Chapter 40: Friend or Love (Part 4)

26.6K 499 66
                                    

[NOTE: Sa kadahilanang ginawa palang private file ni Wattpad yung chapter 40 (dahil identical daw halos ang title nito at nung chapter 39), hindi po nababasa ng ibang readers yung chapter na ito. In other words, yung mga "followers" ko lang yung nakabasa nung nakaraan kaya po ni-reupload ko nalang. Binago ko nalang yung title para maging public. Kaya po sa mga nakabasa na nito, pasensya na po if it’s not a new chapter.. Ito pa rin po yung inupload ko nung isang araw na kasabay ng Chapter 39. hihi. Sa iba naman na hindi pa nakakabasa nito, hope you’ll like it po and sana mag-votes at comments po kayo.. hihi.. Ayun lang.. Salamat po. –Ms. A]



This chapter is dedicated to @JenhopeCC.. Hi jen! I miss you.. :*




________



Chapter 40: Friend or Love (Part 4)

 

Nikki’s POV

Pagkatapos kong replyan yung text message na galing kay Vinci, nagpatuloy na akong maglakad hanggang sa makarating dito sa harap ng cafeteria. Buti nalang talaga nagtext si Vinci. Dahil dun, nabawasan ng konti ang nararamdaman kong kaba.

“So paano, Nikki? Gorabels na tayo ah. Wala ng atrasan ‘to.” Pag-eencourage na sabi ko sa sarili ko bago buksan ang pinto ng cafeteria.

Tumuloy na ‘ko sa pagpasok ng cafeteria. Tumingin ako sa paligid at..

“Woahh! Grabe. Ang daming tao.” napanga-ngang sabi ko sa sarili ko.

Paano kasi ang dami na palang tao dito. As in super dami. Actually, nakatayo na nga yung iba habang naghihintay ng seats eh. Grabe bakit kaya ang dami ng tao dito? May occasion ba?

*tingin sa relo*

Ay, Oo nga pala. Saktong lunch break na nga pala ngayon noh. 12:00 na eh. Natural lang pala na crowded na ‘to since ayun nga, lunch break na. Haha.

Ok. Sabi ko nga eh, paulit-ulit na ako. Para akong unli.

Speaking of unli, gosh! Nakalimutan ko nga palang mag-Unli ng all-net ngayon. Hindi ko pala sila matatawagan or matetext man lang. Paano kasi mga smart at sun users yung mga yun eh. Ako lang ang globe sa kanila. Eh wala pa naman akong extra load.

Aish. Ang shonga ko! Paano yan? Paano ko sila ma-lolocate sa ganito  kadaming tao? *pout*

*tingin sa paligid*

Hmm. Andito na kaya sila?

*kamot sa ulo*

Hayss. Hayaan ko na nga lang nga. Hahanapin ko nalang.

Since wala akong choice dahil yun nga, nakalimutan kong mag-unli, sinimulan ko nalang ang paglalakad sa loob with matching tingin-tingin sa paligid ko. Hayss. Sana talaga makita ko kaagad sila. Medyo sumasakit pa naman ang ulo ko pag naghahanap ako ng mga nawawalang tao sa ganito karaming tao. *pout*

Hanap.. Lakad.. Hanap.. Lakad.. Hanap..

*tingin sa paligid*

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon