Chapter Two

622 32 4
                                    

TWO MONTHS LATER...

PABABA si Jeric sa sementadong hagdan patungong beach nang masalubong niya si Pat na may hawak na isang bungkos na mangga. Anak ito ng katiwala niya sa Isla Pueblo na si Tatay Pio. Mula nang maiwan sa kanya ng yumaong mga magulang ang beach resort ay doon na siya naglalagi. Balak niyang buksan sa publiko ang resort sa susunod na taon matapos ang ilang renovations doon. Eight months from now, it should be ready. Nagpapagawa siya ng event hall at outdoor jacuzzi. Nag-iisip rin siyang bumili ng ilang speedboat para sa mga bibisita sa resort.

Sana lang, bago maging bukas sa publiko ang resort ay mawala na rin ang mga agam-agam ng mga tao. And he only wished that the dark story behind it would be buried in the sand, forever. Nasa isip niya si lola Severina at ang mga huling kataga na binitawan nito sa kanya.

"Kuya Jeric, gusto n'yo ng mangga?"

Umiling siya kay Pat. "Malapit na ang hapunan, Pat, baka wala ka nang gana mamaya."

Nakatira na sa resort si Pat at si Tatay Pio. Samantalang araw-araw naman kung pumaroon ang kapatid ng matanda na si Manang Gloria para magluto ng pagkain. Sinusundo na lamang ito ng anak pagkatapos magluto ng hapunan para makauwi. Sometimes, Manang Gloria would stay if necessary. In total, he had eleven resort staff. May nakatokang maglinis sa stretch ng beach, magmintina ng mga punong namumunga sa lupang bahagi at mayroon ring nakatoka na mag-ikot para sa seguridad ng lugar. Malapit lang ang Isla Pueblo sa maliit na bayan ng Alvarez at mula roon ay tatlong oras lang ang biyahe pa-Maynila.

Nang matanggap niya ang ownership ng Isla Pueblo ay hindi niya agad binigyang halaga iyon. He was doing good in Manila, owning few businesses here and there. President of Castillo Group of Companies o CGC. Nagmamay-ari rin siya ng isang hotel chain na pamana rin ng kanyang mga magulang. Because he was an only child, wala siyang katuwang sa pagpapalakad ng mga negosyo niya. He was hands on katuwang ang kanyang team na weekly ay nagsa-submit sa kanya ng financial report at overall status ng mga negosyo.

He then realized how Isla Pueblo meant so much to his parents and to honor their memories, he took the responsibility to bring the place back to its life. Nakakapagpahinga siya roon at mas nakakapag-isip siya nang maayos. Namomonitor niya ang kanyang mga negosyo kahit laptop lang ang kaharap niya. It was a good decision to give the place the chance it deserved.

"Tatawagin na lang kita, Kuya, kapag kakain na?"

Tumango siya dito. Parang kapatid na ang turing niya kay Pat at parang ama na rin ang turing niya sa ama nito na halos limang taon nang nagmimintina sa resort kasama ang iba pang staff.

May apat na villa na nakatirik sa mahigit apatnapung ektaryang beach front property. Bukod pa ang malaking bahay na siyang kanyang tinutuluyan na nasa dulong bahagi ng beach stretch. Malayo ang malaking bahay na tinatawag ring Casa Margarita na ipinangalan sa kanyang namayapang ina. May kalayuan ito sa mga villa at kung sakaling buksan na ang resort sa publiko, he'd still have his own privacy.

Matatayog ang mga puno ng buko na maayos na nakahilera malapit sa beach. His parents did a very good job putting things into order. Maski ang layo ng puno ng mga macapuno sa isa't isa ay parang sinukat. The villas were large and a family of seven could fit into one. May tig-apat na silid sa bawat villa, may indoor jacuzzi at kitchen. Kumpleto sa gamit at may privacy ang bawat isa. The villas were surrounding a large six feet deep swimming pool. Malaki rin ang espasyo sa paligid nito na puwedeng pagdausan ng event.

"Masyadong malaki ang property mo, hijo, kailangan mo na ng mga bulinggit na tumatakbo-takbo sa dalampasigan."

Nilingon niya ang nagsalitang si Tatay Pio. He was sixty-eight but still very active and sharp. Seventeen naman ang anak nitong si Pat.

Love Me, Susie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon