Hindi malaman ni Roni ang gagawin.Natataranta na siya.Sinimulan niyang hagilapin ang kanyang mga gamit at magpasyang umuwi na lamang.Mabilis niyang hinagilap ang dalang bag,payong, basket na paglalagyan niya ng pinamili.Halata sa kilos niya ang pagkataranta.At hindi iyon nakaligtas sa mapanuring mata ni Borj.
"Aalis ka na ba?" Kaswal na tanong ng lalaki.
"Uuwi na ako, baka kasi abutin ako ng ulan?" Sagot niya na hindi man lang magawang tumingin ng direkta sa mata ng kausap.
"Can i offer you a ride?" Narinig niyang alok ng binata.
"No thanks.Maabala ka lang.Bye" at tumalikod na siya na hindi pa rin nililingon ang kausap..
"Can we talk?" Muli niyang naramdaman ang mainit na palad ni Borj na humawak sa kanyang braso para pigilan siyang umalis.
Pakiramdam ni Roni.Na corner na siya ng binata.Wala na siyang magagawa para tumanggi.Gustuhin man niyang umiwas, pinipigilan siya ni Borj at ramdam niya na pinipigilan din siya ng kanyang utak at puso.
"B-baka kasi abutin ako ng ulan eh" nauutal na depensa niya sa lalaki.
Bahagyang naupo si Borj sa puntod ni Jerome at sinindihan ang kandilang bitbit nito.
"Nandiyan lang naman sa tabi-tabi yung kotse ko, ihahatid na lang kita" wika ng gwapong pulis habang nagsisindi ng kandila.
" S-sige..i-ikaw ang bahala" nauutal na wika niya.
Habang nagsisindi ng kandila ang lalaki.Noon niya muling napagmasdan si Borj.Bakit ba napakagwapo ng lalaki.Very neat pa sa katawan.Napakaporma at napaka lakas ng appeal tingnan sa suot nitong black leather jacket.
Hayyy..Ang sarap sigurong sumandal sa malapad na dibdib ng lalaki.Ang sarap sigurong magpakulong ng yakap sa mga braso nito.Ang sarap amoy-amuyin ng pabangong ginagamit ng lalaki.Nakakatuliro.Lalaking-lalaki kasi ang dating ng kanyang lihim na iniibig.
Abala pa siya sa pagmamasid sa lalaki nang bigla nang tumayo ito at muli ay hinarap siya.
Iniabot sa kanya ang bulaklak na kanina pang dala-dala.
Naiilang pa siyang tanggapin 'yun.Para sa kanya ba 'yun o para kay Jerome..Badtrip..."Para sa akin ba ito?" Naiilang na tanong niya sa gwapong pulis.
Nakita niya ang marahang pagtango ni Borj.
"Salamat" tanging nasabi niya dito.
Pumagitna na naman ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.Walang balak magsalita si Roni, habang naghihintay naman si Borj nang sasabihin ng babae.
Marahil ay nainip na ang binata kaya minabuti nitong siya na lamang ang magbukas ng mapapag-usapan.
"May gusto kang sabihin sakin di ba, Roni" bungad nito sa usapan.
Lumingon ito sa kanya at nangungusap ang mga matang tila nakikiusap na sabihin na niya ang gusto niyang sabihin noon pa.
Bahagyang umiwas ng tingin si Roni.Kailangan niyang muli ng panibagong lakas ng loob upang maipagtapat sa lalaki ang tunay niyang nararamdaman.
"Jerome...Pinsan..Ang swerte mo.Nagmahal ka ng isang babae na talagang mahal na mahal ka.Pero, may sasabihin daw siya sakin ngayon.Anuman 'yung sasabihin niya, sana maging masaya na lang tayo.Kaya sana sabihin na niya" narinig niyang wika ni Borj sa puntod ni Jerome.
"Mahal kita Borj!" Hindi alam ni Roni kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para masabi nang bigla-biglaat direkta ang salitang yun sa binata.Walang kagatol-gatol na nawika niya iyon sa binata.Pero, salamat, sa wakas nasabi na niya ang tatlong salitang 'yun na matagal na niyang gustong aminin sa lalaki.
BINABASA MO ANG
*A Man With A Black Leather Jacket*
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol pa rin sa paborito nating "Borj and Roni". Buong puso kong inihahandog ang kwentong ito sa lahat ng aking followers. Thank you so much guys for your support. Naiiba ang kwentong ito guys.. Sana lang magustuhan ninyo.. 🤗