CHAPTER 04

5 3 0
                                    

"OO MOM, gagalingan ko po 'wag na kayong mag-alala, ako pa!" pagmamalaki niyang ani sa ina mula sa cellphone.

Nang makatanggap siya nang email na ini-invite siya ng isang kaibigan upang maging temporary member para sa isang sayawan o cover dance competition ay sumali siya. Wala rin naman siyang magawa at the same time mag pa-part time rin siya nang pagtuturo sa group mate niya.

"Okay son, goodluck I love you!" Anang ina na nagpangiti sa kanya.

"Yes mom, I love you too. I have to go." Saad niya at nagpaalaman na sila ng kanyang ina bago niya ibinaba ang cellphone.

Lumabas siya ng mens room at inayos ang mini mic sa kanyang tenga at inayos ang buhok niyang naka slight curl. Medyo mahaba kasi ang kanyang buhok na hanggang batok at naka in style cut ito, parang buhok ni Hyunjin ng Straykids sa Gods Menu.

'Yon rin naman ang pinoportray niya. Total ganon rin naman kahaba ang buhok niya ay pinakulayan niya nalang to ng light yellow.

Pupunta siya sa elevator sa 3rd floor at dadaan pa siya ng books area bago makarating doon.

Habang inaayos ang costume na suot at sa pagmamadali 'di niya namalayan na papasok na siya ng book area.

Agad ding nag ring ang cellphone niya mula sa bulsa, kinuha niya iyon at akmang sasagutin nang may narinig siyang mga paghikbi.

Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad nang may nahagip ang kanyang pheriperal view. Tumingin siya sa may gilid, sa may book corner ng book area at may nakita siyang babae na nakayukyuk habang yakap nito ang mga tuhod.

Natulala siya nang mapagmasdan ito at marinig ang mga paghikbi nito. Tumingin siya sa mga dumadaang tao, nagtataka rin ang mga ito na nakatingin sa babae.

Kinuha niya ang panyo niya mula sa isa pa niyang bulsa at dahan-dahan itong nilapitan.

"Take it. Hindi bagay sa'yong umiyak sa ganitong karaming tao." Sabi niya habang inaabotan ng panyo ang babae.

Tiningnan nito ang panyo n'ya bago ito nag angat ng tingin at magtama ang mga mata nila.

Para atang nag slow motion ang lahat. He can see the pain and agony in her beautiful eyes.

He smiled. "Don't cry."

Halata ang pagkagulat at mangha sa mga mata ng dalaga.

'Bakit ganon?' tanong niya sa isip, nagtataka kung bakit ganoon ang reaksyon ng babae.

Kinuha niya ang kamay nito at ibinigay ang panyo. Lihim siyang napangiti dahil sa lambot ng kamay ng dalaga at para bang ayaw niyang bitawan iyon.

Pero bago niya pa magawa ang iniisip ay inagaw na nito ang kamay mula sa kanya.

"Umalis kana. Pabayaan mo'ko dito." Malamig na saad nito, umiwas pa ito ng tingin sa kanya.

Wala na ang pagkamangha at gulat.

"Huwag kang umiyak dito, maraming tao—"

"Ano naman ang pakialam mo? Umalis kana." Pagtataboy nito ngunit 'di siya natina, nanatiling nakatitig lang siya dito at sa mga luha na pumapatak mula sa mga mata nito.

"Hindi mo kailangang ipahiya ang sarili mo dito, kaya 'wag kanang umiyak." Sabi niya ngunit mapakla lang itong tumawa.

"Hindi ko kailangang ipahiya? Kung alam mo lang, matagal nang kahihiyan ang sarili ko! Sawa nako sa ganito! Nakakapagod na! Gusto ko nang mamatay—" Bago paman nito matapos ang sasabihin ay hinila niya ito dahilan para mapatayo ito at mawalan ng balanse.

Agad niyang sinalo ang dalaga at iniyakap ang braso sa beywang nito. Nagtama ang mga mata nila, kita ang gulat nito at magkadikit pa ang kanilang mga katawan.

AGONY IN DISGUISEWhere stories live. Discover now