Halos hindi makapaniwala ang isang babae sa narinig at nakita nitong kagimbal-gimbal na balita sa telebisyon nang umagang iyon. Nanlalambot siyang napaupo sa sofa na naroon sa maluwang na sala ng malaking bahay nila. Dahan-dahan niyang kinuha mula sa kanyang bag ang larawan ng isang magandang babae. Nagngangalit ang kanyang mga bagang na pinagmasdan ang larawang 'yun.
"Magbabayad ka babae sa ginawa mong ito sa kapatid ko. Tinitiyak ko sayo, magbabayad ka"
At unti-unti nitong kinuyumos ang larawan sa kanyang mga kamay.
Muli ay walang patid ang pag-agos ng kanyang luha habang patuloy na nanonood ng T. V.
💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖Maulan.. Maputik.. Halos bumabaha na sa lugar na kinaroroonan ng isang babae. Hindi nito alintana ang sitwasyon. Ang mahalaga para sa kanya ay ang masamahan ang kapatid sa puntod nito. Unti-unti nang kumakagat ang dilim, subalit ang lakas ng ulan ay sumasabay sa alimpuyo ng damdamin ng isang maganda subalit malungkot na babae na nasa harap lamang ng puntod ng bagong libing na kapatid.
"Ipinapangako ko sayo, magbabayad ang may kagagawan nito sayo. Ipinapangako ko iyan" mariing wika ng babae. Habang unti-unti nang lumuluhod sa harap ng puntod. Basang-basa na ito at nanlalamig na rin. Muli ay umiiyak na hinagod nito ang lapida ng kapatid. Sa isipan niya ay tahimik itong gumagawa ng plano at maiitim na balakin.
Wala siyang pakialam kung anupaman ang kahinatnan nang buhay niya. Ang mahalaga, maipaghiganti niya ang sinapit ng kanyang mahal na kapatid. At ipinapangako niya sa sarili, na hindi siya kailanman mahahabag sa lahat ng taong may kinalaman sa pagkamatay ng kapatid niya.
Kuyom ang mga palad. Dahan-dahan siyang tumayo at tumalikod na sa puntod. Nagsimula na siyang humakbang palayo at tinungo ang isang nakaparadang kotse sa may di kalayuan. Walang salita itong sumakay ng kotse at paharurot na pinaandar 'yun palayo sa sementeryong yaon.
Samantala, sa may di kalayuan ay naroon naman ang isang lalaki. Tahimik na nagmamasid sa pangyayari. Hinabol lamang nito nang tingin ang papalayong kotse ng babae. Matapos maiwang mag-isa ay sumakay na din siya sa sariling kotse at lumabas na din ng sementeryo.
Habang nagmamaneho ang lalaki, ay nahulog na muli ang kanyang pag-i isip sa maraming katanungan. At dahil doon, may naisip din siyang paraan at sariling hakbang kung paano mabibigyan ng sapat na solusyon ang lahat ng bagay na naglalaro sa isipan niya. Kailangan niyang kumilos, kailangang hindi siya maunahan ng iba. Kailangang mapigilan niya ang masasamang balak ng babae kung meron man.
💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy.. Narito ang kaabang-abang na kuwento mula pa rin sa paborito nating loveteam-"Borj and Roni"... Hope you'll enjoy this one and i hope na sana kiligin kayo😜Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!
Proud StefCam fan💖
BINABASA MO ANG
*A Man With A Black Leather Jacket*
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol pa rin sa paborito nating "Borj and Roni". Buong puso kong inihahandog ang kwentong ito sa lahat ng aking followers. Thank you so much guys for your support. Naiiba ang kwentong ito guys.. Sana lang magustuhan ninyo.. 🤗