Chapter Seventeen

373 16 0
                                    


NAPAKAPIT si Susie sa baging sa gilid ng batis nang biglang tumaas ang tubig. Nasa ibabaw ng isang malaking bato si Pat at nagpapasalamat siyang hindi pa ito nakakatalon bago biglang bumuhos ang malakas na tubig mula sa maliit na talon. Napasigaw siya sa takot. Mamamatay na yata siya!

"Ate! Kumapit ka lang! Pupuntahan kita!" sigaw ni Pat.

"No! Diyan ka lang! Utang na loob, Pat! Diyan ka lang sa itaas!" sigaw niya rito. "'Wag kang aalis riyan!"

Umabot na sa kanyang leeg ang tubig. Ang kaninang napakalinaw na batis ay napuno na ng mga sanga at kulay tsokolate na. She tried her best to keep her head above water. Kitang-kita niya si Pat na tila tuliro at naghahanap ng kung ano sa paligid nito para ihagis sa kanya at makapitan niya para makaakyat siya sa malaking bato. Hangga't nakahawak siya sa baging ay hindi siya matatangay ng tubig. Pero hindi niya alam kung hanggang kailan siya makakatagal sa ganoong posisyon! Paano kapag patuloy na tumaas ang tubig? Malulunod siya!

Sinubukan niyang iangat ang sarili ngunit madulas ang kinakapitan niya at masyadong malakas na ang agos ng tubig.

"Ate! Papunta na ako d'yan kumapit ka lang!"

Kinabahan siyang lalo. "Utang na loob, Pat! Diyan ka lang! 'Wag matigas ang ulo!" sigaw niya na pagkalakas-lakas at parang mapapatid na ang ugat sa leeg niya.

Kung mayroong mawawala sa kanila, mas gugustuhin niyang siya na lang dahil wala na siyang pamilya. Hindi niya alam kung paanong matatanggap ni Tatay Pio kapag nawala ang kaisa-isang anak nito. She's all alone, walang magluluksa sa kanya kapag nawala siya sa mundong ibabaw. Siguro ay malulungkot ang mga ito pati ang mga kaibigan niya at maaaring ipagluksa rin siya ni Jeric but that's all. Mas nanaisin niyang siya ang mawala kaysa ito.

"Ate! Kumapit ka! Tatawag ako ng tulong!"

Pumapalahaw na ito ng iyak habang nagpa-panic. Napasigaw siya nang makita ang pagragasa ng isang troso patungo sa kanya at nang banggain siya noon ay nabitawan niya ang baging. Nasa ilalim siya ng tubig and when she was trying to hold onto something, she failed. Mabilis ang agos ng tubig. She reached out her hands, bigla ay may naramdaman siyang malaking bagay sa ilalim at tumuntong siya roon. Nakahinga siya ulit nang lumitaw ang ulo niya sa tubig.

"Ate! Ate! Kumapit ka!" Sigaw ni Pat, umiiyak na sigaw nito.

"Huwag kang lulusong!" sigaw niya at muli siyang lumubog sa tubig.

She did not have the energy to come out of the water anymore, but she was trying so hard. Napaigik siya nang may tumama sa tagiliran niya. She gasped for air when she was able to breathe out of the water, hanggang bibig niya ang tubig at nang makitang may makakapitan siya ay hindi naman siya makakilos. Her right foot was stuck in between two rocks. Natanaw niyang mas lalong lumakas ang buhos ng tubig mula sa talon at alam niyang katapusan na niya dahil aapaw na ang batis at matatangay siya patungo sa dulo niyon, kahahantungan niya ang matutulis na bato sa ilalim. She just wished that she wouldn't have a hard time dying. Makakasama na niya ang kanyang buong pamilya, that gave her comfort despite her situation.

For the last time, she could inhale above water. Dinadaya lamang ba siya ng kanyang paningin? Nakita niya si Jeric sa tabi ni Pat, itinuro ni Pat ang direksiyon niya, may kung ano itong ikinakabit sa katawan at sa puno at wala pang isang segundo na eksperto itong tumalon sa tubig bago siya muling pumailalim. She was drowning. Wala na siyang pag-asang makaligtas dahil mas lalong tumaas ang tubig dahil sa malakas na ulan at nilamon siya ng dilim.

***********

HE TRIED again for the third time. She had no pulse and she wasn't breathing. He started giving her chest compressions then tilted her head slightly and lifted her chin, he opened her mouth and gave her two rescue breaths. Wala pa ring senyales na may pag-asang mabuhay ang dalaga. He repeated the compressions. Fuck! She was lifeless.

Love Me, Susie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon