PABALIK na sa kama si Susie mula sa banyo nang makita niyang umilaw ang cell phone ni Jeric na nakapatong sa bedside table. Naka-silent iyon kaya hindi tumunog at hindi nag-vibrate. It was Elaine. At ano naman ang kailangan nito sa lalaki sa ganoong oras? It was only five a.m, gaano kaimportante ang kailangan nito? She picked up the phone. Lumabas siya ng silid at tumuloy sa study area.
"Hello?"
"Who's this?" bungad ng babae sa kabilang linya.
"It's Susie. Napatawag ka?"
Naupo siya sa couch na naroon at niyakap ang nadampot na throw pillow.
"Don't you know that Jeric hates it when somebody invades his privacy?"
"Magalit siya kung magalit. Ano nga ang kailangan mo?"
Narinig niyang napabuntonghininga ito sa kabilang linya. "Pakisabi sa kanya na... nagbago na rin ang isip ko."
"Kilala mo ba kung sino ang kausap mo ngayon?" tanong niya.
"Yes, Susie, right? His assistant?"
Kung ganoon ay hindi pa rin pala nababanggit ni Jeric sa babaeng ito kung ano ba talaga siya sa buhay nito. But she thought of it, sino nga ba siya sa buhay ng binata? Nobya ba siya nito?
"Higit pa roon," lakas loob na sabi niya.
Tumawa ito sa kabilang linya. Nakakaloko ang tawa nitong iyon. Ito ba ang babaeng nasa ospital lang kahapon dahil daw may sakit? Sa tono ng pananalita nito ay parang mas malakas pa sa kalabaw.
"Don't dream too much, darling. Noong una, pinalagpas ko ang pagsisinungaling mo na may relasyon kayo. I see that you're desperate. Kaya maghinay-hinay ka dahil kapag bumagsak ka sa lupa, mas masakit. Don't hurt yourself like that." Nakatawang wika nito.
"What are you talking about?"
Elaine laughed again. "Jeric is in love with me. I am his one great love. At kung sa tingin mo ay mababago mo 'yon, nagkakamali ka. Many women tried. Hindi lang ikaw. Pero palagi siyang bumabalik sa 'kin kapag nagsawa na siya."
"That's not true."
Tumawa ulit ito. "Masakit talagang marinig ang katotohanan, dear. Mas masakit rin tanggapin. But anyway, napag-isip-isip ko nga na...hindi naman masama kung susubukan namin ulit, hindi ba?"
Mas lalong napahigpit ang yakap niya sa throw pillow. "Susubukan ang alin?"
"Hindi mo alam? Jeric never wanted to have children. We will live a childfree life. We will just enjoy each other and travel the world. But yesterday, when we talked, he mentioned about having a kid with me. I guess, nagbabago talaga ang tao, ano? And so, I've decided to let him know na puwede naming subukan ulit."
"Ulit?"
"Yeah. Susubukan namin ulit na ayusin ang relasyon namin. We talked, made love, and he told me na uuwi lang daw siya sa Isla Pueblo para may asikasuhin sandali. Kaya napaaga ang uwi niya. But because of the storm, I think stranded siya d'yan. I called to ask him when he's coming back to Manila. As his assistant, you can pass the message to him. Puwede ba 'yon?"
Nanginginig ang mga kamay niya sa galit. Kaya ba hindi matuloy-tuloy ang baby project nila ng binata dahil ayaw naman talaga nitong magkaanak sa kanya? Kaya ito umuwi kahapon nang mas maaga sa plano nito para siguro ay kausapin siya at sabihing nagkabalikan na ito at si Elaine? Kaya ba hanggang ngayon ay wala pa rin siyang lugar sa buhay nito dahil wala naman talaga itong balak na seryosohin siya? And that many women tried to but failed?
BINABASA MO ANG
Love Me, Susie (Completed)
RomanceSusie only had one mission in life. Iyon ang magkaanak sa isang guwapong lalaki at hindi siya maghahabol ng sustento mula dito. She just wanted her kid to have good genes that's all. But the hottest man she'd ever seen in her whole life who was will...