Kaya naman para makaiwas sa pag-iisip at sana ay walang planong tanggapin iyon ay pinili niyang magpahinga ng maaga ngunit, paano?

'Bwesit na lalaking 'yon, ganoon na ba ako kahina para ialok n'ya sa'kin iyon o naaawa lang siya sa sitwasyon ko?

'O baka, may ibang rason kaya inialok niya sa'yo iyon.' Anang isang bahagi ng isip. Iwinaksi niya ang pag-iisip at tumagilid ng higa nang biglang nag pop up sa isip niya ang mukha ni Azi noong naghiwalay sila.

Bigla niyang narinig ang boses nito at masasakit na pananalita. Sumapaw naman ang pang-iinsulto ni Vanessa sa kanya sa mall, at memorya ng bawat pag-iyak niya gabi-gabi at sa parke.

Biglang sumikdo ang sakit sa puso niya at namumuo ang mga luha sa mga mata habang patuloy na nagrereplay sa kanyang isipan ang mga katagang binitawan ng dalawa at sa bawat kritisismo ng ibang tao tungkol sa pisikal niyang anyo.

Hindi nagtagal, natagpuan na naman niya ang sariling nagbre-break down sa sakit. Tuwing ganitong oras, nagiging ganito siya.

Minsan napapaisip siya kung naging masamang babae ba siya sa nakaraan niyang buhay at bakit ganito kasakit na pagdudusa ang dinaranas niya sa bawat araw na lumilipas.

Napatitig siya sa kisame, habang patuloy pa rin umaagos ang luha niya. Habang nagrereplay sa utak niya sina Azi at Vanessa, bigla namang sumingit si Tydeus at mga sinabi nito.

Napatigil siya sa pag-iyak at napasinghot.

'Shh. pag-iisipan mo, ino-offer ko sa'yo 'yong sarili ko at pati serbisyo ko oh, grab the chance, isipin mo sarili mo at isa pa hanggang in disguise lang naman eh, hindi ako magiging below the belt habang nasa isang proposal tayo.' Because of Tydeus' words, she woke up from reality.

Inabot niya ang cellphone na nasa coffee table at hinanap ang phone number na ibinigay nito sa kanya. She dialed the number then press the call button.

After few rings sumagot ang nasa kabilang linya.

"Hello, Charnel?" Gulat siyang napatitig sa cellphone.

'Paano nalaman ng lalaki na siya ang tumatawag? Inaasahan ba siya nito?'

She cleared her throat. "T-tydeus."

Ilang segundo ang katahimikan mula sa kabilang linya bago ito nagsalita.

"So have you decided already? What now—"

"Pumapayag na ako."

"W-what? Pardon?" Halatang gulat ang nasa kabilang linya dahil sa timbre ng boses nito.

"Sabi ko, pumapayag na ako but I have rules and conditions. Would you mind if hihilingin kong magkita tayo bukas?" She said with confidence. No more nervousness.

Ito ang desisyon niya, sana lang ay maging tama ito.

"Sure, babe. I'll be there exactly 8 am. I am excited to talk about it with you tomorrow. See ya." Anang nasa kabilang linya na nagpabilis ng tibok ng puso niya.

He was really gentle and adorable. A boyfriend material indeed.

She cut off the call. She was out of her words. Speechless.

Akala niya ay normal lang ang nararamdaman niya. Not until Tydeus popped up on her dream. Making it the best she could have be.

A dream where happiness is all over and no more agony.

AGONY IN DISGUISEWhere stories live. Discover now