Chapter 45: James Vs. Vinci

4.9K 133 3
                                    

Short message: Hi guys! may bago po akong pinost na Story sa Wattpad Profile ko.. "Love is" po ang title kaya sana po kung may time kayo, mabasa nyo siya.. ^_^

Anyways, ayun lang po.. ^_^ Enjoy reading! And let the chapter begin..


_______________

 Chapter 45: James vs. Vinci


Ashley's POV:


"Ok class dismiss"


Pagkatapos kong marinig ang pagdismiss samin ni sir, nagmadali nakong magligpit ng gamit at agad na tumayo sa kinauupuan ko. Kailangan ko na kasing magmamadali dahil baka hindi ko na maabutan si Xander eh. Nandun daw siya sa auditorium at nagpapa-audition na.


Alam kong sabi naman ng klasmeyt kong si Jam na ok na siya. Pero..


..pero kasi eh. Hindi talaga ako mapalagay. At habang nagkaklase nga kami, wala na akong ibang maisip kundi ang nangyari sa kanya. Halos di ako makapag-concentrate nun dahil naguiguilty talaga ako. Kaya napag-isipan ko nalang na hangga't hindi ako mismo ang nakakakita sa kanya, hindi matatahimik ang aking kalooba---


"Ash wait!"


Huh? Teka. Sino yun?


Bigla akong huminto sa paglalakad ng mabilis nang makarinig ako ng boses na tumatawag sakin. Lumingon ako sa likuran ko at nakita kong si Jam pala yun na tila humahabol.


"Bakit Jam?" sabi ko nang makarating siya sa harapan ko.


"Uhh. Wala naman." Sabi nya habang hingal na hingal pa. "M-May nagpapabigay ulit sayo"


Nagulat ako nang makita kong may hawak na naman siyang pink envelop. Tulad yun nung natanggap kong love letter nung nakaraan. At mukhang galing nanaman 'to sa nag-ngangalang "Marius"


"Uhm. Thanks"


Hindi ko na tinanong kung kanino galing. Basta kinuha ko nalang dahil nagmamadali na rin ako. "Sige Jam, una na ako ah. Nagmamadali na rin kasi talaga ako eh. Bye."


"Sure sige." Sabi nya "Bye, Ash. See you tomorrow"


"Ok. See you. Ingat"


Pagkatapos kong makausap si Jam, tinuloy ko na ang naudlot kong paglalakad. Sinilid ko na sa bag ko yung envelope habang nagmamadali at dumiretso na sa pupuntahan ko.


Sa loob ng mahabang minutong paglalakad, sa wakas, nakarating na rin ako dito sa auditorium. Pa-diretso na sana ako sa main gate kaso shocks. Bigla akong napahinto dahil sa nakikita ko ngayon.


Hala. Mukhang mahihirapan yata akong makapasok dito. Ang dami kasing tao sa harap at karamihan pa nun, puro babae. Paano yan?

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon