Chapter 54: Result of Desperation

1.3K 53 7
                                    

Pamungad na Author's Note: Wooh! Hello readers! Haha ang saya ko today. Haha. Paano kasi pa unti-unti nanamang umaangat ang ranking ng SACG (kahit from #850 to #359 lang, at least blessed ako kasi umaangat na ulit. haha),

At dahil dyan!

Wooh!! Napaaga ng oneday ang update ko! Hahaha.

So eto na po. Sana magustuhan nyo po. At sana muli akong makakuha ng votes mula sa inyo after nito para tuluyang makapasok ulit sa top 15 ulit to tulad ng dati. Anyways, enjoy po. ^_^

-----



Chapter 54: Result of Desperation


Xander's POV

"Pare, kayo muna bahala dito ah. May kailangan lang ako puntahan"

Sa sobrang pag alala ko, nagpaalam ako kay Jacob para sabihing sila muna ang bahala sa lahat. After kong marinig ang sinabi sakin ng ibang members na kababalik lang galing coffee break, bigla akong nag alala at lubos na kinabahan kinabahan para kay Ashley.

Sinabi nila sakin na nakita daw nila ang akmang paghatak ni Christian Jimenez sa kanya. Kalalabas lang daw nito galing coffee shop at nung hinatak siya ni Christian, medyo di daw maganda ang lagay ni Ashley.

Takot na takot daw ito at nung sinabi rin nila sakin na napansin nila ang mukha ni Christian na nagdidilim ang paningin..

Mas lalo na akong hindi mapalagay hanggat di ko pa sila nahahanap.

My God. Nasaan na kaya sila?

Sinubukan kong hanapin ang coffee shop na sinabi ng ibang members na galing dito. Nung mahanap ko to ay sinubukan ko namang hanapin sa paligid si Christian Jimenez. Pero kahit iligid ko ang paningin ko ngayon, ni anino nila ay hindi ko makita.

Geez. Kailangan kong masigurong safe si Ashley.

Kundi pag nangyari ang kinakatakot ko, baka hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil..

Ako ang dahilan kung bakit naging ganun ang aura ni Christian Jimenez.

"Excuse me."

Binati ko ang guard na nakatayo sa may bagong bukas na coffee shop "May nakita ba kayong lalaki na mga 5'4 ang height at babae na 5'9 ang taas? "

"Lalaking 5'4 ang height at babae na 5'9 ang taas?" pagtatakang sabi ng guwardya. "Sure ka bang ganun ang height,iho? Kasi ang madalas kong nakikita dito, lalaking mas mataas kaysa sa babae eh"

Dahil sa sinabi nya, napailing ako.

"Naku, sorry po. Mali pala. I-I mean. 5'9 ang taas ng lalaki at 5'4 naman ang babae." Nilinaw ko. "Pasensya na sir. Medyo kinakabahan lang. Hehe."

"Ah ganun ba? Hmm ok lang." Sabi ng guard at napaisip. "Hmm parang kanina meron pero di ko sure eh. Madami kasing pumunta dito gawa ng bagong bukas lang to"

"Ahh ganun po ba? Sige po salamat" sabi ko at niligid nalang ang paningin.

Geez. Saan kaya sila nagpunta?

" Sinubukan mo na bang pumunta sa may Information Technology?"

Napatingin ako sa guard "Ahh. Hindi pa po eh. Bakit po?"

"Wala naman. Kasi kung may hinahap kang tao, mas mapapadali ang paghahanap mo kung dun ka pupunta. Nakalagay dun ang cctv camera ng buong Xavier School of Arts. Baka matulungan ko nila"

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon