WALA nang nagawa si Jeric kundi mapailing nang makita ang babaeng nakahiga sa kama niya. When they got home, nagtungo siya agad sa library para tapusin ang trabaho niya and to avoid her. Halos dalawang oras siya roon at nang makabalik sa silid ay nakita agad si Susie na nakahiga sa kama. Napansin pa niyang suot nito ang T-shirt niya. Tanging ang malamlam lang na ilaw ng lampshade mula sa kabilang bahagi ng kama ang nagbibigay liwanag sa buong paligid. Nakatagilid ito at tila natutulog na.
Last night, just like the previous nights for the past two years of his life, he was all alone in the bed thinking how his life would have been different if Susie chose him, if she just chose to stay with him. Pero katulad ng dati, pinapaalalahanan niya ang sarili na imposible nang bumalik ito. But right now, she's in the bed, in his bed, sleeping.
He took a quick shower. Nang makabalik sa silid ay nakabihis na siya. Right when he was about to lay on the bed, she woke up.
"Hey, I'm sorry, nakatulog na 'ko." Sabi nitong ang boses ay namamaos.
He slightly nodded. "I was gonna wake you up," aniya.
Namilog ang mga mata nito. "No! Ayoko sa kabilang kuwarto, kailangan mo muna akong patayin bago mo 'ko mapaalis dito sa kama."
Her reaction wasn't a surprise and it brought back funny memories to him. She didn't change a bit. Only she became hotter in his eyes right now.
********
NAGTATAKANG sinundan ni Susie si Jeric nang bumalik ito sa library ang akala niya ay matutulog na ito pero nang maabutan siya ay bigla na lang umalis.
"Akala ko matutulog ka na," aniya dito, nakasilip sa pinto habang ito ay nakaupo sa swivel chair at nakatuon ang tingin sa monitor ng laptop.
"Go ahead and sleep. Kailangan ko lang tapusin 'to. Nilinis ni Manang Gloria 'yung kabilang silid, you can use that one."
Mula sa pinto ay lumapit siya rito, ramdam niyang iniiwasan siya nito at nalulungkot siyang isipin na marahil ay binigyan lang siya nito ng pagkakataon dahil mabuti itong tao, hindi dahil karapat-dapat siya para doon.
"Jeric..."
"Hmmn?" anito na hindi manlang tumingin sa kanya.
Napansin niya ang pagbuhos ng ulan sa labas. Lumapit siya sa nakabukas na bintana at pinagsawa niya ang tingin sa malakas na pagbuhos niyon. Kung hindi siya marahil pinagbigyan ni Jeric, nasaan na kaya siya ngayon? Bumalik kaya siya sa inuupahan? O nasa isang bar at nagpapakalasing?
Sa dulo ng kanyang mga mata ay nakita niyang isinara nito ang laptop, then his chair pointed in her direction. Niyakap niya ang sarili nang makaramdam siya ng lamig at unti-unting humarap dito. Iba ang dating ng tingin sa kanya ni Jeric. Ramdam na ramdam ni Susie ang paglandas ng tingin nito sa kabuuan niya at pakiramdam niya ay hinuhubaran siya nito. She didn't have any clothes kaya matapos niyang makapaligo kanina ay isinuot niya lang ang nakita niyang malinis na T-shirt mula sa closet. She washed her undies, too. Nakasampay ang mga iyon sa banyo at alam niyang mapapansin nito iyon.
"Pipilitin mo ba 'kong sa kabilang kuwarto matulog?" mahina niyang tanong na hiling ay nakarating iyon sa pandinig nito.
Hindi ito nagsalita matapos ang matagal na titig sa kanyang mukha ay tumayo na, she followed him back to his room at nagulat nang pagkapasok ay agad itong humarap sa kanya. Napasandal siya sa likod ng nakapinid na pinto at napalunok nang matagpuan ang sariling halos isang dangkal lang ang layo mula rito. His eyes scanned her face and stare at her lips.
"Sleep in the other room," his tone is commanding and deep.
Umiling siya. "No."
"If you're staying in my house, you have to sleep in the other room." Mahina ngunit maawtoridad ang tinig nito.
BINABASA MO ANG
Love Me, Susie (Completed)
RomanceSusie only had one mission in life. Iyon ang magkaanak sa isang guwapong lalaki at hindi siya maghahabol ng sustento mula dito. She just wanted her kid to have good genes that's all. But the hottest man she'd ever seen in her whole life who was will...