Chapter 10: Long Lost Cellphone
Mag-5:45 na ng madaling araw ako nagising. 8am pa naman ang start ng klase ko pero ganitong oras ako nagigising. Mabagal kasi akong kumilos kaya nman nag-aallow ako ng almost 2 hours sa pag-aayos ng sarili. Kasama na dun ang pagligo at pagkain.
Pagkatapos kong kumain ng champorado na inihanda ni Manang Beth, nagpaalam na ako sa kanya para pumasok sa school. This time, feel kong magbike papuntang school dahil kailangan kong ma-feel ang good vibes ngayon. Nilabas ko na yung bike sa garahe at nagtungo na ako papuntang school.
Nang makarating na ako sa loob ng campus, nilagay ko yung bike ko sa paradahan ng school. Ngayong nasa loob na ako ng campus, feel ko naman ngayon ang maglakad sa school ground.. hehehe.. ang lakas ng trip ko noh?
Well, anyways high ways, naglalakad na ako ngayon sa school grounds ng may makasabay akong isang grupo ng mga babaeng naglalakad din. Mas nauuna lang ako sa kanila ng konti. Maya maya ay biglang nagsalita na yung isang babae. Hindi ko alam pero parang aktong nagpaparinig ata sa akin.
“Di ba, siya yung babaeng mahadera na nagpapansin sa loob ng classroom. Yung tinabihan daw nung gwapong new student kahapon sa Creative Music and Arts class?” Hmmm.. mukhang ako nga yung tinutukoy nila.
“Oo siya na nga yan. Di ba sabi ko naman sayo, hindi maganda yan sa personal. Ewan ko ba kung bakit sa dinami-dami ng tatabihan ng new student na un, sa kanya pa tumabi. Eh wala naman siyang binatbat kung ikukumpara sa kagandahan ko. Feeling maganda tuloy siya.”
“Yun nga eh, hindi naman siya gaanong maganda. Kaya hindi ko alam kung bakit naka-sama pa siya sa top 10 Xaviers talented students. Naging sikat tuloy siya dahil dun. Eh aanhin pa ang talent kung wala namang itsura. Haha”
“Ah talaga? Sikat siya dito? Eh bakit di ko siya kilala? Hahaha..”
Nagtawanan ang tatlong malditang students na nasa likod ko. Binilisan ko na lang ang lakad ko habang nakayuko ako para kunwari hindi ko sila naririnig. “Iignore mo nalang sila, Nikki. Bawal kang ma-bad vibes ngayon.” Yan ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko habang naglalakad.
As usual,dahil sa nakayuko ako kung maglakad, hindi ko inaasahan na may mabubunggo na pala akong isang babae na naglalakad sa harapan ko...
“Ouch!!! Hey, bitch! Ano ka ba? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? Are you blind?”
“Ay, sorry Miss.” Pag-angat ko ng ulo ko, hindi ko inaasahan kung sino ang nakita ko..
Right! Napaka-malas mo na naman ngayon, Nikki. Ang dami mo ngayong nakakabunggo na hindi kanais nais na nilalang..
Sino ang nabunggo ko? Well, si Marjorie Castillo lang naman. Ang spoiled brat at mahaderang queen bee ng buong campus. Siya lang naman ang rival ko since pumasok ako sa Xaviers. Mahilig kasi siyang tinatapatan ako palagi kahit hindi naman ako nakikipag-kumpitensya sa kanya. Hindi lang sa skills kundi sa popularity. Aminado akong mas maganda siya sa akin di hamak pero ewan ko ba, galit na galit siya pag nauungusan ko yung percentage nya sa academics. Kahit ba sabihing decimal point lang yung pagitan.
BINABASA MO ANG
Story of A Campus Girl
Teen Fiction"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkakataon. Pero para kay Nicole na Certified Campus girl sa isang prestigous Arts School, "Hate at First sight" ang nafeel nya nang naencounter a...