Chapter Twelve

373 16 2
                                    


HAWAK ni Susie kinagabihan ang alay niyang pakikipagbati kay Jeric. Napag-alaman niyang paborito nito ang biko na maraming latik sa ibabaw kaya naman nagluto siya sa tulong na rin ni Manang Gloria. Nakailang katok na siya sa pinto ng malaking bahay pero hindi pa rin ito sumasagot. Mukhang galit pa rin yata dahil hindi na nga ito nag-tanghalian, hindi pa rin naghapunan. Mukhang iniiwasan talaga siya. Hindi siya sanay na masama ang loob nito sa kanya at bilang peace offering, bitbit niya ang maliit na bilao na may mainit-init pang kakanin.

Itinulak niya ang gahiganteng front door nang mapag-alamang bukas naman pala iyon. Then she went upstairs. Nakabukas ang ilaw sa silid nito at bahagyang nakabukas rin ang pinto. Sumilip siya at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang hindi niya dapat makita.

Jeric was laying on the bed and a naked woman was on top of him, grinding her body onto him, moaning and crying out his name.

"Oh, Elaine, yes..." ani Jeric. "Oh, fuck, yes...oh!"

Mula sa romansang nakikita ay bumaba ang tingin niya sa hawak na kakanin. Napailing siya sa galit habang naglakad palayo. Hindi niya alam kung ano ang mas masakit, ang makita itong may kaniig na babae o ang malamang ganoon na lamang nitong napatawad ulit ang Elaine na iyon.

Bumalik siya sa purple villa na bagsak ang mga balikat. At nang makita niya ang text message ng best friend niyang si Maxene ay tinawagan niya ito.

"Max!"

"Hey, best friend! Nasa area ako. Kita tayo?" ani Max sa kabilang linya.

"Okay lang? Nasaan ang asawa mo?" tanong niya sa kaibigan.

Pinipigil niya ang sariling sumabog sa galit.

"Oh, lumuwas sa Manila. Dinner tayo?"

"Okay. Kasama mo si Kuya Dante?" tanong niya na tinutukoy ang driver nito.

"Oo. Bakit?"

"Sige, pasundo na rin ako. Mag-eempake lang ako saglit."

"Su, are you okay? What happened?"

Inis na inilabas niya ang nag-iisa niyang bag at habang kausap si Maxene sa cell phone ay nakapag-empake siya agad. Lahat na yata ng sama ng loob ay nasabi niya sa kaibigan habang mabilis ang kilos niya. Mabuti na lamang at hindi siya napansin ng mga kasama na umalis dahil wala siya sa mood na makakita ng kahit na sinong nilalang bukod sa kaibigan niyang si Maxene. Di bale nang bumalik na lang siya sa dati, di bale nang mag-makeup na lang siya kahit ng patay ang mahalaga ay makalayo na siya roon.

Isang malaking pagkakamali talaga na hinayaan niya ang sariling mapalapit sa lalaking walanghiyang iyon!

*****

MAG-ISANG pinagdidiskitahan ni Susie ang beer sa kanyang harap dahil hindi naman puwedeng uminom ang kaibigan niya dahil buntis ito. Mula sa kanilang dinner ay dumeretso sila sa bahay nito sa Tagaytay. Naikuwento na niya ang lahat sa kaibigan at kasalukuyang nakikinig lang sa mga drama niya. Then Maxene's husband came home. Lumapit ito sa kanila at binigyan ng halik sa mga labi ang kanyang kaibigan.

How sweet!

"Kumain ka na ba?" tanong ni Max sa asawa nito.

"Yes, I had dinner with Mr. Tan." Tumingin ito sa kanya. "Nice to see you, Susie. How are you?"

Umiling siya. "Not good." Sabay busangot.

"Uh-oh. Okay, I'm gonna leave you two now."

Love Me, Susie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon