Chapter 15: Unexpected Bonding Moment

88.4K 1.3K 135
                                    

Chapter 15: Unexpected Bonding Moment

Pauwi na kami ngayon ni Vinci galing school. Sa totoo lang, hanggang ngayon nafufrustrate pa rin ako kasi hindi ako nakasama sa mga kaibigan ko. Eh alam naman nilang hilig ko yun pero pinagkait pa nila..

Waaaaaahhh.. Naiiyak ako. T_T

Pero siyempre joke lang.. Haysss.. epal kasi ‘tong si Vinci eh. Kung hindi sumulpot kanina, eh di sana kasama ko.

Waaaaaaaaaaah.. Gusto ko talagang magvideoke eh.. =(

Hayyys.. wala na akong magagawa. Kasama ko na ‘to eh.

Anyways highways, pumasok na kami ni Vinci sa bahay. Pero bakit ganun? Parang sobrang tahimik naman ata dito. Supposed to be kasi, sinasalubong na kami ni Manang Beth ngayon.

“Manang Beth?” sabi ko pero parang wala namang sumasagot.

Mas nilakasan ko pa yung boses ko. Baka kasi hindi nya ako naririnig.

“Manang Beth???”

Wala pa ring sumasagot kahit malakas na yung sigaw ko. Actually, nag-echo nga lang yung boses ko eh. Parang ganito..

“Manang Beth.. Beth..Beth....Beth.....”

Sinubukan kong pumunta sa maid’s quarter kung saan natutulog si Manang Beth.  Baka kasi nandun siya. Sinundan naman ako ni Vinci nung pumunta ko dun.

Nung nasa maid’s quarter nako, kumatok muna ako saglit bago ko binuksan yung pinto..

*toktok

 

“Manang Beth?” Sabi ko.

Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko si Manang Beth na nakahiga sa kama habang may bimpo na nakapatong sa noo nya. Mukhang napansin niyang pumasok ako kaya naman nagmadali siyang bumangon..

“M-Mam Nikki? Nandito na po pala kayo *ubo ubo”sabi ni Manang Beth habang pinipilit niyang tumayo.

“Hala, Manang Beth. Wag na po kayong tumayo” Nilapitan ko siya habang inakay siya pabalik ng higaan nya.

Hinawakan ko yung ulo ni Manang Beth. “Manang Beth, may sakit po kayo?”

“Tsk. Obvious bang may sakit? Halata naman eh” sabi ni Vinci habang nakatayo sa may pintuan.

Inirapan ko siya at tinuon nalang yung pansin kay Manang Beth.

Tatayo na sana siya ulit pero pinigilan ko siya, “Oh, manang. San po kayo pupunta?”

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon