Chapter 1: Meet the Sarmiento

192K 2.6K 123
                                    

Hi! My name's Nicole Jane Sarmiento. You can call me Nikki but my close friends call me "Niks".  Isa akong theatre arts student sa Xavier school of Arts.

3rd year college na ako ngayon sa Xaviers' at isang taon nalang, gagraduate nako *Yehey. Hopefully, sana in the near future, makakakuha na ako ng magandang career as a theatre actress. *cross fingers

Anyways high ways, naghahanda na ako ngayon para sa pagpasok ko sa Xaviers. Alam nyo ba, Excited na ko! Ngayon kasi ang first day of school namin for this sem. ^_^

After kong gawin ang "morning rituals" ko , bumaba ako sa dining room para kumain ng breakfast.

"Goodmorning Daddy!!!" Bati ko kay daddy habang nakaupo siya sa dining table at nagbabasa ng newspaper.

"Hello my princess. Goodmorning!" Sabi ni Daddy sa akin. "Princess" ang tawag nya sa akin, Since only daughter lang ako.

Kumuha ako ng hotdog at sliced bread at kinamusta ko si daddy. "So how's your morning Dad?" 

"My morning? Hmm.. as beautiful as you, my princess" ngiting sabi nya sa akin at pinagpatuloy ang pagbabasa ng dyaryo. Ang cheesy ni daddy noh? Kaya daddy's girl ako eh.

Ganito kami lagi sa bahay. Bolahan ng bolahan at biruan ng biruan. Pero kahit daddy's girl ako, never akong inispoiled ni Daddy. Yun kasi pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko.

Ganito kasi yun. Nagsimula daw kasi kami sa hirap nung 7 years old pa lang ako. Natanggal daw kasi sa work noon si Daddy kaya naghirap kami. Kaya ayun, matinding pagsisikap yung ginawa nila ni Mommy para mapagaral lang ako. Tapos, nung nakaipon sila, nagtayo sila ng business at lumago ito. Pang-MMK ang storya dba?

Pero alam nyo, kahit mayaman na kami, nanatiling humble pa rin ako kasi sabi sa akin ni mommy nung nabubuhay pa siya na "ang hindi lumingon sa pinanggalingan, maliligaw ng landas" (pasensya na ah. Hindi ko na kasi matandaan yung exact na kasunod nung "pinanggalingan". Hello? bata pa kasi ako nun kaya dinagdagan ko nalang ng sarili kong words of wisdom..tugma naman halos diba? Hehehe).

Ngayon nagmamanage na kami ng isang recording studio sa iba't ibang country. Musically inclined ang daddy at mommy ko kaya naman namana ko sa kanila ang pagkahilig ko sa music.

Ok. Enough for the introduction. Wait lang ah..Kakausapin ko muna si daddy..

 "Haha. Nice try dad. Nabola mo nanaman ako for this day

"Well, hindi kaya bola yun. That's a fact."  Sabi sa akin ni Dad. Nagtawanan kaming dalawa at nagpatuloy na kami sa pagkain.

"Ang cheesy nyo  naman pong mag-ama, Sir Greg.." Biro ni Manang Beth kay daddy habang nilapag yung bacon sa harapan ng lamesa namin.

Masayang binati ko si manang Beth. "Goodmorning Manang Beth!" *kaway kaway

Si manang Beth ang taga-pamahala sa loob ng bahay namin. Mayor doma kung tawagin. Actually, matagal na siyang nagtatrabaho sa amin.. Mula nung mamatay si mommy ko, siya na yung tumayong mommy ko at nag alaga sa akin. Kaya bukod kay Daddy, love na love ko talaga tong si Manang Beth.

"Goodmorning din Mam Nikki." Bati sa akin ni Manang Beth.

"Naku,Manang. Hindi ka pa nasanay sa amin ni Nikki. Ganyan na ata kami since birth ni Nikki. Right my princess?" Ngiting sabi ni Daddy kay Manang Beth.

"Of course, Daddy! May Tama po kayo,sir!" Saludong sabi ko sa daddy ko sabay kagat ng bacon.

"Mukhang masaya ang princess namin dito ah! Hyper na hyper!" Biro sa akin ni Manang Beth.

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon