NAKITA ni Susie ang paggalaw ng muscles sa panga ng nag-aalburutong si Jeric. Para bang sasabog ito sa inis anumang sandali. Pulang-pula ang mukha nito pati na ang dalawang tainga. And still, he managed to look hot and incredibly handsome.
"I'm sorry to burst your bubbles but you have to go with me. Luluwas tayo sa Maynila and we'll stay there for a couple of days. How can you ask for a day off when you just started today?"
Akmang magsasalita siya nang talikuran siya nito sabay martsa palabas ng white villa. Naiinis na sinundan niya ito.
"Ano ba ako? Sekretarya o resort staff? Hindi ba dapat ay mag-stay ako rito at hindi sumama sa 'yo sa Maynila?"
Mabibilis ang hakbang nito at nahihirapan siyang sumunod dito. Lakad-takbo siya para makaagapay sa lalaki. Bakit biglang nagagalit ito sa kanya?
"I changed your job description; you are now my executive assistant o kaya personal secretary from this day forward. That just means that you always have to be with me."
Naloka siya. "Huh? May sekretarya ka naman, ah!"
"I'm a busy man. I need two secretaries."
Salubong ang mga kilay niya at lakad-takbo pa rin para makahabol dito. Napansin niyang tinatahak nila ang daan patungo sa bahaging masukal. Bagaman walang matataas na damo sa dinaraanan nila napansin niya ang samu't saring puno na ang iba ay may bunga na. May kaimito, santol, mangga at bayabas. Malayo na sila sa beach front kaya nagtataka siya kung saan talaga ito pupunta.
"Saan ang lakad, boss?"
Sinulyapan siya nito. "I'm checking something."
Lakad-takbo pa rin siya habang nakasunod sa lalaki at nang makalagpas sila sa mga punong namumunga, tumambad naman sa kanya ang malalaking puno. Huminto ito sa isang malaking puno na ang ibang ugat ay nakalabas na sa lupa.
Tumingala ito roon at ganoon din siya. There is a tree house above them! Namangha siya. First time niyang makakita ng tree house at hindi lang iyon, may ilang puno pa sa di-kalayuan na may mga tree house din.
"Wow!" hindi niya napigilan ang sariling mamangha nang labis. "For real? Totoo talaga sila? As in?"
"Do you like it? Isa ito sa mga ipinapagawa ko. This is a good attraction in the resort pero dahil gusto kong ipreserve ang maraming puno, I only planned to build four to five tree houses. Hindi pa kumpleto ang ibang tree house. What do you think? This is the model tree house pero kumpleto na ang loob. Wanna take a look?"
Kitang-kita niya ang pride sa mukha nito indikasyon na dugo't pawis nito ang inilaan para mabuo ang mga tree house. The joy in his eyes seemed to spark childhood memories. Dahil may gawang hagdan pa-spiral paakyat sa puno na may kasamang railings ay hindi siya nahirapang sumunod dito. Namangha siya pagkarating sa taas. Dahil may maliit na tila barandilya ay natanaw niya ang kaunting bahagi ng dagat. Agad na humalik sa mukha niya ang may kalamigang ihip ng hangin. She filled her lungs with fresh air.
Inilibot niya ang tingin sa loob niyon. May kama sa bandang kanan at sa tabi niyon ay isang maliit na estante na kinalalagyan ng mga libro. Mayroong lamesa at dalawang upuan, yari sa kahoy ang mga iyon. Sa kabilang sulok ay tila mini kitchen.
"Bagay ito sa mga honeymooners. Eksakto ang laki ng kama, pangdalawahan ang mesa at maaari silang magpaluto at kumain dito." Wika niya.
"Magpaluto?"
Nakita niyang naupo sa gilid ng kama ang lalaki habang siya ay inililibot ang sarili sa loob ng tree house. Higit sa anim na talampakan ang taas niyon kaya komportable siyang nakakalibot. Hindi rin masikip. Parang tiny house iyon sa tingin niya.
BINABASA MO ANG
Love Me, Susie (Completed)
Roman d'amourSusie only had one mission in life. Iyon ang magkaanak sa isang guwapong lalaki at hindi siya maghahabol ng sustento mula dito. She just wanted her kid to have good genes that's all. But the hottest man she'd ever seen in her whole life who was will...