MAGILIW na pinagmamasdan ni Jeric si Susie mula sa lilim ng puno ng niyog. Malapit ito sa swimming pool at kausap ang manager na si Julius na parang nagbibigay ng ilang instructions sa lalaki dahil sa gaganaping event sa resort. Pitong buwan na ang nakalilipas at tila wala nang bakas ng aksidente sa katawan nito. Matagal nang inalis ang cast sa binti nito at wala na rin itong sling sa balikat. Kalaunan ay ipinagpatuloy rin nito ang mga klase kay Patricio Menesed hanggang sa nakakuha ito ng certification at naging mas sikat itong makeup artist. Susie also managed to help in the resort. Tatlong buwan na ang nakakaraan simula nang magbukas sila ulit. He had never seen her that happy, that content, at pakiramdam niya ay may nagagawa siyang tama sa mundo.
"Ganyan ang mukha ng in love, nakangiti na parang tanga." Tinapik siya sa balikat ni Sebastian saka tinanaw rin ang kanina pa niya tinitingnan.
"She's so fucking hot, dude. Ikaw na ang pinagpala sa lalaking lahat."
Napangiti siya. "Hey, back off."
Itinaas nito ang mga kamay. "Of course, dude! Ayoko pang ibaon sa buhangin nang buhay." Natatawang sabi nito.
Inilibot niya ang tingin sa paligid. Everything was just perfect. Sigurado siyang kung anoman ang event na naka-book sa araw na iyon ay talagang espesyal dahil sa detalye ng ginawa ni Susie at ng team nito. May naka-set up na table for two sa beach. The table was decorated with red roses, beautiful set of plates and utensils. May red wine din doon at dalawang wineglasses. Nakapaloob ang table set sa heart shaped battery decorated candles na nakabaon sa buhangin. It was perfect at sinabi ni Susie na magsisimula ang event kapag malapit nang mag-sunset.
Susie looked incredibly beautiful in her short white dress, hanggang tuhod iyon and exposing her smooth arms. Hinayaan lang nitong nakalugay ang mahaba at kulot-kulot na buhok. May nakaipit na red rose sa itaas ng kanang tainga nito, she was breathtaking.
"She kinda reminds me of Marimar. Kaya lang si pulgoso ay si Kulas, kinulang sa laki."
Imbes na matawa sa biro na iyon ni Sebastian ay napatango lang siya. "But Susie is way prettier." He said.
Hindi kumontra sa kanya si Sebastian. He looked over the horizon, the sun was setting at kikilos na sana siya para lapitan si Susie nang biglang may tumakip sa mga mata niya.
"Seb!" reklamo niya nang piringan siya nito.
"Hey, just trust me, okay?"
Alam niyang nakangisi ito. Ibinuhol nito ang magkabilang dulo ng mga iyon sa likod ng ulo niya saka siya pinalakad. Kung anoman ang nangyayari ay hindi niya alam. O baka may balak itong itulak siya sa pool. But to his curiosity, naramdaman niyang sa buhangin sila naglalakad nito.
Then he told him to sit down. Kinapa niya ang uupuan. Tahimik na tahimik ang paligid at tanging ang mabining hampas lang ng alon kasabay ng hangin ang naririnig niya sa paligid. Then someone took the blindfold off him. Nakita niya agad si Susie na nakaupo sa kabilang panig niya.
"Wait," napalingon siya sa paligid at napagtantong silang dalawa lamang ang naroon. Where did everybody else go?
Nasa loob sila ng hugis puso at nagsalin ito ng wine sa baso saka iyon inabot sa kanya.
"Baby, what's happening?" tanong niya bagaman tinanggap ang wineglass.
Susie smiled at him, napakatamis ng ngiti nito. "Just wanna have dinner with you by the beach."
Ang ngiti niya ay abot sa kanyang magkabilang tainga. "Oh, okay, wow, this is amazing. You prepared all these?"
Proud na ngumiti ito. "Do you like it?"
BINABASA MO ANG
Love Me, Susie (Completed)
RomanceSusie only had one mission in life. Iyon ang magkaanak sa isang guwapong lalaki at hindi siya maghahabol ng sustento mula dito. She just wanted her kid to have good genes that's all. But the hottest man she'd ever seen in her whole life who was will...