CHAPTER 05

5 2 0
                                    

NAGISING siya sa ingay ng ringtone ng cellphone niya. Bumangon siya sa kama at tumingin sa orasan, para sa kanya isang pangkaraniwang araw lang ito para sa kanya.

Babangon at pupunta sa trabaho. Ngunit hindi makabuluhan. Kinuha niya ang cellphone sa bed side table at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Bumuntong hininga siya nang makita ang mga missed calls mula kay Yen at Kate. Napapaisip siya sa mga ito na napaka swerte ng mga buhay ng mga ito pero siya? 'ewan'

Hanggang sa makakaya niya ay iiwasan nalang muna niya ang dalawang kaibigan. Inilagay niya ulit ang cellphone sa bed side table niya at nahagip ng kanyang mga mata ang isang puting panyo.

Naalala na naman niya ang lalaki na nakilala niya kahapon. Hindi man lang nyia alam ang pangalan nito. Pero dapat lang siguro 'yon, sa tansya niya sa lalaki ay kilala ito o popular. At hula niya isa rin itong mananayaw.

Ang hindi niya makalimutan ay ang mukha ng lalaki, ang tindig nito, ang amoy at kung paano siya nito titigan. Ayaw naman niyang bigyang kahulugan iyon pero sa tuwing nagtatama ang mga mata nila ay may kakaibang emosyon ang namumuo sakanya.

Mahaba ang buhok nang lalaki na hanggang batok ang taas at kulay light yellow na pamilyar sa kanya. Matangkad rin ito at medyo sakto ang kaputian.

Sa pagkakaalala niya ay nakasuot ito ng itim na jacket na may mga japanese calligraphy sa gilid bilang design at may mga gold na lace. May tela rin na ginawang apron na may gold na design sa gilid. All in all bagay sa lalaki ang suot kung hindi siya nagkakamali costume siguro iyon.

'Napaka gwapo pa niya' Anang isang mumunting isip niya.

Bigla niyang nahilamos ang mukha dahil sa pag iisip. 'Bakit ko iyon iniisip!'

'Next time, huwag mong...hayaan ang sarili mong umiyak sa maraming tao.' Naalala niya mga sinabi nito sa kanya habang nakatitig ito sa kanya.

Nakakahipnotismo ang titig nito na hanggang ngayon ay ayaw siyang lubayan, tila ba nasa harap niya ang lalaki at naulit-ulit ang eksenang iyon.

Nasabunutan na niya ang kanyang buhok. 'Pwede ba, huwag mo siyang isipin!'

Iritadong umalis siya sa kama at pinili nalang iligo ang mga iniisip niya baka sakaling makalimutan niya ang lalaking 'yon.

But...lihim siyang nagdasal na sana makita niya pa ulit ang lalaking iyon.


"BAKIT kayo nandito?" Tanong niya sa dalawang kaibigan na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa kanya.

Nakatayo ang mga ito sa harap ng pinto niya.

"Bakit mo kami tinatanong n'yan? We are here because we are worried about you!" Frustrated na sabi ni Kate.

'I'm sorry.' Lihim niyang sabi.

"Were have you been yesterday, Charn? Ilang beses ka naming tinatawagan pero hindi ka sumasagot." Sabi naman ni Yen sa kanya akmang lalapit sa kanya ngunit umatras siya.

"Okay lang ako. Pwede na kayong umalis." Walang emosyon niyang pagpapataboy sa mga kaibigan.

"Really? after we came here just because we are worried about you, paaalisin mo lang kami?" Galit na tanong ni Kate sa kanya.

Hindi siya umimik.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Charn?" Tanong ni Yen na parang hindi makapaniwala.

"We know you have been enough. Alam namin na nahihirapan ka at 'yung nangyari kahapon sobra kang nasaktan doon, kaya nga nandito kami para samahan ka—"

"Hindi niyo kailangang mag effort na pumunta dito. Hindi ko kailangan ng kasama. Umalis na kayo."

"Charnel!"

"Siguro nga tama ang sinabi nila kahapon, ang maging kaibigan niyo'ko ay isang kahihiyan. No one will be proud of having me. Ayoko kayong mapahiya, kaya simula ngayon...." Bumuntong hininga siya. "Huwag na tayong maging magkaibigan." Mapait siyang ngumiti. "Paalam."

Isinarado na niya ang pinto at napadausdos. Kailangan niyang gawin iyon, hindi na niya kayang tiisin ang ganito. Unti-unti nang nawawala sa kanya ang lahat.

Narinig niya mula sa labas ang papalayong sasakyan ng mga kaibigan. Nasapo niya ang dibdib dahil sa sakit. Mas masakit pa ito sa nasaksakan ka ng kutsilyo.

Ang makita ang mga kaibigan mong umalis dahil pinapalayo mo sila sa magulo at madilim mong mundo.

Sinisisi niya ang sarili sa lahat ng pagkakamali niya. Wala na siyang mga magulang, wala rin siyang kapatid na pwedeng karamay, wala na rin siyang mga kaibigan. Kaya ngayon ay nag iisa na siya. Walang tutulong sa kanyang makabangon sa sakit.

Dating gawi.

Umiiyak siya buong araw hanggang sa mapagod siya.

For her, that's the only thing she can do.


"HEY TYD! wake the fuck up! kanina pa ako nagsasalita dito hindi ka pala nakikinig." Napabalikwas siya nang marinig ang boses ng pinsan niyang si Keith.

Babaeng babae ito pero lakas maka mura.

"A-ano bang sinasabi mo?" Naisuklay niya ang mga daliri sa kanyang buhok.

"Ano ba 'yang iniisip mo? para kang wala sa sarili." Nguso nitong saad tsaka sumimsim ng tsaa mula sa tasa.

Nasa garden sila ngayon, bumisita kasi itong si Keith para makita siya. Sa mga pinsan niya ay ito ang close niya. Kaya ganoon na lang ito makamura sa kanya.

"Just someone." Saad niya na para bang baliwala sa kanya ngunit ang totoo ay hindi.

"Come on, Tyd. Who is she?" Intrigang tanong nito.

Kumunot ang noo niya. "Paano mo naman nalaman na babae?"

Tumaas ang isang kilay nito. "Duh, Unless naman lalake ang iniisip mo para lang mawala ka sa tamang pag-iisip." Mataray nitong sabi na nagpangiwi sa kanya.

"So...sino siya?" Tanong nito habang nakangiti.

Sumimsim ulit siya ng Tsaa. "Hmm. Hindi ko nalaman ang pangalan niya. Bigla siyang umalis eh."

Manghang nakatingin ito sa kanya. "Really?!" Tumango siya.

"How could your charm didn't work? Pumunta ka lang sa japan hindi kana marunong lumandi?" Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. Minsan wala talagang preno ang bibig nito.

"Tumahimik ka nga. I didn't have the chance to ask her because when I met her she was...crying." Napangiti siya nang maalala ang mukha nito.

He was wondering, kung masaya ang babaeng yon, her eyes would be twinkling in happiness.

"Well, I can sense that you're admiring that no named woman." Napatingin siya sa pinsan niya at kinunutan ito ng nuo.

"Shut up. Hindi gano'n iyon—"

"So ano? look tyd, you're day dreaming about her. You're even smiling while thinking of her, you look like an idiot."

Napatanga siya sa pinagsasabi nito. At hindi makapag salita. Hindi niya kasi alam ang isasagot.

"No. hindi ganon, kung ano nalang pinagsasabi mo." Giit niya. That's impossible.

"You like her, don't you?" Napamulagat siya sa sinabi ng pinsan.

"Keith!" Sigaw niya sa pangalan nito kaso tumawa lang ito ng tumawa.

"Calm down, idiot. Tinutudyo lang kita. But anyways, this will be my advice for you. Next time, do have the courage to ask her name if you will see her again. Para naman malaman ko ang pangalan ng magiging bride mo soon." Mas lalong sumama ang timplada ng mukha niya.

Ngunit tinawanan lang siya nito.

Inabala niya nalang ang sarili na sumimsim ng tsaa sa tasa. Nahihibang na nga ang pinsan niya.

'Really? Like at first sight? That's insane and probably very impossible to happen.' Ani niya sa isip. Mawawala rin siya sa sistema niya.

But if soon will happen, he's sure that he will meet that woman again.

At sisiguraduhin niyang malalaman niya ang pangalan nito.

'One way or another.'

HADES

AGONY IN DISGUISEWhere stories live. Discover now