Chapter 57: Love Sick (Part 2)

3.2K 56 30
                                    


Note: In-upload ko po yung "first part" kanina. Kaya make sure na binasa muna yun bago magproceed dito. Thank you.

Enjoy again! ^_^


-----


Chapter 57: Love Sick (Part 2)



Nikki's POV


Why, Manang Beth???


Why??


Whyyyyy??


Whyyyyyy???!!!


Hindi ko maiwasang mapasabunot sa sarili ko matapos kong marinig ang huling sinabi nya sakin kanina. Kahit gusto kong paniwalain ang sarili kong hindi talaga totoo ang mga nangyari kanina, waah! Wala!! Umalis pa rin siya! Umalis pa rin. Talaga. Siya! Waaaah!!! Waaah!! Waaah!!! Huhuhu.


Naman eh. Diba kakasabi ko lang kanina na buti nalang at nandito siya tapos ngayon malaman laman ko na aalis pala siya. Eh alam nyo naman na hindi ko pa alam kung paano pakikisamahan si Vinci ng tama diba? Tapos ngayon iiwan nya pala kami dito ng mag-isa.


At biruin nyo? Sa Palawan pa?! Sa Palawan??! Waaahh! Ang layo nun eh. Ang layo layo. Huhuhu. Bakit ba kasi dun pa nya kailangan pumunta? Eh pwede diba pwede naman na dyan lang sa Pampanga,? Pampanga Street, or pwede rin sa New York kung gusto nya. New York, Cubao. *pout*


Patay. Paano na?? Ano na ang gagawin ko? Hindi naman kasi pwede na ganito nalang diba? Kaya kailangan ko talagang harapin to sa ayaw man o sa gusto ko.


Hays.


Fine.


Sige na nga.


Since nangyari na rin lang ang lahat ng to, babalik nalang ako sa itaas at tatagan ko nalang ang loob ko.


Tumayo nalang ako mula sa dining area at pabuntong hininga nalang na naglalakad patungo sa may hagdanan. Syempre kahit nagtotorete ako ngayon, di ko makakalimutan yung dala dala kong lugaw para sa Mr. Antipatiks na yun. Kaya sa mga oras na ito, mahigpit ko nalang na hinawakan ang tray at nagsimula akong magpatuloy sa pag akyat papunta sa kwarto ni Vinci.


Besides, bigla akong napaisip.


Diba andiyan pa naman si daddy at tito Henry?


I mean... kahit busy silang dalawa, kahit papaano ay nakakauwi pa rin sila dito. In short hindi pa rin naman kami maiiwan na magisa dito.


Tama! Tama. Yun nalang ang iisipin ko. Makakatulong rin yun para mabawasan ang mga iniisip ko.


Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa ikalawang palapag ng bahay namin. Dumiretso na ako sa kwarto ni Vinci. At nang makarating ako sa tapat ng pintuan nya...

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon