"ANO BA AZI, bitawan mo'ko please." pagmamakaawa niya sa lalaki na bitawan siya. Akala niya ay hindi ito makikinig pero binitawan siya nito at humarap kaagad sa kanya.
Kita niya ang awra nito na parang hindi natutulog ng ilang araw dahil namamaga at nangingitim din ang ibaba ng mata nito. Gusot gusot din ang suot nitong damit at wala sa ayos ang buhok.
"A–ayos ka lang ba?" tanong niya rito. Kahit pa-paano ay nag-aalala pa rin siya sa lalaki sa kabila ng mga ginawa nito sa kanya, Azi is still part on her memories from the past. May pinagsamahan pa rin naman sila.
Imbes na sagutin siya ay niyakap siya nito. Naramdaman niya ang paghikbi nito at mas lalo siyang niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Charn. I'm sorry, so so so sorry." paulit ulit nitong hingi ng tawad. She was stunned, ito ang unang beses na humingi ito ng tawad sa kanya kahit pa noong sila pa ay hindi niya ito narinig na mag sorry.
Kinapa niya ang likod nito para pagaanin ang nararamdaman nito. Nanatili siyang hindi nagsasalita hanggang sa huminto ito at humiwalay ng yakap sa kanya. Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat.
Namumugto ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. "Charnel, would you comeback to me?" Tanong nito sa kanya.
Nangunot ang noo niya sa tanong nito. "Huh? Si Vanessa–"
"She cheated." Mahinang saad nito at binitawan siya, umiwas ito ng tingin.
Sa isip isip niya, destiny was too playful. Now look who got cheated afterwards. Isang manloloko niloko lang din ng isa pang manloloko. Imbes na matuwa, she felt sad for Azi.
She taps Azi's shoulder. "I understand but –"
"I'll be better. Hindi ko na uulitin 'yung dati. I'll be a good person, I will do everything. I know masakit 'yung nagawa ko sa'yo noon and that wala akong utang na loob na hingin sa'yo na bumalik ulit but I will do everything, baby. I'm sorry for everything, i'm sorry please–"
"Azi, please stop begging. Actually, I'm happy for you because you just learned your lessons. I should be happy kasi inaalok mo ako na bumalik sa'yo but no, if I still love you I'm sure my two kneels will kneel on the ground just to be with you again pero hindi na eh..." Nagbaba siya ng tingin at naimagine ang mukha ni Tydeus, napangiti na lang siya.
"I see. You love him." Nag angat siya ng tingin kay Azi. He was now smiling. "I have been coward towards our relationship na mismo sa sarili ko hindi ako nagtiwala." She can see the pain in his eyes, may namumuo doon na luha at halo-halong emosyon na hindi na mahulaan.
"W–what do you mean?"
"I lied when you ask me kung minahal ba talaga kita. Sa relasyon natin, palagi ako nagsisinungaling. Masaya ako na nakikita ka but I acted nothing. Masaya ako na kasama pero hindi 'yon ang pinaparamdam ko. Masaya ako sa'yo pero hindi 'yun ang pinapakita ko. Hindi ako nagtiwala sa sarili ko." Nagbaba ito ng tingin dahil sa patuloy na pag-agos ng luha nito. "I was been lucky. So lucky to have someone like you who would lend everything just to sustain my selfish needs. At dahil takot ako kasi mas kilala ko ang sarili ko, natakot ako sa sarili, I know myself better that's why I always do that to you mas pinili kong sundin kung ano talaga ako kahit ang totoo ikaw ang kasiyahan ko." Tumingin ito sa kanya. She can't believe on what she's hearing from azi right now. She was speechless.
Azikiel hugs her tight. "I do love you, Charn. But sometimes loving each other just isn't enough." Those are Azi's words that make her caught breathless. Hindi dahil tumitibok ng mabilis ang puso kun'di dahil she can't believe na mahal pala talaga siya ng kaharap noon.
"Be happy with him, Charn. I'm sorry ulit sa mga nasabi ko sa'yong masasakit na salita. I just can't accept that I fall for you and still noong naging kami ni Vanessa, I am still in denial with my feelings towards you. I'm sorry for everything what i've said–"
"Shh. Tama na, Azi." Hinagod niya ang likod nito. "It's alright. Everything will be alright. The pieces are already in their right places, don't worry."
Humiwalay sa kanya si Azi at ngumiti, there will still glitters of tears in his eyes. "I know, masaya ako na masaya ka sa kanya. Although, I also don't like his attitude." She chuckles and wipes Azi's tears on its cheeks.
"Tydeus is a good man and hmm..."
"You really love him." Azi smiled. Ngumiti na rin siya at tumango.
"I really really do."
"Then tell him, before it's too late." Sabi nito at hinalikan siya sa pisngi. "That's for everything you did for me before. Thank you, Charn and till we meet again." Kumawala na si Azi sa kanya at tumalikod sa kanya na may malungkot na ngiti sa labi.
As she was about to call Azi's name, someone interupted.
"So, did you had a comeback with your ex?"
Nang lumingon siya sa pinanggalingan ng boses, It was Tydeus who was just standing and leaning on the wall, few meters away from her.
'Kanina pa ba siya rito?' Tydeus face was emotionless while looking at her. 'Galit ba siya?'
"Tydeus." She smiled and walk towards him. "Kanina ka pa ba rito?" Tanong niya sa binata.
"Bago lang, sakto na makita ko 'yung paghalik niya sa pisngi mo." Saad nito. Those words was emotionless. She was starting to get afraid.
"It's not what you mean." She tries to hold Tydeus hands, pero winakli lang nito ang kamay niya.
"I did a present for you but here you are talking with your ex, did you have your relationship comeback? Masaya ka ba? I bet my ass that you are." Mala sarkastiko nitong saad, nasaktan siya sa sinabi nito but she keep herself strong.
"Please, let me explain my side. It's not what you think–"
"So ano? Na joke lang 'yon na humalik siya sa pisngi mo at yumakap sa'yo? Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya but I also don't care." Galit na galit ang hitsada ng mukha nito. "Did you just used me? Para lang magkabalikan kayo ni Azikiel? I did almost everything para lang ako ang magustuhan mo—"
"Tydeus!" Hindi na niya mapigilan ang sarili. Bigla niyang nasampal ang binata sa mukha. Namumuo na ang luha sa mga mata niya. "I told you it's not what you think it is!"
Tydeus went silent, gulat sa pagsampal niya rito. Biglang lumambot ang ekspresyon nito sa mukha habang nakatingin sa mga mata niya na ngayon ay naluluha.
Umatras ito sa kanya. "I get it. I'll just give you time—"
"No, oras para saan? Just let me explain my side, 'yun lang naman ang hinihingi ko. Why can't you just hear me out?" Nanggigigil niyang ani. Her heart was getting ripped into pieces.
"How can I hear you out if you didn't give me any assurance that it is just me? Ni hindi ko nga alam kung mahal mo rin ba ako..." Mapait na ngumit ang binata sa kanya. "I am afraid that after everything what I did, I will just lose the battle afterwards. Kagaya mo, takot din akong maloko, Charn." Tydeus steps forward to hugged her tight.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya na masabi 'yon. I'm so sorry, Charn." Humiwalay ito sa kanya at ngumiti, inayos nito ang buhok niya sa may tenga. "I think, we need some space to think. To think a lot of things–"
She held Tydeus' hands. "No need, Tyd. I love you."
Tydeus went silent again at nagpakawala ng buntong hininga. "You need to think again about that, Charn."
"Hindi mo ba ako naiintindihan—"
"Shh. This space is better for us. I'm sure, makakatulong ito para sa'tin." Tydeus held her hands. "Umuwi na tayo, pagod na ako."
Dahil sa sobrang inis at galit, hindi na siya nagsalita. At sa buong byahe nila pauwi wala rin silang imikan ni Tydeus. Naiinis siya sa binata dahil hindi man lang ito naniniwala o marunong makiramdam sa kanya.
Ang huli nitong sinabi bago siya nito iniwan sa tapat ng apartment niya ay maghihintay pa rin daw ito sa kanya hanggang sa maging okay na raw lahat.
Nagpapadyak na lang siyang pumasok sa loob ng apartment. 'Ano bang gusto ng lalaking 'yon!'
Natagpuan niya na lang ang sariling umiiyak dahil sa sobrang inis.
'Bahala kang maghintay habang buhay, Tydeus!'
HADES.
YOU ARE READING
AGONY IN DISGUISE
Romancehe offers his self to be her in disguise boyfriend, just for her to get out of her agony and loneliness. would she turn him down or accept his (delicate) proposal?