Chapter 59: Strange Noise (Part 2)

137 11 0
                                    

Connected Chapters: "Chapter 53", "Chapter 56", "Chapter 58" (Make sure to read this before proceeding to this chapter, ok?) ^_^

Enjoy!


_____


Chapter 59: Strange Noise (Part 2)


Ian's POV


Sorry. The number you dial is not yet in service/ Please try your call later.


"Argh! Buds! Please. Sagutin mo. Sagutin mo!" aburidong sabi ko habang paulit ulit na dinadial ang number ni Nikki, at sa mga oras na to hindi talaga ako mapakali hanggat hindi nya sinasagot ang tawag ko.


Nagmadali akong tawagan siya kasi nakareceive ako ng Xavier School article mula kay Kylie. Nagpanic ako kaya agad kong kinuha ang cellphone ko. Gusto ko siyang matawagan ngayon para malaman ko ang panig nya. Gusto kong malaman kung totoo ngang nagtapat sa kanya ang Vincent Romero na yun. At pag nalaman ko yun, hindi ko talaga matatanggap dahil nauunahan na pala ako ng g*gong lalaking yun.


Pero bwisit. Paano ko malalaman ang lahat ng tanong sa isipan ko kung katulad ngayon, hindi niya sinasagot ang tawag ko?


Dahil ba sa tulog pa siya?


Dahil ba sa madaling araw ngayon?


O ayaw nya lang talaga ako sagutin?


Pero hindi eh. Kung alin man sa dalawa ang rason, kailangan eh. Kailangan nya akong sagutin. Kailangan nya akong sagutin ngayon. Dahil kung hindi, hindi talaga ako matatahimik. Hindi talaga ako mapapakali sa kinatatayuan ko.


"Urgh! Badtrip! Badtrip!!"


Sa sobrang inis ko, nabato ko sa sofa ang cellphone ko. Kainis, bakit ngayon pa? Bakit ayaw nya pakausap? May tinatago ba siya? O dahil nga ba talaga sa lalaking yun?


"Ano? Sinagot na ba?" napalingon ako sa tabi ko nang magsalita si Kristoff.


"Mukha bang sinagot?! Hindi ba obvious na hindi?!" asar ko naman na sabi sa kanya at padabog na umupo sa tabi nya. "Kanino ko pa nga siya tinatawagan pero ni isa sa mga tawag ko ayaw nyang sagutin!"


"Eh baka naman kasi tulog pa si Nik-Niks. Anong oras palang brad--?"


"Hindi! Gising na yun!" inunahan ko na siya. "Alam kong gising na yun!" dagdag ko pa at padabog na sumandal sa kinauupuan ko.


"Fine brad. Chill ok? Sinasabi ko lang" rinig kong sabi ni Kristoff pero di ko nalang siya pinansin.


Kilala ko kasi si Nikki. Early bird yun at palaging maaga gumigising. 4:00 am man ngayon pero nararamdaman ko. Gising na yun.


Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon