Chapter Five

567 26 1
                                    

MULA sa pagkain ng almusal sa labas ay napapayag siya ni Jeric na samahan ito pabalik sa opisina nito. He told her that they will discuss something pero hayun siya at nakaupo sa couch malapit sa desk nito. Simula noong dumating sila bandang ala-una nang hapon ay naging abala na ito sa harap ng computer at nakailang tawag rin sa telepono. He mentioned to her that he told his secretary to clear his schedules for the day kaya lang daw ay may dumating na emergency.

Dahil bored na bored siya sa couch ay nahiga siya. Nang tapunan niya ng tingin ang lalaki ay abala pa rin ito sa mga ginagawa. He had such spacious private office. Parang iyong mga nakikita niya sa magazine. Cozy and showed authority.

Nakaukit rin ang pangalan nito sa isang babasaging desk nameplate.

Jeric Grei Castillo

President and CEO

"Buti tumatagal kayo ng girlfriend mo kung ganyan ka pala ka-busy." Hindi niya napigilang sabihin. "Baka naman married ka pala? O kaya naman, wait, binabalak mo bang gawin akong sidechick?"

Masyadong komportable ang puting couch na naroon para upuan lang. Halos isang oras na siya roon, hindi sa nagrereklamo siya kaya lang ay nakakaboring maghintay dito sa loob ng napakatahimik nitong opisina! Muntik na niyang kausapin ang isang indoor plant na nasa isang gilid ng couch. Sa coffee table ay nakalapag ang mataas na baso ng orange juice na kanina pa niya naubos.

Sinulyapan siya nito at bahagya pang nagtaka nang makita siyang nakahiga na.

"Are you fishing for some personal information about me?" he asked her.

Nginitian niya ito. Magkasalikop ang dalawa niyang kamay at ginawa niyang unan habang nakatagilid nang pagkakahiga. Parang sa TV lang niya nakikita ang ganoong klaseng office setting. Nasa mataas na building sila at napapaligiran ng glass wall ang opisina nito.

"Meron ba?" tanong niya.

Umiling ito sabay baling sa binabasa sa computer.

"Kapag may nanligaw ba sa 'yong babae, papayag ka?" tanong niya dito na nagpakunot ng noo nito.

"Bakit manliligaw ka ba?"

Gusto niyang matawa sa tanong na iyon ni Jeric.

Umiling siya. "Wala akong pag-asa sa 'yo, 'no!" aniya sabay ngisi dito. "For sure hindi ako ang tipo mong babae. At saka, hello? Sa hitsura mong 'yan? Kahit sinong babae na magustuhan mo, tiyak na mapapasagot mo."

He did not comment and concentrated his eyes on the screen. Napansin niyang nangingiti ito, may kangiti-ngiti ba sa binabasa nito sa screen? She wondered. Baka naman naglalaro lang ito ng candy crush!

"Malay mo, mapasagot mo 'ko." Pagbibiro nito.

Natawa siya. "In my dreams siguro."

Hindi na ito nagsalita pero naroon pa rin ang mahiwagang ngiti sa mga labi.

She sighed. "Hindi ka ba nabo-boring dito?"

"I'm working. Why would I get bored? Gusto mo bang ipahatid na kita pauwi?"

Umiling siya. "Wala rin naman akong gagawin today. Naiistorbo ba kita?"

Umiling ito sabay tingin sa kanya.

"You look comfortable there."

She grinned at him. "Sinabi mo! Mas malambot pa ito sa kama ko. Actually, mas komportable pa ito sa lahat ng nahigaan ko."

"Kung pumapayag ka na sa napagkasunduan natin, I can drop you home and wait for you to pack your things. Sumabay ka na sa 'kin pauwi."

Napaupo siya sa narinig na iyon. Uuwi siya pagkatapos ay mag-eempake at sabay na silang uuwi sa bahay nito? Sa iisang bahay ba sila uuwi nito? Teka, hindi niya naitanong ang tungkol doon. Saan nga pala siya makikitira?

Love Me, Susie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon