Chapter Twenty-three

457 23 0
                                    

IHININTO ni Elaine ang sasakyan sa isang madilim na bahagi ng parking lot na nakita at kinalas nito ang seatbelt bago siya hinarap. Then she reached out for something in the backseat. Napatitig siya rito nang ilabas nito mula sa isang plastic bag ang ilang lata ng malamig na beer at kung ano-ano pang snacks. She handed her one can.

Tinanggap niya iyon. "Hoy, balak mo bang magpakamatay? Magda-drive ka pa," sabi niya pero hindi na ito nagkomento at binuksan iyon at mabilis na lumagok.

"Don't worry, I'll drive in a couple of hours by then, wala na sa sistema ko ang alcohol, okay? 'Wag kang praning."

Mula rito ay napatingin siya sa hawak na lata at hindi nag-iisip na binuksan na rin iyon at lumagok mula roon. Silence filled the air, tanging mga kuliglig lang sa labas ang naririnig sa paligid. Mabuti na lamang at may poste ng ilaw sa di-kalayuan, nakikita pa rin niya si Elaine at ang lungkot sa mukha nito.

"You could have said no to me. Bakit mo 'ko tinutulungan?" tanong niya.

Mula sa pagtingin sa labas ay sinulyapan siya nito sabay ang pagtungga. "This is good. I should get more of this brand," anito sabay hinga ng malalim, "What? I just want to do something good. Look, I've been a terrible human being, okay? Marami akong nasaktan. I just...reached this point in my life where I believe there's goodness in my heart, too. I failed to see it for so many years pero ngayon...nakita ko na."

"Hindi ko alam kung bakit mo nagawa ang lahat ng iyon. Maybe you had your reasons at kung anoman iyon, ikaw lang ang nakakaalam. But I just want to ask you one thing..."

Mula sa pagtingin sa labas ay tiningnan siya nito. "What is it?"

She sighed and took a big gulp of beer, para bang doon siya kumukuha ng lakas para kausapin si Elaine, para manatili siyang nakaupo roon. Ilang beses niya itong pinagselosan, ilang beses na ito ang naging dahilan ng pag-aaway nila ni Jeric pero ngayon, ito ang taong napaghihingahan niya ng sama ng loob at ang taong tumutulong sa kanya.

"When I left...you had a chance to be with him again...for sure nabalitaan mong umalis ako. Bakit hindi ka bumalik kay Jeric?"

Natahimik ito, ipinahinga ang braso sa bintana ng sasakyan at minasahe ang batok. Matagal na katahimikan ang namayani sa kanila at nang nagbukas siya ng pangalawang lata ng beer ay saka lang siya nito tiningnan ulit.

"Yeah, I know that you left him kahit na nagmakaawa siya sa 'yo. That's the difference, Susie. He never begged me to stay with him. And that's when I knew that what he feels for you is not similar to what he felt for me. But still, you chose to leave him. Napakagaga mo!"

Tumango-tango siya at naparami ang ininom na beer at umalpas ang isang mahinang tawa sa kanyang bibig. "I know. Napakatanga ko."

"He was vulnerable when you left him, alam mo ba 'yon? I could have forced myself to him easily pero hindi ko ginawa kasi labas na ako sa kung anoman ang nangyayari sa inyo. Ang lakas lang ng tawa ko dahil hindi lang pala ako ang gaga sa mundo dahil mas gaga ka."

"Happy ka na mas gaga ako sa 'yo?"

Elaine laughed. "Oh, you have no idea. So, bakit sa pangalawang pagkakataon ay iniwan mo na naman si Jeric?"

Naging madali para kay Susie na ikuwento kay Elaine ang mga nangyari simula noong bumalik siya. But of course, she did not tell her about how Jeric made love to her, how it was pure and magical at sa tuwing bumabalik iyon sa isipan niya, para siyang binabalot ng kung anong init. Malalim ang buntonghininga niya ng matapos sa pagkukuwento at ang babae ay seryoso lang na nakinig sa kanya.

Love Me, Susie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon