Chapter Three

500 28 5
                                    


LIMANG LINGGO ang matuling lumipas na hindi nagkamali si Susie. Hindi na nagparamdam pa sa kanya ulit si Jeric Castillo. Malamang ay naboring ito o kaya naman ay talagang balak lang nitong ilibre siya noong gabing iyon dahil sa guilt. Sino ba naman siya para bigyang pansin ng isang katulad nito? She was just an ordinary woman. That was it.

Unti-unti niyang ipinasok sa kanyang malaking bag ang mga ginamit na makeup sa bride. Napakaganda nito. Halos maiyak ito sa tuwa nang makita ang repleksiyon sa salamin. Everytime she saw a bride with full makeup on and overflowing with excitement and happiness, she gets a little jealous. Buti pa ang mga ito, nakahanap ng one true love.

Sana all. Sa loob-loob niya.

Nakita niya ang napakagandang gown na isusuot nito at ang inggit na naramdaman niya kanina ay biglang dumoble. Hindi lahat ng babae ay makakaranas makasuot ng isang magandang wedding gown—katulad niya.

Isa siya sa mga babaeng hindi mararanasan iyon. And she had accepted it long time ago.

"Thank you, Su. I look so beautiful." Sabi ng bride.

"Yes. I'm sure mas lalong mai-in love sa 'yo ang husband mo." Nakangiting sabi niya.

"Ikaw, kailan ka naman ikakasal? Wait, are you married na ba?"

Natatawang todo iling siya. Bakit kailangan pa nitong itanong iyon? Wala siya sa mood makipagkwentuhan dito.

"Hindi pa. Wala akong balak na magpakasal." Mapakla niyang sagot.

"Pero may boyfriend ka?" usisa pa nito.

"Wala rin. Wala pang nagkamali ulit."

"Oh, really? Ayaw mo?"

"I don't know."

"Bakit nga?"

Umiling siya. "Sakit lang sa ulo 'yang mga lalaki. Baka pagkatapos ng kasal ay iwan rin ako, 'wag na lang. At saka, marami akong kilala na hindi naman nag-work ang marriage. Sa umpisa lang siguro masaya, later on, para kang pinaparusahan. Ang gusto ko, magkababy na lang. So there..."

Napalis ang ngiti sa mga labi nito at ganoon rin ang ngiti niya nang marealize ang sinabi. Dali-dali niyang binitbit ang bag at lumabas ng silid nito sa hotel matapos damputin ang sobre ng bayad nito. Kung minsan talaga ang sarili niyang bibig ang nagpapahamak sa kanya. Naglalakad na siya patungong elevator nang mapansin ang lalaking pasalubong sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali—si Jeric Castillo ang nakikita niyang naglalakad.

Dahil deretso ang tingin nito ay hindi manlang siya napansin hanggang sa makalagpas ito sa kanya. Nilingon niya ang lalaki na dere-deretso pa rin sa paglalakad. She felt like her heart skipped a beat. Iyon nga lang ay hindi manlang siya nakita nito. Humigpit ang hawak niya sa cosmetic bag at mabilis na sinundan ito. Lakad-takbo ang ginawa niya para abutan ito at nang matanaw na ito sa lobby ay napanganga siya nang salubungin ito nang yakap ng isang babae. Isang magandang babae.

Shit! May girlfriend na pala si pogi!

Dali-dali siyang nagtago sa likod ng isang malaking vase para hindi nito makita. Bakit ba kailangan pa niyang sundan ito? Bakit kailangan niyang makausap ito kung malinaw pa sa patak ng ulan na wala itong interes sa kanya? Umabrisete ang babae rito at naglakad na ang mga ito palabas ng hotel. Base sa suot ng babae, isa ito sa mga bridesmaids. He was clearly dating someone now kaya dapat na siyang manahimik.

Bagsak ang mga balikat na lumabas na rin siya ng hotel lobby at nag-abang ng masasakyan sa gilid ng kalsada. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong klaseng lungkot. Na para bang napag-iiwanan siya ng lahat. Ilang beses na nga ba siyang nagpalipat-lipat ng matitirahan sa tuwing lumalagay sa tahimik ang mga kaibigan niya? She had three friends and all of them were now married. Si Maxene na lang ang madalas niyang nakakausap sa tatlo. Mayroon rin siyang mga kaibigan na miserable matapos mag-asawa. They were now separated.

Love Me, Susie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon