Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)

77.4K 1K 151
                                    

Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)

After naming mag-usap ni Ian, naglakad na ulit ako ngayon sa school ground. Actually, papunta nako ngayon sa auditorium dahil sabi ng prof namin, dun daw kami ngayon magkaklase. Since wala daw yung prof ko kanina sa creative music, “basic acting” lang ang subject ko for this day.

Pero habang naglalakad ako ngayon, biglang pumasok sa isip ko yung tungkol kay Vinci. One month na din pala silang nakatira sa bahay namin. Grabe, hindi ko namalayan. Ang bilis talaga ng araw.

Speaking of Vinci, alam nyo ba, ang weird nun. I mean kaya ko din siya nabanggit sa inyo ngayon kasi napansin ko na parang nagbago si Vinci simula nung umuwi siya nun. Paano kasi, palagi na siyang nakangiti sakin. Every actions ko, tawa. Every bati ko, ngiti. Alam nyo yun, yung parang naka-drugs lang.

Actually, nung araw na nagpunta ako sa bayview, gabi na din siyang naka-uwi nun. Tapos nung araw na rin na yun, umuwi siya na parang matamlay. Tapos tinanong ko pa nga siya nun kung galit siya sa akin, pero sabi nya, hindi naman daw. Tapos kinabukasan, ayun.. nagbago na siya.

Pero bakit kaya? Talaga bang okay lang siya? Nasaniban ba siya ng masamang espiritu? Or tumikim ba siya ng ipinagbabawal na gamot nung araw na late siya umuwi?

Hmmm… Pinagbabawal na gamot?

 

*blink blink

Waaah.. Hala..drug pusher na ata si Vinci.. >_<

Teka..

*blink blink

Naku.. Erase, Erase.. Hindi naman siguro..

Tama! Hindi siya ganun.. Siguro pwede pa yung nasaniban, pero yung naka-drugs.. naku, impossible yun.. haha.. (wag nyo kong susumbong kay Vinci ah. hihi)

Eh alangan namang totoo yung sinabi sakin ni Ian dati. Hmmm.. Kaso impossible talaga yun.. saka minsan kasi wala sa katinuan si Buds pag nagiging exag.. =/

Hayss.. ano ba yan.. Sa totoo lang, na-bobother na talaga ako.. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala sa kanya. Para kasing hindi ako sanay na makita siyang ganun. I mean, mas sanay ako na sinusungitan nya ko.

Actually, sinubukan ko siyang katukin kanina sa kwarto nya bago ako pumasok. Baka kasi may nararamdaman siyang kung ano pero hindi nya lang sinasabi sakin. Pero nung kinatok ko naman siya kanina, wala namang sumagot.

Tinanong ko si Manang Beth kanina kung nasan si Vinci. Sabi naman nya, maaga daw umalis. Eh samantalang sa pagkakaalam ko naman, wala siyang klase ngayon. Saka for sure naman, nasabihan na din siya na wala kaming class sa Creative music kaya bakit ang aga nyang umalis? Ano kayang meron?

Hmmm.. kailangan ko na sigurong bumili ng pangontra-kulam sa Quiapo.. hahaha.. joke lang. =P

“Boo!”

                                     

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon