Chapter Seven

450 23 7
                                    


NAKAMAMATAY ang biglang tingin ni Susie sa nag-ring na cell phone ni Jeric na nakapatong sa bedside table. Nang hindi iyon tumigil ay napilitang lumayo sa kanya ang lalaki. Mabilis na hinila niya ang kumot para takpan ang sarili.

"Talking about perfect timing," bulong niya. "Kung sino man 'yan siguraduhin niya lang na nasa kapahamakan ang planet earth at kung hindi, siya ang maglalaho sa mundong ibabaw!"

He laughed. He was about to enter her, and the damn cell phone rang! She curled up in bed. Wala siyang nakitang pagkailang sa lalaki na hubo't hubad na nakatayo sa may gilid ng kama. Wala naman itong dahilan para mahiya, he had all the rights to show his body.

"Yes?" anito nang sagutin ang tawag, bahagya pang humihingal.

Nakita niya ang biglang pagseryoso sa mukha nito habang nakikinig sa kausap. He slightly shook his head as well. Nakinig lamang ito at minsan ay napapatango. When he glanced at her with a worried face, she knew that it was something serious.

"Where are you?" tanong nito sa kausap.

Nagbihis siya at muling nahiga. Nakikinig lang ang binata sa kausap at sinulyapan siya ulit.

"Don't do anything stupid, please," sabi nito sa kausap, "No, I'm here. Just don't, please!"

Sino ang kausap nito? Bakit parang biglang pinagbagsakan ito ng langit at lupa?

"I'll be right there. Just please calm down until I get there, okay?" Bagama't nag-aalala naroon pa rin ang pagsuyo sa tono nito.

Naglakad ito patungong closet at kumuha ng isang pantalon, nagsuot rin ito ng T-shirt. He dropped his phone in his pocket.

"Saan ka pupunta? Hindi ako puwedeng maiwan dito!"

Kung sinoman ang tumawag na iyon, emergency siguro dahil ganoon na lang ang pagmamadali ng binata. Who was that person? Kamag-anak? Kaibigan? Baka naman isa sa mga resort staff?

"Let's go." Sabi nito na parang walang segundo na nais sayangin.

"Ha? Saan?"

He grabbed his keys and wallet. Kung sinoman ang tumawag na iyon ay halatang napakaimportante para kay Jeric. He wouldn't panic like this if it was not a life and death kind of a situation and she honestly hated it. Fertile siya at ayon sa app niya, high chance of getting pregnant ang status niya ngayong araw. Pero nabulilyaso pa!

Umalis siya sa pagkakahiga at sumunod dito palabas. Nang nasa sasakyan na sila ay napansin niya ang labis na pag-aalala sa mukha nito. Gusto man niyang magtanong ay pinigil niya ang sarili. She did not need to ask him anything, she just had to be there.

"Is that person okay?"

That was a safe question, she thought.

Umiling ito. "She's not okay."

She. Babae. Bakit babae?

Nanahimik siya sa kanyang kinauupuan. Kung sinoman ang babaeng iyon, siguraduhin lang nito na emergency ang pagtawag kay Jeric sa mismong araw ng kaarawan nito at sa mismong sandali na malapit na sana niyang naisuko ang lahat. Dahil kung hindi...

Ano? Ano ang gagawin mo, Susie? anang isang bahagi ng kanyang isip.

She sighed. Halos paliparin ni Jeric ang sasakyan para lang makarating dito agad. Kung espesyal dito ang babae sana ay nabanggit nito iyon sa kanya! Sana ay may idea manlang siya sa existence nito. Halos isang oras ding nagmaneho si Jeric at nang makaparada sa harap ng isang maliit na bahay ay sinulyapan siya nito.

Love Me, Susie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon