Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts

140K 1.6K 80
                                    

Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts

“XAVIER SCHOOL OF ARTS,.. HERE I COME!”

Nang makalabas nako sa bahay namin, nagpatuloy na ko sa paglakad papuntang school..

Ewan ko ba kung bakit sa tuwing magsisimula nalang ang semester ay super excited akong pumasok. Siguro dahil matagal akong nasa bahay simula ng bakasyon at wala naman akong magawa sa bahay kundi ang manood ng tv at mag videoke. Kung hindi man videoke, nagsa-soundtrip lang ako sa bahay. Ang saya lang diba?

Hindi ko naman kasi maaya na lumabas ang mga kaibigan ko dahil bukod sa nagsi-uwian sila ng province/out of the country, masyado silang busy for family business nila. Saka medyo strict kasi ng konti si daddy kaya hindi ako basta-basta nakakalabas. Kaya ayun, pagmumukmok nalang sa bahay yung nagagawa ko nung bakasyon.

Walking distance lang naman yung school mula sa bahay namin. Kaya hindi ko talaga maintindihan si daddy kung bakit kailangan pa akong ipahatid ngayon kay Kuya Roland. Eh ang lapit-lapit lang kaya. Malaking tipid nga sa gas ang aabutin kung maglalakad lang ako eh.

At isa pa, SECRET lang natin to’ ah. Hindi kasi alam sa school na mayaman kami. Well, of course alam ng mga close friends ko ang bagay na to’ pero in school? Nah! Ang alam lang kasi nila ay may “small” family business lang kami kaya ako nakapagaral sa Xaviers School of Arts.

Bakit hindi ko pinapaalam?

Simple lang.

Just to be simple.

Meaning, gusto ko lang talaga mamuhay just like normal kids in school.

Magulo kasi ang life pag alam ng ibang students na mayaman ka. Maraming taong didikit sayo kasi para makipagpayabangan ng gamit. Yung iba naman, mangungutang ng walang bayaran. Saka according kasi sa mga napapanood ko sa TV, kinikidnap daw pag alam nilang mayaman ka. Ayoko kayang makidnap, kahit ba sabihin na hindi naman ako ganun kakidnap-kidnap. hehehe

Kaya ayun, mas mabuti na yung iilan lang ang nakakaalam na mayaman ka. Para sa akin, minsan lang kasi sa buhay ang makapag-aral so why do I need to live as a rich kid while I can enjoy my life as a student in a simple way? Right? Ang arte ko diba? 

After almost 900 seconds na paglalakad (15 minutes to be exact,inartehan ko lang), nakarating na ako ngayon sa aking beloved Alma Mater,..

ang “Xavier School of Arts”. *Tentenenen

Saglit nga lang talaga ang paglalakad dahil sobrang lapit lang ng school sa bahay namin. As in sooooobrang lapit. Overprotective lang talaga si daddy kaya gusto nya na kailangan pa akong ihatid ng driver namin.

Nang makarating na ako sa gate ng school namin,binati ko na ka-agad si Manong guard na palaging nakangiti sa tuwing nakikita ko siya...

“Goodmorning Kuya guard!” *kawaykaway

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon