Chapter 5: Meet Ashley and Kristoff
Dadahan-dahan akong lumapit nang makita ko yung mga kaibigan ko sa bleacher. Sa bandang likod ako dumaan para hindi nila ako makita.
Nang malapit na ako,tinakpan ko yung mga mata ni Ashley. Nakita ako ni Kristoff pero "shhhh" ang sinabi ko sa kanya.
"Sino 'to?" Sinabi ni Ashley habang tinatakpan ko pa rin ang mata nya.
"Hulaan mo?"
Nang marinig nya ang boses ko, agad nyang nahulaan kung sino ako.. "N-Nikki?"
Agad kong inalis ang pagkakatakip ko sa mata nya at sumigaw ako sa kanila with full of energy.. "Hello mga friendships!"
"Niiiiiks! BFF!!! I really miss you so much.." Sabay yakap sa akin ni Ashley.
Si Ashley ang girl bestfriend ko sa lahat ng kabarkada ko. Matagal na kaming magkakilala ever since in grade school pa lang. Parehas kasi kami ng hilig kaya siguro siya ang pinaka-close ko sa lahat. Theater arts student din siya sa Xaviers, kaso sa kabilang block siya napadpad gawa ng pagka-late nya sa enrolment. Nagbakasyon kasi sila sa America ng family nya nung summer vacation namin kaya hindi ko siya masyadong nakikita nung bakasyon. Kaya hindi rin namin siya nakasabay sa enrolment. Kaya ganito nalang ang pagka-miss namin sa isa't isa.
"Waaaah.. BFF.. I miss you more! As in sobra!!! Ang tagal kasi kitang hindi nakita eh.." Sabay yakap ko din kay Ashley.
"Teka teka.. Paano naman kami? Hindi nyo ba kami na-miss?" Tanong ni Kristoff sa amin habang hawak hawak nya yung biniling milk tea sa cafeteria.
Si Kristoff nga pala ang joker at pinaka-pasaway sa barkada namin. Pasaway in a way na chickboy at madaling magpa-iyak ng babae. Maloko din pero kahit ganyan yan, mabait naman yan. Hindi nga lang halata. Saka, magaling nga pala yan sa hiphop dancing. Kaya din siguro sila nagkasundo na dalawa ni Ian. "Dynamic trio" ang tawag sa kanila ng ibang students. Actually, madami silang naging fans dito sa school nung sumali sila sa dance competition dati. Kasama nila si Daniel, yung isa pa naming kabarkada. Aminado ako na sa kanilang tatlo, si Kristoff ang pinaka-malupit ang dance moves. Pero siyempre hindi ko sinasabi dahil lalong lalaki ang ulo nyan.
"Ayan, nagtampo na si Toff. Haha. Siyempre naman na-miss din namin kayo" sabi ni Ashley
"Oo nga, na-miss ko kayang guluhin yang birds' nest mong buhok. Haha" Sinabi ko kay Kristoff at inabot ko ang ulo nya para guluhin ang bird's nest nyang buhok. Matangkad kasi si Kristoff kaya kailangan ko pang tumalon o tumingkayad para maabot ko yun.
Inalis nya yung kamay ko tapos inayos nya yung nagulo nyang buhok.
"Aish! Nik Niks naman oh. Wag mo namang guluhin yung hairstyle ko. Paano nalang pag nakita ka ng mga fans ko. Eh di malamang kinuyog ka na nila kasi akala nila inaaway mo ko.."
"Wow ah! Hahaha.. Yan ang na-miss ko sayo, Topeng. Para kang aircon, tamang-tama mainit pa naman dito" Basag ko sa sinabi ni Kristoff at ginulo ko ulit yun buhok nya.
Tawa kami ng tawa ni Ashley sa pangaasar kay Kristoff habang siya naman ay asar na asar na dahil hindi nya maayos ang buhok niya.
"Teka, asaan nga pala yung iba?" Nagtatakang sabi ko sa kanilang dalawa. Usually, dapat kasi kumpleto na kami ngayon.
"Si Jasmine, mamaya pa daw yung klase nya. Mga 10am pa daw. Kaya hindi siya makakapunta ngayong umaga. Si Kylie naman, ayun nag-party party kahapon kasama yung mga pinsan niya. Kaya male-late daw siya ngayon. Siguro puyat. Pero sabi naman nila na ibibigay daw nila mamaya yung sched nila sa atin pag nagkita kita tayo mamayang lunch." Sabi ni Ashley habang sinusuklay ang napakaiksi kong buhok. Mahilig kasi magsuklay ng buhok 'tong si Ashley at since ako ang may pinakamaiksi ang buhok sa barkada namin, laging yung sa akin ang pinagdidiskitahan nitong si Ashley.
BINABASA MO ANG
Story of A Campus Girl
Teen Fiction"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkakataon. Pero para kay Nicole na Certified Campus girl sa isang prestigous Arts School, "Hate at First sight" ang nafeel nya nang naencounter a...