AFTER one week...
"HAVE you told her about it?"
Nag-angat ng tingin si Jeric sa kaibigang si Sebastian sa tanong nitong iyon. He'd told him everything about Susie and how the woman ended up in Isla Pueblo under his care. And of course, their odd situation.
Ibinaba niya ang baso sa counter. "No. Not yet."
Napailing ito bago inubos ang alak sa baso. He sighed. Ang akala niya, magiging madali para sa kanyang sabihin ang totoo sa dalaga. But he kept dragging everything until it felt kind of too late already. Alam niyang masasaktan ito. Na mag-iiba ang tingin nito sa kanya.
"You are lying to her," Seb said stating the obvious. "She's gonna be hella mad."
The bartender poured some more alcohol in his glass. It felt like a physical pain not being able to tell Susie everything. Kasalanan niya ang lahat. Kung sana ay naging totoo siya noong una pa lang, sana ay wala siyang sakit ng ulo ngayon. But if he did tell her the truth, she wouldn't even be in his life right now. Kaya ano ang pagpipilian niya?
"I don't know how I'll tell her." He confessed.
Sebastian shook his head. "Tell her that you can't get her pregnant because you are not capable to do so. That's it."
"I'm fucked. This is all my fault." Bumagsak ang mga balikat niya. He felt like an asshole.
*****
LAKAD-takbo ang ginawa ni Susie nang may sumagot na sa tawag niya kay Jeric. Nagpakilalang si Sebastian Andrada ang lalaki. Lasing na lasing daw si Jeric at malapit na raw ang mga ito sa arko ng Isla Pueblo.
Natanaw niya ang sasakyan at pagkabukas pa lang niya sa passenger's seat ay yumupyop na sa kanya si Jeric. Lasing na lasing nga ito, nakabukas na ang halos lahat ng butones sa polo. Bumaba ang lalaking may pangalang Sebastian mula sa driver's seat at muntik pa siyang mapasinghap nang masilayan ito. Ruggedly handsome ang lalaki. Mukhang ilang buwan nang hindi nagpapagupit sa haba ng buhok at mukhang ilang babae na rin ang napaluha.
"You must be Susie?"
Namilog ang mga mata niya. "Sir, okay ka lang? May pinagdaraanan ka ba?"
Sebastian laughed. "I'll take that as a good sign dahil hindi mo ako nakikilala."
"D-dapat ba kitang makilala?"
Ang ngiti nito ay nawala. "Nope. And it should stay this way. By the way, nice to meet you, Susie. I've heard a lot of things about you."
"Good things or bad things?"
He shook his head. "I'll not comment on that."
Inalalayan niya si Jeric na makababa ng sasakyan. Nakaakbay ito sa kanya at nakayakap naman siya sa katawan nito. Bahagya nitong inilayo ang katawan sa kanya para tila kilalanin siya.
"Is it you? Oh, I'm home." Jeric said and closed his eyes.
Tinapik-tapik niya ang pisngi nito para magmulat ulit ito ng mga mata. Binalingan niya si Sebastian. "Thank you sa paghatid, ha?"
Sebastian nodded. "No problem."
Nagsimula na silang maglakad at nakasunod ito hawak ang coat ni Jeric. Nakakailang hakbang pa lang sila nang bigla itong humawak sa isang puno ng niyog at sumuka sa gilid niyon. Panay ang hagod niya sa likod nito.
BINABASA MO ANG
Love Me, Susie (Completed)
RomanceSusie only had one mission in life. Iyon ang magkaanak sa isang guwapong lalaki at hindi siya maghahabol ng sustento mula dito. She just wanted her kid to have good genes that's all. But the hottest man she'd ever seen in her whole life who was will...