Short Message:
This chapter is dedicated to @lablilyn and @ikamx_101. Pero dahil si kambal yung unang nagpadedicate, siya nalang yung tinag ko. Next time ka nalang, Jo. Haha. Sila po yung nagpost ng link nung username ko saka story ko sa FB account nila kahit sinabi kong “ghost author” ang peg ko. Kaya parang wala na din yung pagiging ghost author ko kasi nakilala na din nila ako. Hahaha. =PHi Kambal! Hi Jo! *kaway kaway
Wag nyo na akong patayin ah. Nag-update na ako ngayon. Haha. Jokes! Love you, guys! *Mwahhugss <3
________________
Chapter 17: Waterpark Bonding (Part 2)
“Ok. So ibig sabihin.. Kasama ninyong dalawa yung daddy mo saka daddy ni Vincent, tama ba?”
Yun ang sinabi ni Ashley habang nakaupo kami ngayon sa upuan. Kung matatandaan nyo, nakita kami ni Ashley na magkasama ni Vinci. Kaya ayun, before siya mag-isip ng kung ano-ano, kinausap ko na kaagad si Ashley at inaya siya sa food court ng waterpark. Sinabi ko muna kay Vinci na kailangan muna naming mag-usap ni Ashley ng kami lang. Kaya ayun, binigyan nya kami ng time at umupo muna siya sa may table na hindi malayo sa kinaroroonan namin ni Ash.
“Oo. Ganun na nga, BFF” sabi ko kay Ashley habang iniinom ko yung shake na binili ko.
“Pero wait, paano nagkakilala si tito Greg saka yung daddy ni Vincent?” sabi ni Ashley
“Kasi nga, ganito yan. Bestfriend ni daddy si tito Henry since highschool pa lang sila. Kaya ayun, may reunion sila ngayon dito sa waterpark. Tapos sinama lang kaming dalawa.” Sabi ko
“Ahh. Pero ano yung sinasabi mo kanina na magkasama kayo sa iisang bahay? Anong kinalaman nun?”
“Ayun, nakituloy muna sila sa amin pansamantala sa bahay kasi may business daw si daddy at tito Henry na dapat gawin sa company and mas madali daw kung magkasama sila sa iisang bahay. Kaya ayun, nagkasama kami sa bahay ni Vinci ngayon.”
“Ahh. Ok. So yun pala ang dahilan kung bakit magkasama kayo ni Vincent ngayon. Teka, Pero bakit kayo lang? Asan sila tito Greg?” Sabi ni Ashley habang nakangunot pa rin yung noo nya.
“Nandun sila sa mainhall ngayon. Lumabas kami ni Vinci kasi ang boring dun. Saka wala naman kaming kakilala sa loob eh, kaya lumabas nalang kami.” Sabi ko at ininom ko ulit yung shake.
“Ahhh. Ok. Gets ko na”
Hayss. Sa wakas.. Naintindihan nya na din. Alam nyo bang kanina pa kami dito? Almost 1 hour na. Hindi kasi maintindihan ni BFF yung explanation ko eh. Kaya paulit-ulit nalang kami mula kanina.
“Pero bakit hindi mo sinabi kaagad?” sabi ni Ashley
Ayyy, may follow-up question pa pala..
Tumingin muna ako kay Ashley bago magsalita. Mukhang medyo serious ng konti si BFF. Nakakatakot..
BINABASA MO ANG
Story of A Campus Girl
Teen Fiction"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkakataon. Pero para kay Nicole na Certified Campus girl sa isang prestigous Arts School, "Hate at First sight" ang nafeel nya nang naencounter a...