"Ako si Tenyente Jimenez ng Intelligence Unit.Pinsan ko sina Jerome at Lyka.Magkapatid ang mga nanay namin."walang gatol na sagot ni Borj.Sa pagkakataong iyon ay lumabas na nga ang totoong personalidad ni Borj bilang isang pulis .Maawtoridad at matapang sumagot, bagay na dapat taglayin ng isang mahusay at matapang na pulis.
Ngayong kilala na niya si Borj.Maaari na siyang magtanong tungkol sa mas marami pang bagay na noon pa niya hinahanapan ng sagot.
" Tenyente..Kung ikaw ang humawak sa kaso ni Jerome, sabihin mo nga sakin, bakit nila pinatay ang lalaking mahal ko?" Direkta ring tanong niya.
Umayos ng kinauupuan si Borj saka matapat na nagsalaysay ng kuwento.
" Sa ibang lugar ako naka assign noon.Hanggang sa nabalitaan ko ang pagkamatay ni pinsan.Dahil dun, nagdesisyon akong magpalipat.Advantage 'yun dahil hindi ako kilala sa lugar ninyo.Nagkaroon kami ng lead.May nakapag tip na si Tommy ang naghahawak ng isang malaking grupo ng sindikato sa lugar ninyo.Kaya naisipan kong mag undercover nung ibinigay sakin ang kaso ng pagpatay sa pinsan ko."mahabang salaysay ni Borj habang nakatitig sa mga mata niya.
" Scripted ang lahat Roni.Planado..Mula sa simula pa lang na magkita tayo..Ang pagtira ko malapit sa bahay mo.. hanggang sa dukutin ka.. bahagyang tumigil sa pagsasalita si Borj at seryoso pa ring nakatitig sa mga mata niya.
"Napasok ko ang grupo ni Tommy.Noon pa lang alam ko na ang maitim na plano nila sayo.Gusto ka niyang makuha, dahil gustong-gusto ka ng loko..."kwento ni Borj.
"Kaya ba pinatay nila si Jerome.?."agad na tanong niya.
Umiling-iling si Borj.
"Ang totoo Roni,, sangkot si pinsan sa sindikato ng droga ni Tommy. Nung pinilit niyang kumalas sa grupo para magbagong buhay para sayo,,Iniutos niya ang pagpatay kay pinsan para wala ng magiging problema kung sakaling kumalas na nga siya.Alam ko ang lahat ng nangyari, pero hindi niya nabanggit na may banta ang buhay niya..Kaya...kaya hindi ko man lang siya naproteksyunan..."halata sa tinig ni Borj na may bahid iyon ng kalungkutan.
Malungkot din siyang nakikinig habang unti-unti ay inuunawa ang lahat ng ipinaliliwanag sa kanya ni Borj.
"Nung minsang magkita kami ni Tommy sa tindahan mo.Magkakilala na kaming dalawa.Ang utos niya sakin, kailangan kong mapalapit sayo para malaman niya ang mga kilos at galaw mo nang sa ganun..madali ka na nilang makukuha.."saglit na tumigil sa pagsasalita si Borj .
" Paano nila pinatay si Jerome?"--naisingit na tanong ni Roni.
" Nasa bahay si Jerome noon nang itumba siya ng mga tauhan ni Tommy.Pagkatapos nilang tiyakin na patay na si Jerome, saka sila gumawa ng paraan para mapapunta ka sa bahay niya.At dahil dun, ikaw ang napagbintangan hindi ba?"
Natahimik si Roni.Muling nanariwa sa isipan niya ang mga pangyayari Hanggang sa muling nabuhay at rumehistrong muli sa isipan niya ang nakakalat na sariwang dugo sa paligid nang walang buhay niyang nobyo.
Habang umiiyak ay nagdatingan ang mga pulis upang mag-imbestiga sa mga pangyayari. At dahil siya lamang ang tanging naroon sa pinangyarihan ng krimen, siya ang naging pangunahing suspect sa pagkamatay ng nobyo.
Hindi alam ni Roni na nangingilid na pala ang luha niya.Ngayon ay alam na niya ang buong pangyayari sa pagkamatay ni Jerome.
Nalulungkot man siya subalit kailangan na rin niyang tanggapin na wala na talaga si Jerome at hindi na niya maibabalik pa ang buhay ng dating kasintahan.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Tahimik at direktang nakatingin sa mga mata niya si Borj. Naghihintay pa siya ng iba pang sasabihin nito subalit, nanatiling tahimik lang ito.
"Bakit hindi mo sinabi sakin ang mga plano para napaghandaan ko?"walang gatol na wika niya sa lalaki.
Muling humigop ng kape ang pulis saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Alam mo kasi Roni.May mga bagay na gustuhin mo mang aminin o sabihin sa isang tao, hindi mo magagawa.Pipiliin mo pa ring manahimik na lamang dahil hindi pa napapanahon para malaman nila kung ano 'yung totoo" seryosong paliwanag sa kanya ni Borj.
Natahimik si Roni.Hindi niya malaman kung may nais bang ipakahulugan ang mga salitang 'yun ng pulis o siya lang ba talaga ang nag-iisip na may iba pa yung kahulugan.
"Roni, pwede bang ako naman ang magtanong sayo?"
Pormal na tanong sa kanya ng lalaki.Kahit naiilang ay pinilit niyang nginitian at tumango sa kausap.Nangangamba siya sa mga bagay na maaaring itanong nito sa kanya.Bahagi pa rin iyon marahil ng tungkulin nito.
"S-sige..Ano bang gusto mong malaman?" Pagtatapang-tapangan niya.
"Gusto ko lang sanang malaman kung..kung bakit sinalo mo 'yung bala na dapat ay para sakin" --seryosong tanong ni Borj sa kanya.
" G-gusto kitang tulungan. Kahit naman siguro sino pwedeng gawin 'yun di ba!" --naiilang na sagot niya.
Hindi niya magawang tingnan ng direkta sa mata ang lalaking pagkaguwapo gwapo sa paningin niya.
Halatang hindi kumbinsido si Borj sa naging sagot niya.Ganunpaman ay nanahimik na ito at hindi na nagsalita pa.Uminom na rin ito ng tubig at naglabas na ng pera bilang kabayaran sa lahat ng gastos nila.
Maya-maya ay bumalik na muli sa sariling upuan si Lyka.Maluwang ang ngiti nito at muli ay umiral na naman ang taglay na kataklesahan nito.
"Tapos na ba kayong mag-usap.Ha ate Roni, Kuya Borj.Ano na?" Tanong ng dalaga sabay halinhinan na lumilingon sa kanilang dalawa.
"Ahm..Ok na Lyka.Naikwento na ni Teniente Borj sakin ang lahat. Sige ha.Mauna na ako pag-uwi.Baka hinihintay na ako ng Tiya Elena ko eh.Salamat sa oras ninyo"naiilang na pamamaalam niya sa dalawa.
Tumayo na siya sa kinauupuan at tuluyan ng tumalikod.Dahan-dahan niyang tinungo ang labasan ng coffee shop na iyon. Paglabas niya sa may pintuan ay muli siyang nakarinig ng isang boses mula sa kanyang likuran.
"Can i offer you a ride?" Narinig niyang banggit ng pamilyar na boses.
" Ok lang.Huwag ka ng mag-abala.Sobrang-abala na nga ang ginawa ko sayo ngayon eh"patuloy siyang naglakad para maghanap ng masasakyang pampasaherong dyip.
" Gusto mo bang bumisita kay Jerome?Sasamahan kita?"narinig niyang aya sa kanya ng makulit na pulis.
Muli siyang lumingon sa lalaki.
" Please, i insist" dugtong pang muli nito.
" Paano pa ba ako makakatanggi sa makulit na kagaya mo?Sige, samahan mo ako kay Jerome"
At hindi na nga nagpakipot si Roni.Agad siyang sumakay sa kotseng binuksan ni Borj.
Kung noon, hindi pa man niya gaanong kilala si Borj.Kahit paano ay pinili niyang pagkatiwalaan si Borj kahit hindi masasabing buong pagtitiwala yun.Ngayon pa ba siya magdadamot ng tiwala sa lalaki ganung kilala na niya ito bilang mahusay na alagad ng batas at kanyang tagapagligtas.Isa pa, pinsan ito ni Jerome..Ang unang lalaking pinakamamahal niya subalit tinampalasan ng mga walang kaluluwa at pusong tulad ng grupo ni Tommy.
Tahimik lamang silang dalawa sa loob ng kotse, at muli namagitan sa kanila ang nakakabinging katahimikan at walang nagtangkang bumasag ng katahimikang yun hanggang makarating sila sa puntod kung saan nakahimlay si Jerome.
Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!
Proud StefCam fan💖
BINABASA MO ANG
*A Man With A Black Leather Jacket*
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol pa rin sa paborito nating "Borj and Roni". Buong puso kong inihahandog ang kwentong ito sa lahat ng aking followers. Thank you so much guys for your support. Naiiba ang kwentong ito guys.. Sana lang magustuhan ninyo.. 🤗