Chapter Six

451 23 1
                                    


MALALIM na ang gabi ngunit pabaling-baling sa higaan si Susie. Hindi siya sanay na matulog mag-isa. Simula nang magkamalay siya, palagi siyang may kahati sa isang silid. Nakakatakot ang kombinasyon ng dilim at katahimikan. Pakiramdam niya ay biglang may white lady na maglalakad sa harap niya pagkatapos ay lalakad rin sa pader hanggang sa kisame. Sa naisip ay bumalikwas siya ng bangon at tumakbo palabas ng silid.

Takot na takot siya sa mga tumatakbong nakakakilabot na imahe sa isip niya!

Kumatok siya sa pinto at hindi nagtagal ay narinig niya ang boses ni Jeric. Pagkabukas pa lang ay pinagsisisihan na niyang pinuntahan niya ito. He was not wearing any shirt. Naka-boxers lang ito!

"Are you okay?"

Bumalik ito sa tabi ng kama. Kinuha nito ang unan at bahagyang pinagpag. Mas malawak ang silid nito kompara ng sa kanya at halos wala siyang kolorete na nakikita sa paligid maliban sa kama at isang working table kung saan may computer at itim na swivel chair.

Ini-lock niya ang pinto at lumapit dito dahilan para mapatingin ito sa kanya. Mabuti na lamang ay malamlam ang ilaw sa silid nito kung hindi ay makikita nito ang butil-butil niyang pawis sa noo at namumula niyang mukha!

"What's going on?"

She crossed her arms. "N-namamahay ako. H-hindi ako sanay na matulog mag-isa. Natatakot ako! Ang laki-laki ng bahay na 'to! Nakakabingi ang katahimikan."

Naupo ito sa gilid ng kama at nakatingin pa rin sa direksyon niya. Mukhang bagong ligo ito dahil mamasa-masa pa ang buhok.

"And?"

Lumapit siya dito, lumuhod sa harap nito. Magkasalikop ang mga kamay niya nang itaas iyon.

"Please? Puwede bang dito na lang ako matulog?"

Namilog ang mga mata nito. "What?"

Lumapit siya dito lalo kaya napansin niyang nakainom ito.

"Masyadong malawak ang imagination ko, kapag madilim, naiisip ko na bigla na lang may maglalakad na white lady sa kwarto ko pero patawirik. Napakatahimik pa ng paligid. Tapos tayong dalawa lang dito sa malaking bahay. Natatakot ako, okay! Hindi ako sanay na mag-isa sa kwarto. Please!"

Nakita niyang napakunot noo ito pagkatapos ay pinakatitigan siya na para bang sinusuri ang kanyang sinseridad. She was desperate! Di bale nang kung ano-ano ang isipin nito basta hindi siya nito mapapalabas sa silid nito. Kaunting hampas ng hangin sa bintana ay napapalundag siya sa takot.

"White lady? Ano pa ang mga nai-imagine mo?" natatawang tanong nito.

"Na may taong itim sa ilalim ng kama. Please! Mamamatay ako sa takot dito!"

Sumimangot siya sabay sampa sa kama nito at nahiga sa gitna. Hinila niya ang kumot hanggang sa kanyang dibdib. Now she felt safe.

"Hey!" anito.

"Marami akong nai-imagine, okay? Dito na ako matutulog sa kwarto mo sa ayaw at sa gusto mo. I'm not leaving!"

"Are you serious?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Kasalanan mo! Ang laki nitong bahay na 'to tapos tayong dalawa lang. Kinikilabutan talaga ako kanina kung alam mo lang! Pakiramdam ko maraming mga matang nakatingin sa 'kin."

He crossed his arms and stood up. "Oh, that must be my grandparents. Dito sila namatay sa bahay na 'to."

Nahindik siya sa narinig.

Love Me, Susie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon