Chapter 8

165 21 0
                                    

"Oh, Roni,iha,eto ang pinaluto mo oh" --sabay abot ni Mang Kanor sa pinaluto niyang paa ng manok.

"Ay salamat po.Naku, namiss ko po ito." --maluwang ang ngiting saad niya sa nakangiti ring matanda.

"Teka,Roni, matanong ko lang sayo,Bakit hindi mo yata kasama si Borj ngayon?" -ungkat ng matanda.

Natahimik ang dalaga.Hindi agad siya nakahagilap ng sasabihin  dito.

"Kung sabagay, iha,mabuti na rin 'yung nag-iingat ka kay Borj. Sa panahong ito, napakahirap magtiwala sa tao.Kaya, maipapayo ko lang sayo, huwag ka ngang masyadong magtitiwala agad-agad" -natahimik lang si Roni. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.Maging siya man ay nahihiwagaan sa kilos at anyo ni Borj. Hindi niya lubusang kilala hanggang ngayon si Borj.Si Borj kasi ang taong hindi pala kuwento ng buhay pero napakahusay mag-ungkat tungkol sa buhay ng may buhay.Mailap din kapag tinatanong tungkol sa personal na buhay si Borj.Kahit, nararamdmaan naman niya na gusto rin ng binata na magkwento at maglahad ng istorya ng buhay nito sa kanya, bigla na lang itong tatahimik at tuluyan nang iiwas sa usapan.

"Ahm..Roni..nahihiwagaan talaga ako kay Borj." -nagulat siya ng muling magsalita ang matandang lalaki.Subalit, mahina at halata ang pag-iingat sa tinig nito.

" Araw-araw, sinusundo at inihahatid ng itim na van si Borj. Hindi naman natin alam kung sino ba 'yung sumusundo at naghahatid sa kanya. Kanina ko lang yata nakitang bumaba ng pampasaherong jeep yun eh.Tapos, nagmamadaling naglakad pauwi.Dati-rati naman eh,tumatambay pa 'yun dito."--dugtong pang kwento ni Mang Kanor sa dalaga.

Napahugot nang buntong-hininga si Roni.Lubos na naging palaisipan sa kanya kung ano at sino nga ba si Borj.Buong akala niya, siya lang ang tanging nahihiwagaan sa pagkatao ni Borj.Pero habang tumatagal, dumarami ang tanong sa isipan niya tungkol sa lalaki. At napupuno na rin ang puso at isipan niya ng mga pagdududa na maaaring hindi talaga mabuting tao si Borj.Na para bang may itinatago itong sekreto. Na may ginagawa itong hindi maganda.Pero sa lahat ng iniisip niya tungkol sa lalaki, bakit pinipili pa rin niya ang mapalapit sa binata.Kahit alam niyang may babaeng nagbigay ng jacket dito na malamang na malapit sa puso ng lalaki.

Matapos niyang kumain at uminom ng malamig na softdrinks ay tumayo na siya at muling humarap kay Mang Kanor.

"Salamat po Mang Kanor sa mga paalala ninyo.Salamat din po sa masarap na paa ng manok" at pinilit niyang ngumiti sa matanda.

Iniabot sa kanya ng matanda ang ilang inihaw na pina take-out niya.

Nagsimula na nga siyang maglakad palayo sa tindahan.Nagsimulang maglakad patungo sa bahay nila.Kahit mag-isa lang siya, hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang magmadali.Mas pinipili niyang isipin ang mga sinabi ni Mang Kanor sa kanya tungkol kay Borj. Hindi pa naman kalaliman ng gabi, subalit iilang tao na lang ang nakikita niyang naglalakad sa kalsadang dinadaanan niya.Malamlam ang liwanang ng ilaw na tumatanglaw sa lugar na 'yun. Dahil nakasanayan na ni Roni ang lugar, hindi na siya natatakot mag-isang maglakad pa.

Patuloy siyang nahulog sa pag-iisip.Si Borj pa rin ang tumatakbo sa isipan niya. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nararamdaman niya para sa binata. May espesyal na yata siyang pagtingin para sa lalaki.Dahil sobra-sobra siyang nasasaktan, sa lahat ng negatibong bagay na naririnig niya tungkol dito. Humaplos ang lungkot sa puso ni Roni.Naalala na naman niya ang mapait na kahapon sa buhay niya.Ilang taon na nga ba ang lumipas nang iwan siya ng boyfriend niya.Walang kasingsakit ang naranasan niya sa panahong iyon. Buong akala niya, hindi na siya makakawala sa malungkot na mundong iyon .Hanggang makilala niya si Borj.Kaya lang, wala namang magandang kwento tungkol sa kanilang dalawa. Si Borj, parang may nais ipahiwatig sa kanya.Ang problema, hindi niya magawang aminin sa lalaki ang nararamdaman niya dito dahil natatakot siyang pagkatiwalaan ang lalaki.Paano nga ba kung hindi talaga mapapagkatiwalaan si Borj?Paano kung masamang tao ang lalaki gaya ng iniisip ng nakararami sa lugar nila.

Patuloy siyang naglalakad habang abala sa pag-iisip.Ilang hakbang na lang at nasa bahay na siya.Subalit, hindi niya inaasahan ang susunod na mangyayari.

Naramdaman niya ang isang mahigpit na pagkakayakap ng isang nilalang mula sa kanyang likuran. Mahigpit nitong inilagay mula sa kanyang bibig at ilong ang isang puting panyo na may nakalagay na hindi niya maipaliwanag kung ano ang amoy.Hanggang sa unti-unti na siyang nakakaramdam ng labis na pagkahilo .Ang sumunod na pangyayari, hindi na niya namalayan pa dahil tuluyan nang nawala ang kanyang kamalayan .

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Bumalik ang kamalayan ni Roni.Nagising siya at tahimik na inoobserbahan ang paligid.Hindi niya alam kung nasaan siya.Subalit, maganda at malinis ang silid na kinaroroonan niya.Tinangka niyang tumayo.Noon niya napagtanto na nakatali pala ang mga paa at kamay niya.Sumikdo ang matinding kaba sa dibdib niya.

"Oh My God, nasaan ako???" --takang tanong ni Roni sa sarili.Nagsisimula na siyang mataranta.Wala siya sa abandonadong gusali.Natitiyak niyang maayos ang lugar na kinaroroonan niya sa hitsura pa lang ng silid na 'yun.Nataranta na si Roni. Nanlalambot siya sa labis na takot.

Nasaan siya??? Paano kung patayin siya?Kidnap with ransom ba ito??Paano kung gagahasain pala siya tapos icha chopchop..Samu't saring emosyon at negatibong imahinasyon ang laman ng utak niya.Kaya halos ikamatay na niya ang mga isiping 'yun.

Walang ano-ano ay bigla na lang siyang sumigaw para humingi ng tulong.

"Tulong...Parang awa ninyo na..Tulungan ninyo ako" Halos naiiyak na wika ni Roni habang sumisigaw. Marahil ay gabi pa din dahil tahimik pa rin ang paligid.Maya-maya ay mabilis na bumukas ang pintuan ng silid.

Nakatanaw si Roni ng pag-asang may tutulong at nakarinig sa hinaing niya.Subalit, mas tumindi lang ang kanyang takot ng isang lalaki ang pumasok. Gwapo ang lalaki. May kaputian at katangkaran.Subalit, alam niyang hindi ito mapapagkatiwalaan dahil sa nakita niyang nakasukbit na baril sa bewang nito.

"Sino ka?Nasaan ako?Parang awa mo na,tulungan mo akong makaalis dito" diretsang pagmamakaawa niya sa lalaki.

Subalit, isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki.Lumapit ito sa kanya habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa.

Gusto na yata niyang mahimatay sa sobrang kaba.Takot na takot na talaga siya pero sinusubukan niyang magpakahinahon para makaisip ng paraan kung paano siya makakaalis sa lugar na iyon.

"Totoo pala ang sinasabi nila.Napakaganda mo,Roni" sabay hawak at haplos nito sa pisngi niya.

Nagpumilit siyang kumawala sa pagkakahawak ng lalaki sa pisngi niya.Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki kaya lalo siyang nataranta.

"Huwag please.Maawa ka sa akin.Anuman yung iniisip mo o balak na gawin sakin,pwede naman natin yung pag-usapan eh,huwag lang ngayon .saka huwag dito.." -kunwa'y palusot niya sa lalaki na dikit na dikit na ang katawan sa kanya.

Napasigaw siya ng tangkain ng lalaki na halikan siya.Nagpupuyos siya at nagpumiglas.Sumigaw siya nang malakas sa pag-asang may makakarinig at dudulog sa kanya ng tulong.

"Tulungan ninyo ako" natatarantang sigaw niya habang pilit na kumakawala sa masamang intensyon ng lalaki.

Maya-maya ay mabilis na bumukas ang pintuan at iniluwal doon ang isang nakatiim-bagang na lalaki.Sa lahat ng tao, hindi niya inaasahan na makikita niya ang lalaking yun sa ganitong pagkakataon.Nagulat siya ng bigla nitong pukpukin ng baril sa likuran ang lalaki na nagtatangkang halikan siya . At noon lang niya nausal ang pangalan ng lalaking tumulong sa kanya nang matumba at mawalayan ng malay ang manyakis na lalaki.

"Borj" halos maiyak na wika niya habang nakatitig sa gwapong mukha ng lalaki.Hindi na niya napigilan ang pagdaloy nang mga luha sa kanyang pisngi dahil sa wakas, nakatanaw na siya ng pag-asa na makakaalis na siya sa lugar na iyon....

Pero ang tanong....Kakampi nga ba si Borj???

Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!

Proud StefCam fan💖

*A Man With A Black Leather Jacket*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon