Chapter 43: Vinci's Unexpected Move

15.7K 398 149
                                    

Note: This chapter is "R-18" daw (sabi ni conservative proof reader. Malay ko kung bakit. Haha. Kayo na po magdecide kung bakit. Lol.)

Anyways, Enjoy! <3

_____________

Chapter 43: Vinci's Unexpected Move


Marjorie's POV


"Talent na ba yan sa bayan mo? Ha?! Damn, Marj! Kung ganyan rin lang ang tinatawag mong talent, hindi natin makukuha ang atensyon nya! Why?! Dahil sasabihin niya, walang wala ka paring binatbat sa babaeng yon!"


"Second place ka? At nagagawa mo pang ngumiti sa lugar na yan?! Pwes, kung satisfied ka na sa posisyon na yan, ako hindi! Hinding-hindi! Kaya wag na wag kang uuwi dito ng hindi ka nakaka-first place. Kung maaring sa studio ka matulog, dun ka matulog!"


"Hindi kita pinanganak para maging isang talunan! Kaya bumangon ka! Magpraktis ka! Wala akong pake kung magkasugat na yang paa mo at gutom ka na ng sobra sobra! Hindi ka makatapak dito at hindi ka kakain hangga't hindi mo natatalo ang anak ng babaeng yan!"


"Pagod? F'ck Marjorie! Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit hindi mo na-uungusan yang Nicole Sarmiento na yan eh! Dahil napaka kupad mong babae ka!"


Enough..


"Bakit ba ang palpak palpak mo, ha?! Simpleng sayaw lang naman yan at kahit simple 3 yrs. Old kayang gawin yan! Bakit ang Nikki sarmientong yun kayang gawin! Bakit ikaw?Hindi mo kayang gawin?!"


T-tama na.


"Tanga ka ba?Inutil? Marjorie Castillo! Castillo ka pa man din pero ang bobo mo? Wala ka bang talent ng pinanganak kita ha? Nagkamali bako ng pagpapalaki sayo at napaka inutil mo?!"


Tama na sabi. P-please..


"Kung ganyan ka lang kabobo, sana hindi na kita pinanganak! Sana tuluyan na kitang pinalalaglag! Sana namatay ka nalang! Sana wala ka na sa mundong to dahil WALA KANG KWENTA!"


I SAID TAMA NA!


*bangon* *hingal na hingal*


"M-MISS MARJ! OK LANG PO BA KAYO?!"


Napatingin ako sa butler ko nang bigla nyang buksan ang pinto. Lumapit siya sa akin. Pagkatapos ay tumingin naman ako sa paligid. Nandito pala ko sa bed room ko.


Bwisit na panaginip yan. Lintek.


Napahilamos ako ng mukha using my hands.Sa sobrang lakas ng kaba sa dibdib ko, I took a very deep breath. Then, pinilit kongpakalmahin ang sarili ko.

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon