Chapter 7: Seatmate
Nicole's POV
Nagpaalam na kami sa isa't isa nang makarating na kami ni Ashley sa 3rd floor ng building.. Magkatabi lang naman halos ang rooms naming dalawa kaya kung gusto namin makita ang isa't isa, magagawa namin yun.
Pumasok na ako sa room ko at naghanap na ako ng magandang seat na pwede kong upuan. Tamang tama, marami pang bakante since konti pa lang ang studyante. Maaga pa naman kasi kaya iilan ilan pa lang kami na nasa loob ng room.
May 3 columns ang upuan sa room at 10 chairs per row. Pumwesto ako sa 3rd row dahil malapit ito sa bintana. Mahilig kasi ako sa sceneries kaya gusto ko palagi na malapit ako sa bintana. Para naman pag nabobored ako or walang magawa ay pwede akong tumingin sa labas.
Makikita mula sa bintana ang soccer field na kinaroroonan namin kanina. Kita ko rin kung saan kami nakatambay kanina. Tamang tama, madali kong makikita yung mga kaibigan ko kung naroroon na sila.
Nilabas ko yung ipod ko at nagsoundtrip muna ako habang hinihintay na magstart ang klase. Hindi pa naman nagsa-start ang klase kaya mag-mmtv muna ako dito.. hehehe..
Nang magsimulang tumugtog ang music ko sa ipod, tumingin ako sa magandang view ng soccerfield.
Maya-maya, napansin ko na dumagdag na ng dumagdag ang mga tao sa loob ng classroom. 5 minutes nalang kasi bago magstart ang class.
Nang pumasok ang professor ko, pinatay ko kaagad ang ipod ko at sinilid ko na to sa bag. Umupo na ako ng matuwid at itinuon ko na ang attention ko sa professor namin. Yiee.. Excited na talaga ako.. I'm ready, I'm ready *insert spongebob tune
"Ok class! Good morning! I'm Mr. Tyler Rodriguez, your Creative Music and Arts professor. I'm looking forward to see you excel in my class until the end of this semester."
"Good morning, sir! Pleasure to meet you!" Sabi ng buong klase namin. Parang grade school lang diba? Pero ganun talaga..
"Morning sir! Sorry, I'm late!"
Napatingin kaming lahat sa pinto kung saan namin narinig yung nagsalita at..
What? Si Mr. Antipatiks? What is he doing here?
OMG! Dito ang klase nya? Ibig sabihin kaklase ko siya?
"No, it's ok! You're just in time. I arrived here 5 minutes earlier. And according to my clock, you are just in time." Ngiting sabi ni Mr. Dominguez at pinapasok nya na si Mr. Antipatiks.
Nagbulungan ang mga girls sa loob ng class room ng pumasok si Mr. Antipatiks. Bakit kaya?
"So Mr.? Ahmmm.."
"Vincent Romero, sir"
"Ah ok. Mr. Romero, would you mind to take your seat now so that we can start our class?"
"Ok, sir! Ahmm"
Nilibot ni Mr. Antipatiks ang mata niya kaya yumuko ako para hindi nya ako makita. Ayoko kasi siyang makita at since ayaw niya din akong makita, dapat hindi kami magkita.
Nagtaasan ang mga kamay ng iba naming classmates and most of them are girls. Ay mali, all of them are girls. Mukhang inooffer nila yung seat na nasa tabi nila para mapaupo si Mr. Antipatiks. Kung alam lang nila ugali nyan, naku.. Hindi na nila gugustuhin na makatabi ito.
"Looks like every girls in this room wants to offer some seats for you, Mr. Romero" sabi ni sir. Ano raw? Every girls daw? Tsk, well, except me, of course.
BINABASA MO ANG
Story of A Campus Girl
Teen Fiction"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkakataon. Pero para kay Nicole na Certified Campus girl sa isang prestigous Arts School, "Hate at First sight" ang nafeel nya nang naencounter a...