"H-HI." Pagbati niya sa bagong dating na si Tydeus.
Ang liwanag ng araw at kitang-kita niya ang malinaw na physical na anyo nito. Hindi lang ito mabait, ang gwapo pa nito kahit simpleng white T-shit na may red printed word na 'distract ain't rely on me' at black cargo pants at rubber shoes. Nakapusod din ang buhok nito na kumikinang dahil sa sinag ng araw.
Sigurado siyang maswerte ang babaeng makakasama nito sa buhay.
Bigla siyang natauhan sa pag-iisip nang may marinig siyang pagpitik ng daliri.
"Earth to, Charnel. Okay ka lang ba?" May pag-aalala nitong tanong habang nakatitig sa kanya.
"Ahm...Oo, Oo." Sagot niya sa tanong nito. Sinuri muna nito ang emosyon niya sa mga mata bago siya nginitian.
'Ang gwapo!' saad ng isang bahagi ng kanyang utak.
"You're so beautiful today." Nagulat siya sa sinabi nito. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya nasabihan ng gano'n ng bukal sa loob, ni hindi nga niya narinig iyon mismo sa dating nobyo.
Walang bahid ng pag-aalinlangan sa mata ni Tydeus. Diretso lang itong nakatitig sa kanya.
"Ahm. I said you're beautiful today." Ulit nito, hindi nga siya nagkakamali.
"Nagbibiro ka ba?" 'Yun lang ang lumabas mula sa kanyang bibig.
Mahinang tumawa ang lalaki tsaka mahinang tinapik ang kanyang ulo. "I'm telling the truth. Nag ayos ka ba?" Inilapit nito ang mukha sa mukha niya, ngayon isang dangkal na lang ang layo ng pagitan nila.
Nasu-suffocate siya sa presensya nito na sobrang lapit sa kanya. Kaya naman ay humakbang siya paatras.
"K-konti lang." Nautal niyang sagot.
Tumango-tango ang lalaki. "Is that so? Ako na siguro ang maswerteng lalaki." Makahulugang ani nito tsaka inilahad ang palad.
"Tara na?" Aya nito. Tumango lang siya tsaka inabot ang kamay.
Looking at their hands together. It feels right and comfortable.
Pinagbuksan siya nito ng pinto at agad siyang sumakay doon. Sumunod naman itong sumakay at agad nang pinaandar.
Habang nasa byahe. "Pwede ba daanan muna natin ang La Càfe? Doon kasi ako nagtatrabaho, gusto kong magpaalam sa boss ko ng personal." Sabi niya sa katabi habang nagmamaneho ito.
Ngumiti ito at tumingin sa kanya. "Sure basta ikaw." She felt flattered all of a sudden.
A few minutes later ay nakarating na sila sa La Càfe Shop ng boss niya. Umuna na siya ng pasok doon at hinanap ang boss niya sa katrabaho niya. Itinuro ng mga ito ang maliit na office ng boss.
Akmang kakatok na siya nang biglang bumukas ito. Nagulat siya rito pero agad ding sumeryoso.
"Ma'am, magpapaalam po sana ako na—"
"Go on. Looks like you're going on a date." Nakangiti ito sa kanya. "Once in a life, you deserve to enjoy." Ani pa nito tsaka siya nilagpasan.
Kilala niya ang boss niyang babae bilang strikta at napaka hard working pero sa kabila ng lahat ay mabait ito at patas sa mga empleyado nito. Pero hindi niya inaasahan iyon.
Sumunod siya rito at bigla ring napatigil nang tumigil ito. May tinitingnan itong kung sino. Napalinga-linga siya sa paligid, may tinitingnan rin ang mga katrabaho niyang kung sino. Pati ang ibang costumer may pinipicturan.
Nakisilip siya at tiningnan ang tinitingnan ng mga ito, at doon niya napagtanto na si Tydeus pala ang tinitingnan ng mga ito.
Mula sa kinatatayuan niya, tanaw niya ang kakisigan ng binata. Walang pakialam sa mga taong nakatingin dito at nanatili ang mga matang nakatitig sa kanya.
YOU ARE READING
AGONY IN DISGUISE
Romancehe offers his self to be her in disguise boyfriend, just for her to get out of her agony and loneliness. would she turn him down or accept his (delicate) proposal?