After two years...
TAHIMIK lang na pinagmamasdan ni Jeric and natatanaw na dagat mula sa silid na kinatatayuan. He looked down on the glass that he was holding and finished off the last gulp of vodka in it. Ibinaba niya iyon sa balustre ng malaking bintana at itinukod ang mga kamay roon. Tears started falling from his eyes as he remembered her...the morning he went home. He saw Susie in the garden with her packed belongings. Mukhang siya lamang ang hinihintay nitong dumating para makapagpaalam.
Why did she even wait for him kung buo na ang desisyon nitong umalis? Ni hindi siya nito gustong kausapin kaya ano ang point nang paghintay nito sa kanya? She could have just disappeared from his life. That way, hindi niya mararamdaman ang nakakaliyong sakit na makita ito sa ganoong paraan.
"Can we talk?" aniya at nilapitan ito para hawakan pero umiwas ito sa kanya.
Hindi ito makatingin sa kanya. Gusto niyang hawakan ito, gusto niyang damhin ang init ng balat nito. Gusto niyang maiparamdam dito kung gaano ito kaespesyal sa kanya. Gusto niyang sabihin dito kung gaano niya ito kamahal.
"I want to let you know that I did have a vasectomy years ago dahil sa isang pregnancy scare and that I wasn't ready to be—"
"Niloko mo 'ko. Pinaasa mo 'ko na magkakaroon ako ng anak sa pamamagitan mo. You are cruel enough to play along that you can give me a child iyon pala...iyon pala wala kang kakayahan na ibigay sa 'kin 'yon. What did you get from it? Masaya ka na? Masaya ba na may naloko ka?"
Tila mga palasong tumatarak sa didbib niya ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. She looked furious beyond words.
"Susie, just let me talk, please." Parang nagbabara ang lalamunan niya sa nakikitang galit sa mukha nito. "And please, sit down. Hindi ka pa magaling. It might affect your health."
"Parte ba 'yan ng pakulo mo para magoyo mo 'ko? Is that the reason why you are showing the people around you na ganyan ka kabait kasi ayaw mong iniiwan ka? Your ex-girlfriend Nadine left you for another man at ganoon rin si Elaine. Everybody in this resort takes advantage of you. You keep on pleasing people dahil natatakot ka na baka totoo ang sumpa ni lola Severina at maiwan kang mag-isa, tama ba 'ko?"
"How did you know about that?" puno ng pag-aakusa ang kanyang tinig.
Hindi niya akalain na ganoon ang tingin nito sa kanya.
"Importante pa ba 'yon? Now please, stop being the nicest guy in the world dahil sa loob-loob mo ay isa kang sinungaling at manggagamit!"
He'd never seen her that mad at him at parang nadudurog ang puso niya sa sakit na dulot niyon. She'd been a very important part of him at hindi niya kayang mawala ito sa kanya but her words struck him straight in the heart.
Binitbit nito ang dalawang bag saka tumalikod at naglakad na patungo sa front door.
"Susie, please, just hear me out." habol niya rito at niyakap niya ito nang mahigpit at hindi hinayaang makalabas ng pintuan.
Nabitawan nito ang mga bag na hawak at saka siya hinarap at nagpupuyos ito sa galit at pinagbabayo siya sa dibdib. But he couldn't let go of her. He just can't...
"Susie...please listen to me." He begged, controlling his tears.
"Ano pang kasinungalingan ang sasabihin mo?" puno ng hinanakit ang boses nito.
He wanted to stay like that forever, holding her in his arms. Matapos ang ilang sandali ay naramdaman niya ang pagkalma ng katawan nito. He slowly pulled away from her body and looked at her in the eyes. Namumula ang ilong nito, ang mga pisngi at palibot ng mga mata na namumugto na. He hated seeing her like this, but it was all his fault.
BINABASA MO ANG
Love Me, Susie (Completed)
RomanceSusie only had one mission in life. Iyon ang magkaanak sa isang guwapong lalaki at hindi siya maghahabol ng sustento mula dito. She just wanted her kid to have good genes that's all. But the hottest man she'd ever seen in her whole life who was will...