"SAAN KA PUPUNTA ANAK?" Rinig niyang tanong ng ina mula sa likod niya habang nagbibihis siya.
Nang masuot na niya ang T-shirt niya ay hinarap niya ito.
"May pupuntahan akong kliyente, Ma." Sagot niya rito tsaka ngumit.
Pumunta siya sa walk-in closet at kumuha ng checkered jacket.
"Tumatanggap kana ng trabaho ngayon?" Kuryosong tanong ng ina niya. Lumabas siya ng walk-in closet at isinuot ang jacket.
Tumingin siya sa ina. "Oo Ma, pero konti-konti lang muna. Soon magfo-focus ako sa family business." Ngumiti siya.
Lumapit ang ina sa kanya saka siya tinapik-tapik sa braso. "Don't sweat yourself, son. Kung hindi ka pa handa, it's okay."
He hugged his mom tight. "Thanks, Mom." Then kiss her forehead.
"As always son. Sige na mag-ingat ka sa byahe, okay?" Paalala nito, tumango lang at ngumiti bago ito tuluyang umalis sa kwarto niya.
Nang okay na ang lahat sa kanya ay bumaba na siya at lumabas ng bahay, agad siyang pumunta sa garahe at sumakay sa open roof niyang kotse.
Pagkasakay niya ay agad niyang pinaandar iyon at pinaharurot. Kinuha niya ang phone niya mula sa bulsa at tinawagan ang kaibigan niya na kliyente niya rin.
"Hey Tyd?" Anang boses sa kabilang linya.
"I'm on my way, just tell me kung saan tayo magkikita." He said.
"On my mall. You know where it is. Nandito lang ako sa opisina ko." The other line said.
"Okay, copy." He said then turn off the call.
Mas binilisan pa niya ang pagmamaneho.
'I hope this day will not be so stressful as I thought.'
"PUMUNTA KA kahit saan na super market, basta mahanap mo lang itong pinapabili ko sa'yo, Charnel ah." Iyon ang sabi ng boss niya kaya ngayon nandito siya sa isang mall sa may Quezon.
Bago lang daw ang mall na ito, pero malaki at sikat na. Kompleto rin daw ito sa lahat. May càfe, restos at supermarket, may mga botique rin dito para sa mga luxurious at branded na gamit. Kaya halos costumer dito mga mayayaman.
'Eh sa supermarket lang naman ako kaya okay lang' sabi niya sa isip niya.
Pinapabili kasi siya ng stock ng soya beans ng amo niyang babae, naubusan sila ng stock. At siguro mag-iimbento na naman ito ng kape, mahilig kasi itong gumawa ng mga handmade na kape.
Nang makapasok siya sa supermarket ay agad siyang naghanap ng soya beans, hindi naman siya nahirapan kasi katabi lang nito ang meat section.
Nang mabayaran niya na ang binili na tatlong kilo na soya beans ay lumabas na siya ng supermaket.
Nang makita niya ang nagkukumpulang tao ay bigla na naman siyang nalungkot tsaka tiningnan ang orasan. Maaga pa naman kaya naisipan niyang mag ikot-ikot muna sa mall.
Pumasok siya sa loob at nag escalator pahatid sa second floor, doon may mga botique roon. Nakikita niya ang mga magagandang damit at lihim na naiinggit sa mga nakakabili noon.
Bumuntong hininga siya saka nagpatuloy sa pag-iikot nang may madaanan siyang book store.
Sa hindi malaman na dahilan ay biglang umarko ang kanyang labi para sa isang ngiti nang may maalala siya.
'Yung lalaking tumulong sa kanya noon. Kinuha niya ang panyo na nasa bulsa niya. Dala-dala niya iyon, nagbabakasakali na makita pa niya ulit ang lalaking iyon.
'Tatanungin ko ang pangalan niya tsaka pasasalamatan.' Ngumiti siya saka ibinalik ulit sa bulsa ang panyo.
Akmang magpapatuloy na siya sa paglalakad nang makasalubong niya ang grupo nila Vanessa. Kasama nito ang mga kaibigan nito at confident na naglalakad habang may dalang mga bag na pinamili galing sa mga botique.
Mataray na tumingin si Vanessa sa kanya. "Look, who's here." Taray nitong sabi.
Siya naman ay natulos sa kanyang kinatatayuan. Ito na namang kaba at takot na namumuo sa kanya.
"Hey, Charnel? Why are you here, alam mo bang hindi bagay ang katulad mo dito?" Pang iinsulto nito sabay tawa. Tumawa rin ang iba nitong kasama.
Lumapit sa kanya si Vanessa at dinuro-duro siya sa ulo. "You little pity bitch. Hindi mo ba ma-gets ang sinabi sa'yo ni Azi? Well, let me rephrase it for you. Huwag kang magpapaka trying hard kasi kahit anong gawin mo hindi ka magiging belong dito at sa mga taong nakapaligid sa'yo. Para samin isa ka lang langgam." Tiningnan siya nito mula hanggang paa tsaka tumaas ang sulok ng labi nito. "Look at you, losyang at nakakahiya." Tumawa ito tsaka siya binangga dahilan para madapa siya at mapasubsub sa sahig.
Iniwan na siya nito kasama ang mga kasama nito. Napayuko siya sa sahig, alam niyang maraming tao ang nakatingin sa kanya. Durog na durog ang pakiramdam niya habang nakatingin doon at hindi niya namalayan na umaagos na pala ang luha niya sa mga mata at nagiging blurr na ang paningin niya.
Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakadapa. Ni wala man lang siyang lakas ng loob upang labanan ito.
'Napakahina ko!' Galit na giit niya sa sarili. Tumakbo siya dahil hindi na niya kaya ang kahihiyan.
Takbo lang ang nagawa niya ni wala siyang pake sa mga taong nakatingin. Ni hindi niya namalayan na nakabangga pala siya.
"Pasensya na." 'Yun lang ang sinabi niya habang nakayuko at patuloy sa pag iyak tsaka siya nagpatuloy sa pagtakbo.
Dinala siya ng pagtakbo niya sa isang open space veranda ng mall. May mga tao rin doong nagda-date pero wala siyang pake, umiyak siya ng umiyak hindi niya alintana ang mga taong nakatingin.
Randam niyang may lumapit sa kanya, siguro ay naawa ito o kyuryos. Hindi nya ito tiningnan basta umiyak lang siya, iiyak siya hanggang sa mapagod siya.
"Hindi ko inaasahan na sa muli nating pagkikita makikita ulit kitang umiiyak." Sabi nang isang pamilyar na baritonong boses.
Bumuhos ulit ang mga luha niya sa mata at mas lumakas pa ang paghikbi. Tiningnan niya ang lalaki na ngayon ay nakatingin sa kanya habang nakangiti.
"Huwag ka nang umiyak." Pag-aalo nito.
Iniisip niyang siguro ay imahinasyon niya lang lalaki dahil imposible naman na magkita sila sa ganitong lugar or she have thought wrong.
"Yung sinabi mo na huwag akong umiyak sa maraming tao, hindi ko magawa masyado akong mahina." Saad niya habang nagpupunas ng luha.
Kahit medyo blurr ang paningin ay kita niya ang pagtingin ng lalaki sa paligid nila. May mga taong nakatingin sakanya na nakakunot ang noo o hindi kaya ay naiirita na nakatingin sa kanya.
Then he look at her and their eyes met. There are flashes of unknown emotions in his eyes that she couldn't describe.
Her heart melts when he smiled at her, hinila siya nito at niyakap. She was shocked at the same time hindi niya inaasahan na yayakapin siya ng lalaki.
"I would never allow anyone to look at you while crying. So hug me tight, I'll be your crying pillow." He said.
And her heart irrevocably skip a fast beat.
HADES.
YOU ARE READING
AGONY IN DISGUISE
Romancehe offers his self to be her in disguise boyfriend, just for her to get out of her agony and loneliness. would she turn him down or accept his (delicate) proposal?