HALOS maibuga ng lalaki ang lamang tubig sa bibig nito sa narinig mula sa kanya. Naghagilap ito ng tissue kaya inabutan niya ito agad ng ilang piraso niyon. Hindi makapaniwalang napatitig ito sa kanya.
"What are you talking about?" he angrily asked her.
She blinked. Did she really say that to him? Oh well, ilang araw naman niyang pinag-isipan ang lahat. At humiling pa nga siya sa langit ng sign. Na kapag nakita niya ulit si Jeric Castillo, tatanungin niya ito kung puwede ba itong maging sperm donor niya. Guwapo ito at sigurong magiging guwapo o maganda ang mabubuo nilang supling kung sakaling pumayag ito.
Hindi na siya umaasang makakatagpo ng lalaki na mamahalin siya nang buong-buo at mai-in love sa kanya nang todo-todo. Hindi nag-e-exist ang ganoong klaseng lalaki na may kapasidad magmahal ng babae higit pa sa sarili nito kaya...magpapalahi na lang siya. The thought of it excited her. Wala na siyang sakit ng ulo, may cute pa siyang anak na palalakihin.
"Mahal nga kasi ang fertility treatments. May nabibili namang insemination kit-"
"Let's talk about this later, okay? Kumain na muna tayo." Pamamatlang nito sa kanya.
Niluwagan nito ang kurbata na parang biglang nainitan. Balewala niyang ipinagpatuloy ang pagkain.
Nang nasa loob na sila ng sasakyan nito ay hinarap siya nito. Busy pa siya sa pag-scoop sa kanyang ice cream plastic cup nang mapatingin siya dito.
He looked at her straight in the eye.
"Are you insane?" kunot-na kunot ang noo nito.
She sighed. "Mahirap bang paniwalaan?"
"Oo."
"Hindi na nga kasi ako umaasa na makakahanap ako ng tinatawag nilang 'the one' kaya imbes na maghintay sa wala, aatupagin ko na lang 'yung bagay na may posibilidad na mangyari...like...having a baby."
"I don't know what to say."
Hinarap niya ito. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pagkalito. Kahit sino naman siguro sa posisyon nito ay maguguluhan at talagang hindi maniniwala sa kanya. But she was dead serious.
"Papayag ka bang maging donor ko? I mean, okay, I know that this is crazy. But think about this, you are doing someone a huge favor. Parang nag-donate ka lang ng dugo."
"Parang nag-donate lang ng dugo? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sperm. Sperm donation ang hinahanap mo at hindi blood donation."
She nodded. "Yeah. Kaya nga I'm asking you. Puwede ka bang maging sperm donor ko?"
Parang nakakita ito ng multo sa naging reaksiyon sa narinig mula sa kanya. Okay, maybe she was being so harsh but that was the truth. Iyon ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay.
"Are you even listening to yourself? Sino pa ang inalok mo ng ganitong donasyon?"
"Ikaw pa lang. Kapag hindi ka pumayag, then, I have to look for other options. May isa pa akong friend na puwedeng tanungin kaya lang nag-aalangan ako."
"Huh?"
"He's gay. Baka hindi pumayag."
Napailing ito. "Okay, let's say na pumayag ako...how are we gonna-"
"Hindi ka ba nakinig kanina? There are insemination kits out there. I will track my ovulation days tapos I will take a test kapag positive na ovulating ako, we will proceed with the insemination. I'll be in a room tapos sa kabilang kwarto ka naman. I will lay on the bed then you will do your thing."
"Thing?"
Nag-init ang mukha niya. Kailangan talaga specific siya dito? Oh well...
"You will have this cup na sterilized." She held her fingers up that her thumb finger was four inches apart from her index finger. "Bahala ka na kung paano mo gagawin basta once you release your alam mo na, make sure na nasa cup lahat, ha? Tapos ibibigay mo sa 'kin 'yung cup na may ano mo sa kabilang room. Pagkatapos, I will use a syringe to get all the liquid tapos i-insert ko na sa ano ko."
BINABASA MO ANG
Love Me, Susie (Completed)
RomanceSusie only had one mission in life. Iyon ang magkaanak sa isang guwapong lalaki at hindi siya maghahabol ng sustento mula dito. She just wanted her kid to have good genes that's all. But the hottest man she'd ever seen in her whole life who was will...