Kinabukasan...
KANINA pa nakatitig si Susie sa malaking painting sa sala. Hindi niya mawari kung ano ang dapat niyang makitang imahe doon. The colors in the art were dusky—a combination of soft brown, pale smoke white and black coral gray with touches of midnight and charcoal black. Salubong ang kilay niya habang sumisimsim sa mug niyang hawak na may green tea.
Then her eyes widened. "Kabayo!" she exclaimed at itinuro ang painting. "I see it! Nakita ko na! Kabayo!"
Narinig niya ang mga yabag na papalapit. It's Jeric. Nakabihis na rin ito katulad niya dahil sabi nito kaninang paggising niya ay may lakad daw sila sa araw na iyon.
"What are you talking about?" he asked looking at her frowning. Mula sa kanya ay tumingin ito sa painting na itinuturo niya.
"Nakita ko na 'yung image na talagang ilang beses kong hinahanap. It's a horse. Tama 'ko, 'no? Kabayo?"
Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito at nauwi iyon sa mahinang tawa. "What? There's no horse in there."
Nilapitan niya ang painting at gamit ang bakanteng kamay ay ina-outline ang imahe na nakita niya. "See? Dark horse 'di ba?"
Umiling ito. "Susie, there's no horse in there." ulit nito.
Todo-iling siya at muling ina-outline ang kamay sa painting. "Hindi mo kasi nakikita, tingnan mong maigi, ito 'yung buntot niya tapos ito 'yung katawan," she stroke her hand in motion, "Tapos ito naman 'yung paa. See? Kaya lang dahil sa dark clouds kaya 'yung ibang paa hindi makita."
Jeric laughed. "I don't see it."
"Sino ba kasi nag-paint nito at hindi manlang in-explain kung ano ba 'yung gusto niyang ipakita sa mga titingin sa painting niya." Naiinis niya sabi at hindi talaga nito makita ang nakikita niya.
She's so sure that she can see a dark horse flying off the dark clouds. Ilang beses na niyang pinakatitigan ang painting na 'yon kaya sigurado na siya sa nakikita.
"My mom."
Napatanga siya. "Mama mo ang nag-paint nito?"
Bahagya itong tumango at seryosong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng painting. Para bang sa sandaling iyon, nakita niyang inalala nito ang namayapang ina. When he looked at her again, may kaunti nang ngiti sa mga labi nito.
"She's a big fan of paintings, arts and different decors. She used to travel the world collecting arts and crafts. If you noticed, she likes the color gray."
Tama ito. Lahat ng paintings sa malaking bahay ay halos different shades ng color gray ang ginamit bilang paunang kulay. Now it all makes sense to her.
Napatitig siya rito. "Ah, kaya ba Jeric Grei ang pangalan mo? But different spelling nga lang."
He smiled at her, his eyes showing admiration. "How did you know my whole name?"
"Nakita ko sa office mo. 'Yung parang paperweight sa harap ng desk mo at nakita ko rin ang title mo. Nakakaimpress lang na may kilala akong president and CEO sa tunay na buhay. Nakakatuwa. Ano bang pakiramdam ng nasa ganyang posisyon?"
"This is the first time someone had the guts to ask me that. I'm impressed."
Nag-init ang mukha niya sa compliment na iyon. Napainom siya sa kanyang green tea na para bang doon siya kukuha ng lakas para manatiling nakatayo. Jeric is visually appealing from head to toe, the fact na nakita na niya ang lahat sa ilalim ng damit nito ay nagpapainit sa pakiramdam niya. This man can stand out anywhere, and she's one hell of a lucky woman to even get the privilege to be this near to him.
BINABASA MO ANG
Love Me, Susie (Completed)
RomanceSusie only had one mission in life. Iyon ang magkaanak sa isang guwapong lalaki at hindi siya maghahabol ng sustento mula dito. She just wanted her kid to have good genes that's all. But the hottest man she'd ever seen in her whole life who was will...