Chapter 9: Phone Call

85.8K 980 12
                                    

Chapter 9: Phone Call

“Princess, I need to talk to you. Call me when you got home. Dad”

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nung mabasa ko yung sulat na yun mula kay daddy. Para kasing death threat sa pelikula, tapos nakasulat pa sa papel.

Haysss..Nagalit kaya siya sa akin dahil tinakasan ko siya kaninang umaga?

Sa totoo lang.. napapaisip talaga ako. Very rare kasi magbigay ng sulat si daddy. Usually kasi pag may sasabihin siyang importante sa akin, idadaan nya yun sa text or tawag. Kung magiging ganito siya ngayon, eh malamang at sa malamang, nagalit  nga si daddy dahil sa ginawa ko.

Nagmadali akong bumaba sa sala at pumunta ako sa pwesto kung saan naroroon yung land line phone namin. Dinial ko yung no. Ni daddy. Mas mabuting tawagan ko na siya kagad bago pa siya magalit ng tuluyan.

*dialling dad’s office

“Hello, this is Tiffany Mellark of Dream Notes Enterprise. How may I help you?”

“Hi Tiffany, si Nicole to. Andyan pa ba si Daddy sa office nya?”

“Hi po. Kayo po pala, Mam Nicole. Yes po, nandito pa po si sir Greg. Wait lang po, itatransfer ko lang po kayo directly sa office nya..”

“Ok, salamat Tiff”

“No problem, Mam”

Ayan, kinakabahan na ako. Ano kayang sasabihin ni daddy? Grounded kaya ako mamaya?

*After 30 seconds na ringback tone sa kabilang linya..

“Oh hello, my princess! Ba’t napatawag ka?” Eh? Baliw talaga ‘to si daddy. Siya kaya tong nagpapatawag sa akin tapos tatanungin nya ko kung bakit ako tumawag.

“Ah eh.. Di ba po, kayo po yung nagpapatawag sa akin? Nakuha ko po kasi yung sulat nyo kay Manang Beth tapos nakalagay po dun na pinapatawag nyo po ako.”

“Ah, yun ba? Ay oo nga pala, pinapatawag nga pala kita sakin. Hahaha.. Pasensya na anak, nakalimutan ko” Natatawang sabi ni Daddy sa kabilang linya. Hayys, si daddy talaga oh. Signs of aging talaga..

“Hmm.. Bakit nyo po pala ako pinatawag?” Tanong ko kay dad. This is it! Makakatikim na ako nang-grounded mula kay daddy.

Hinahanda ko na yung tenga ko sa sermon na maririnig ko kay daddy ng biglang..

“Ah, kasi tinatawagan kita sa cellphone mo kanina. Hindi ka sumasagot. Pinatay mo pa nga eh. Nung tinawagan ko ulit, cannot be reached na kaya nag-alala nako sayo” Talaga? Dahil lang dun? Whew! Kala ko talaga makakatikim nako ng sermon kay daddy. Pero wait lang.. tinatawagan nya daw ako kanina? Patay! Hindi pa pala nya alam na nawala yung cellphone ko. Naku, baka this time grounded na talaga ko pag nalaman kong nawala ko to.

Ah eh.. Dad.. Kasi ano eh.. Ahm..” sasabihin ko ba kay daddy?

“kasi ano?”

“ahm.. Nakalimutan ko kasing icharge yung cellphone kanina nung tumawag ka kanina tapos namatay siya. Kaya siguro nung tinawagan mo ulit, cannot be reach na.. hehehe” palusot kong sinabi kay daddy. Hindi ko kasi alam yung sasabihin ko eh. Naku, dami ko nang kasalanan kay daddy. Puro nalang kasi palusot yung sinasabi ko sa kanya.

“Ahh... ganun ba? Pero buti nalang, tinawagan mo ko. At least, alam ko na safe ka”

“Opo, safe naman po ako..hehehe.. Hmm.. Dad? Yun lang po ba? May sasabihin pa po ba kayong iba?” tanong ko  kay daddy habang pinaikot ikot ko yung daliri ko sa telephone cord. Baka kasi maalala nya pa yung ginawa ko kanina. At least, kung pagalitan nya man ako, phone naman at hindi sa personal.

“Hmmm.. wala na naman na siguro. Ay, wait!..” Ayan na, naalala na nya.. “...Hindi pala ako makakauwi ngayon. Baka bukas na ako makauwi dahil magkikita kami ni tito Henry mo, yung kinekwento ko sayo na kababata ko. Baka dun nalang muna ako sa condo nila makitulog.” Sabi ni daddy. Mukhang nakalimutan na ata talaga ni daddy yun. Hayss.. Hayaan na nga lang...

“Ah.. sige po. Ingat po kayo sa pag-uwi bukas. Matutulog na po ako. May pasok pa po kasi ako bukas eh...” *yawn “.....Goodnight daddy! I love you!” Bati ko kay daddy habang naghihikab na at nagkukusot na ng mata sa sobrang antok.

“Ok sige. Goodnight din, my princess. I love you too.”

*End of phone call

Pagkatapos kong makausap si daddy, umakyat na ako sa kwarto ko at binagsak ko yung sarili ko sa kama. Hays.. napipikit nako sa sobrang antok.. Sobrang dami na kasi ng nangyari ngayong araw na to kaya kailangan ko na talagang magpahinga..

Sana pag gising ko bukas, maganda na araw ko..

Sana wala ng bad vibes..

----------> See you in Next Chapter 10: Long Lost Cellphone

*image (on right portion)

______

Author's Note:


Hello po, pasensya na po kung maigsi ung chapter na to.. pinutol ko kasi.. para next chapter, more exposure na ni Vinci at Nicole.. para masaya.. ^_^

Ayon po.. sana makaabot kayo sa chapter na to.. medyo exciting na po yung next chapters.. sana patok sa panlasa nyo..hihihi.. 

Anyways, salamat po sa pagbabasa! Maguupdate ako bukas.. promise..! *huggsss

-Ms. Author <3

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon