Short note: Guys, pasabi nalang kung may typos or may part na magulo ah. Tamad nako mag-edit eh. haha.
Anyways, enjoy reading. Don't forget to add comments. "Please".. (namiss ko na kasi comments nyo) haha! Thanks.. =)
-------------------------------------------------------
Chapter 46: "Nikki is not my type"
Xander's POV:
"May kailangan pa po ba kayo, sir?"
"Wala na miss. Thanks"
"Ok. Sige po"
Matapos akong kausapin ng baristang naghatid ng order namin, pinagpatuloy ko nang inumin ang coffee jelly na hawak ko. Habang iniinom ko 'to, nakayuko lang ako dahil..
..hindi talaga ako sanay na makitang nasa harapan ko si Ashley ngayon.
Nandito kasi kami sa coffee shop na located sa Roosevelt Street. Di kalayuan sa Xavier School of Arts. After ng audition, mineet ko siya sa may gilid ng auditorium at dumiretso na kami dito.
Well actually, Uhm. To tell you the truth?
*hawak sa batok*
Sobrang awkward nga ngayon eh. He-he. I mean uhm. Pano ko ba sasabihin to. Hehe.
Bukod sa malakas na kabog sa dibdib, may nararamdaman din akong matinding awkwardness sa pagitan namin ngayon. I mean uhmm. H-Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam nito or pati siya. Hehe.
Wala kasing nagsasalita sa amin eh. Tapos parehas pa kaming nakayuko ngayon habang nasa isang table na malapit sa bintana. Ang kinaibahan lang, siya umiinom ng strawberry frappe habang ako naman, coffee jelly ang iniinom ko.
*sigh*
M-Mukhang uhm.. hindi pala ganun kadali ang makipag-date sa babaeng gusto mo.
"Mukhang malaki talaga ang pasa mo sa mukha ano".
Natigil ang pag-iisip ko at nagulat nang nagsalita siya.
"H-Ha?" sabi ko at biglang tumingin sa kanya.
"I mean. Uhm. M-Mukhang malaki kako yung.. yung pasa mo" sabi nya habang nakayuko pa rin at iniinom ang strawberry frappe nya.
"Ahh. Y-yun ba? Ha-ha. Uhm. Oo nga eh. M-Medyo." Sabi ko at napahawak pa sa mukha. "Pero.. uhm. W-wag kang mag-alala, malayo naman to sa bituka eh. haha"
"Pero.. Malapit yan sa utak eh"
"Ahh. Y-yeah. Uhm. Yun lang" sabi ko at natahimik nalang bigla dahil sa sinabi nya. Naalala ko rin kasi bigla yung sinabi ni Joseph kanina. At uhm. parehas silang tama. Hehe
Hays.
Ano ba yan? Hindi talaga ako marunong makipag usap ng ganito sa kanya.
"P-Pero uhm. Don't worry Ash. Hehe. Kahit malapit sa utak, ok lang talaga ako. Nakakakilos pa naman ako ng maayos eh."
Sinubukan ko nalang ngumiti.
"Hmm. Sure ka?" sabi nya at..
Uhh. A-ayan na naman.
*dugdug*
Agad akong yumuko nang bigla siyang tumingin sa akin. Kasi naiilang talaga ako sa tuwing nagtatama ang mga mata namin. Para bang mas tumitindi ang kaba na nararamdaman ko kapag kausap siya nang ganun.
BINABASA MO ANG
Story of A Campus Girl
Teen Fiction"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkakataon. Pero para kay Nicole na Certified Campus girl sa isang prestigous Arts School, "Hate at First sight" ang nafeel nya nang naencounter a...