NAGISING si Susie na may ngiti sa kanyang mga labi. Parang isang magandang panaginip ang nangyari kagabi. It was magical. It was surreal and so beautiful. Nangyari ang pinakamahaba at pinakamainit na halik sa pagitan nila ni Jeric sa ilalim ng kalangitang punong-puno ng mga bituin at sa harap ng punong pinalilibutan ng mga alitaptap. It was such an incredible feeling at wala yatang makakapag-alis ng ngiti sa kanyang mga labi.
Sunod-sunod na katok sa pinto ang nagpaalis sa kanya sa kama. Nakaplaster ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi nang mabungaran si Pat at kahit yata sumakit na ang panga niya ay hindi na maalis iyon.
"Good morning, Ate! Breakfast na tayo."
"Okay." Para siyang hinehele ng mga anghel sa langit.
Kumamot ito sa ulo. "Oo nga pala, may kasama si Kuya Jeric." Tila nag-alangan pa itong sabihin iyon.
"Kasama?" inisip niya bigla si Sebastian, baka napadalaw ito sa kaibigan.
Tumango ito. "Oo. Dumalaw 'yung dati niyang girlfriend? Si Ma'am Elaine. Nandoon na at hinahainan ni Tiyang Gloria. Mukhang okay na siya ngayon, naghilom na 'yung mga sugat niya."
Tila bumagsak sa lupa ang puso niya. Tumikwas ang isang kilay niya at natunaw ang ngiti sa kanyang mga labi. Ano naman ang ginagawa ng babaeng iyon dito? At ano ang karapatan nitong magpakita ulit kay Jeric matapos ang lahat? Ang kapal ng mukha nito! Ngayon niya makikita kung sino ang mas maganda sa kanila!
Matapos niyang mag-ayos ay halos liparin niya ang open kitchen sa white villa. Napansin na niya agad na ang babae ay may mahaba at itim na itim na buhok. Nakatalikod ito sa direksiyon niya kaya hindi pa niya makita ang mukha nito. She was wearing a floral summer dress. Kalahati ng likod nito ang naka-expose at may suot rin itong sombrero na pang-beach. Katabi nito si Jeric na nakita pa niyang sinasalinan ito ng pagkain sa plato. Nang makalapit siya para komprontahin ito ay natigilan siya.
The woman was...different from what she initially thought. May burn marks ito sa kanang braso, her scars looked thick and awful. Halos siyamnapung porsyento ng kanang braso nito hanggang sa pulsuhan ang may pilat. Halatang-halata iyon dahil makinis at malaporselana ang kutis nito sa natitirang parte ng katawan na hindi apektado. Even the right side of her face had burn marks. Bagaman may kaunting pilat sa kalahati ng mukha, hindi maikakailang napakaganda nito.
"G-good morning," aniya at hindi siya nagpahalatang nagulat sa kalagayan nito.
Bumalik sa isip niya ang kuwento noon ng best friend niyang si Maxene—tinangka daw itong sugurin ng isang babae sa beach para buhusan ng asido at binato raw ito ng isang binatilyo ng bungkos ng mangga, nawalan daw ng balanse ang babae at tumilapon rito ang lamang asido ng boteng hawak. Natalsikan raw sa likod ang asawa nito at dinala agad nila sa ospital ang babae gamit ang sasakyan ni...Jeric.
Ngayon lang nagkatugma-tugma sa kanya ang lahat, sa Isla Pueblo nangyari ang insidenteng iyon at si Pat ang binatilyong tinutukoy ni Maxene sa kuwento. Si Elaine ang amo ng lalaking bumaril kay Maxene dahilan para mag-agaw buhay sa ospital ang kaibigan niya! Ito rin ang babaeng nagtangka ulit na saktan ang kaibigan niya! Ito rin ang babaeng dalawang beses na sinaktan si Jeric at ang babaeng walang karapatan na umapak muli sa isla!
Kaya bakit ganoon na lang kung tanggapin ulit ito ni Jeric? Sa galit ay hindi siya umupo bagkus ay naglakad siya palayo. Galit na galit siya at hindi niya mapaniwalaan na ganoon lang kadali para sa lahat na kalimutan ang mga nangyari!
Malapit na siya sa treehouse nang may pumigil sa braso niya. It was Jeric and he looked upset.
"What was that?" angil nito, nangungunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Love Me, Susie (Completed)
RomanceSusie only had one mission in life. Iyon ang magkaanak sa isang guwapong lalaki at hindi siya maghahabol ng sustento mula dito. She just wanted her kid to have good genes that's all. But the hottest man she'd ever seen in her whole life who was will...