Chapter 13: When They Become Closer

87K 1.1K 80
                                    

Very short Message:

This chapter is dedicated to @ajesunny. Siya po kasi ang kauna-unahang reader ng SACG (Story of A Campus Girl) at kauna-unahang nagpost sa MB ko..hahaha.. at dahil kasalanan kong mabilis ako mag-update, dinededicate ko 'tong chapter na 'to sa kanya..alam nya na yun kung bakit.. hahaha.. =P

Hi @ajesunny! Hope you're doing fine! *Kaway kaway ^_^

 

_____________________

Chapter 13: When They Become Closer

Ano kayang pwedeng maisip kanta?

At saan naman kaya kami pwedeng magpractice?

May magagawa kaya kami kung mag-practice kami mamaya?

Haysss.. Yan lang naman yung mga tanong na tumatakbo sa isip ko kanina pa habang pababa kami ng building. Hindi ko kasi alam kung anong pwede naming kantahin nitong Mr. Antipatiks na to eh. Ni hindi ko din alam kung anong type ng song ang gusto nyang kantahin.

Paano, hindi naman kasi nagpaparticipate kanina nung binigyan kami ng 5 minutes ng professor ko. Ayan tuloy, nga-nga kami parehas. Lahat siguro ng classmates namin naka-isip na tapos kami nalang ang hindi pa.  T_T

Nandito kami ngayon sa ground floor pero wala pa rin talaga akong maisip.. Argh! Nakakainis talaga. Bakit pa kasi eto naging kapartner ko sa activity. Dapat draw lots nalang.. T_T

“Hanggang kailan mo balak hawakan yung kamay ko?”

Nagulat ako ng biglang magsalita si Vincent. Sa totoo lang, hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi nya.

“Ha?”

 

“Yung kamay ko, hanggang kailan mo balak hawakan? Kanina mo pa kasi hawak eh”

Ano bang problema nito? Anung kamay ba yung sinasabi-----

O_O

Waaaahhh! Hawak-hawak ko pala yung kamay nya... At hindi lang holding hands, naka-intertwined pa..

Yuck..

Ewwy..

Kadiri..

So disguisting!

Bigla kong binitawan yung kamay nya nung nalaman kong magkaholding hands pala kami. Grabe, nakarating kami sa ground floor ng magkaholding hands?! Waaahhh! Ewwwy talaga!

Napatingin ako sa paligid namin kung may nakakakita sa amin na magkaholding hands..

,o0

0o,

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon