Chapter 8: Meet the other friends

99.3K 1K 24
                                    

Chapter 8: Meet the other friends

"I'll explain later"

Nang makarating na kami sa ground floor, huminto si Ashley at bigla siyang nagsalita.,

"BFF, can you explain to me what's happening? Anong meron? Ba't parang atat na atat ka bumaba? Saka, sino yung lalaki kanina?"

Tinignan nya ako na parang naghihintay siya ng sagot. Huminga muna ako ng malalim at sinabing..

"Hay nako Ash, yun lang naman yung taong bumangga sa akin kanina kaya nagkasugat ako. Yung sinasabi ko sa inyong mayabang na emo. At ang nakakainis pa nun, kaklase ko siya. Argh! Dahil sa kanya, napahiya pa ako sa klase" Inis na sinabi ko kay Ashley.

"Emo? Eh hindi naman pala siya ganun ka-emo eh. OA ka lang." Biglang binulungan ako ni Ashley at sinabing "And I think, he's kinda cute! Bagay nga kayo eh. Ayie!" sabay kiliti sa akin sa tagiliran.

"Naku, Ash. Tigil tigilan mo nga ako dyan. At anong sinasabi mong cute? San banda?!" Asar na sabi sa kanya.

Nagpatuloy na akong maglakad dahil nainis ako sa biro ni Ashley.

Hinabol nya ako at sinabing "Uy, BFF. Eto naman oh! Nagbibiro lang. Sige, ayaw mo, sa akin nalang siya."

Napahinto ako ng sinabi nya yun. "oy! Anong bagay sayo? Naku, wag mong balaking magkacrush dun sa kumag na yun ah. Tandaan mo, Looks can be deceitful!"

"Deceitful? Haha. Baka deceiving.." Natawang sabi ni Ashley.

"Basta yun na yun. Saka, paano naman si Yan-yan?" sabi ko kay Ashley

Nalungkot bigla si Ash pagkabanggit ko sa pangalan ni Ian. "Eh sayo lang naman siya tumitingin eh."

Matagal na kasing may gusto si Ash kay Ian. Mula pa nung 1st year college pa kami. Pinagtanggol kasi siya ni Ian nung may magtangkang bumully kay Ashley. Kaya ayun, na-fall ang lola mo..

"Ano naman? Eh wala naman akong gusto sa kanya." Matagal ko na ding alam na may crush si Ian sa akin. Obvious naman kasi sa pagpaparamdam nya. Binabalewala ko lang talaga yung paramdam niya dahil kay Ashley. At isa pa, bestfriend lang talaga ang turing ko sa kanya. No more, no less.

Hindi umimik si Ashley sa sinabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Hininto ko siya at hinawakan ko siya sa balikat. "Ash, wag kang mawawalan ng pag-asa. Magugustuhan ka rin nun. And besides, maganda ka kaya. Mas maganda ka nga sa akin eh" sabay ngiti ko sa kaibigan.

Napangiti si Ashley sa sinabi ko. "Kaw talaga, binola mo pa ako." Hinawakan nya ako sa braso ko at sinabing " Tara na nga." At nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang cafeteria.

Nang makarating kami sa cafeteria..

"Woah! Grabe, ang daming tao.." sabi ko kay Ash

"Oo nga eh. Pero nasaan na kaya sila?" Sabi ni Ashley.

Niligid namin ang mata namin at sinubukan naming hanapin ang barkada. Dahil sa sobrang laki ng canteen at dami ng taong nakaupo, nahirapan kaming hanapin sila..

"Wait! Tawagan ko si Kristoff"

Kinuha ni Ashley ang cellphone nya at tinawagan si Kristoff

*dialling Kristoffer Castro's number

"Hello Toff? Nasaan na kayo? Dito na kami ni Niks." Sabi ni Ash. "Ok sige, papunta na kami dyan" sabay baba sa phone

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon