Kasalukuyang nagmumuni-muni si Borj sa kanyang sariling silid.Nakataas ang dalawang paa nito sa mesa habang asbok ang sinindihang sigarilyo. Sa isang kamay ay may hawak na maliit na bote ng beer.Nakatulala siya sa kisame at tila may malalim na iniisip.
Sa oras na iyon, malakas na ring ng kanyang personal na telepono ang gumambala sa kanyang pag-iisip.
Agad niyang tiningnan kung sino ang tumatawag.Nag-alinlangan siya kung dapat ba niyang sagutin ang tawag na iyon.
Pinabayaan lamang niyang mag ring ang kanyang telepono habang nakapatong ito sa mesa.
Hanggang sa dumating ang pangalawa, pangatlo, at pang-apat na tawag.Hindi na niya natiis ang kakulitan ng caller.Naiinis niyang dinampot ang telepono at saka nanggigigil na sumagot.
"Hello dear Borj" malambing na boses iyon ng isang babae.At nag-usap sila tungkol sa ilang importanteng bagay.Kung anuman 'yun malalaman natin 'yun sa huli.
💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓
Iba ang mood ni Roni sa umagang 'yun.Maaliwalas ang kanyang ngiti.Magaan ang kanyang pakiramdam.Inilugay niya ang mahaba at makintab niyang buhok na dati'y lagi na lang nakapusod.Inalis niya ang sumbrerong madalas niyang suot sa ulo.Ang maluwang na t-shirt na lagi niyang suot ay naging isang sleeveless na ngayon.Ang maong pants na madalas niyang suot ay naging isa na ngayong short.Kung dati-rati ay hindi siya marunong magpahid ng pulbo at lipstick , ngayon ay sinadya niyang maglagay ng kaunting pampaganda sa mukha.Bumaba na siya sa kanyang silid upang magbukas ng tindahan.Nagulat ang kanyang Tita Elena nang makita siya sa panibagong anyo.Takang-taka ito nang makita si Roni."Oh,Roni ikaw ba yan,anong nangyari sayo" kunot-noong tanong ng tita niya.
Maluwang na ngumiti si Roni.
"Bakit po Tita, hindi ba bagay sakin?" Curious na tanong naman niya.
Saglit na pinagmasdan siya ng kanyang Tiya Elena at maya-maya ay maluwang itong napangiti.
"Natutuwa naman ako Roni at bumalik ka na sa dati" mahinang wika ng kanyang tiya.
"Na realized ko po kasi na matagal na din naman pong nangyari 'yung bangungot sa buhay ko, baka kailangan ko na rin pong ayusin 'yung buhay ko ngayon,magsimula nang panibago.Baka sakaling mas magiging panatag na ako.Di ba Tiya?"Seryosong wika niya habang titig na titig sa kausap.
" Very Good Roni,that's nice"halos maluha-luha ang kanyang tiya na yumakap at lumapit sa kanya.
Siya man ay tila nakatagpo ng kapanatagan ng kalooban sa umagang 'yun.Parang sobrang gaan na ng kanyang kalooban.
Lumabas siya ng gate upang magbukas ng tindahan.Nagulat siya kung sino agad ang kanyang nabungaran.Naroon si Borj.Nakasuot na naman ng black leather jacket, at may sumbrero pa .Ang sarap-sarap titigan ng lalaki para sa kanyang paningin.Para itong action movie star sa isang pelikula.Naaalala tuloy niya ang isang palabas sa telebisyon na paboritong panoorin ng kanyang tiya Elena."Ang Probinsyano" dahil gwapong-gwapo ito kay Ricardo Dalisay.At siya naman, sa oras na 'yun gwapong-gwapo kay Borj Jimenez.
Pareho silang natigilan nang magtagpo ang kanilang mga mata sa sandaling 'yun.Pero mabilis bumawi si Roni.Binubuksan na niya ang tindahan kahit wala naman siyang mahagilap na sasabihin.Hindi niya alam kung bakit nanginginig ang kanyang mga kamay habang binubuksan ang padlock ng tindahan.
Napansin niyang tahimik na nakatingin lang sa kanya si Borj.Kaya nang mapagtagumpayan niyang buksan ang padlock, naisipan na niyang kausapin ito.
"Oh, Borj.Ang aga-aga mo naman yata.Mukhang may lakad ka ah" Bati niya sa lalaki.
Lumuwang ang ngiti ng lalaki nang mapansin niya.
"Hi Roni, ahm...Mukhang may kakaiba sayo ah" nakatawang saad nito.
Ngumiti lang si Roni pero hindi siya nagsalita.
"Mas bagay pala sayo kapag nakalugay yang buhok mo.Mas maganda" Titig na titig si Borj sa mukha ni Roni at seryoso na ang mukha nito.
Hindi alam ni Roni, kung bakit pagkailang sa binata ang naramdaman niya.Pero, hindi niya maitatanggi na parang kinikiliti ang kanyang puso sa tuwing makikita niya pa lang si Borj lalo na ang napakagandang ngiti nito.
"Ang swerte siguro ng naging boyfriend mo no.Kaya lang malaking gago siya, kasi pinabayaan lang niyang maiwan ang isang ganitong kagandang babae" wika pang muli ni Borj.
Napalingon si Roni sa lalaki kahit noon ay abala sa pag-aayos ng kanyang paninda.
"Borj, may bibilhin ka ba?Ang aga-aga kasi nagbobolahan tayo" basag naman niya sa mga banat ni Borj.
Saglit na natahimik si Borj.Pero maya-maya ay muling lumapit sa dalaga.
"Hindi ako nambobola Roni.Maganda ka talaga.At heto ang sasabihin ko sayo ,"at inilapit pa nito ang mukha ng binata sa mukha niya.Seryoso at titig na titig ang lalaki sa mga mata ni Roni.
"Patimpla nga ng kape" wika ni Borj.Laking pagkadismaya ni Roni sa narinig.Buong akala pa naman niya, may magandang sasabihin si Borj.Ipinagtitimpla na niya si Borj ng kape . At muli ay namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa.
Nasa ganun silang sitwasyon nang may biglang tumigil na magarang kotse sa harap ng tindahan ni Roni.Mula doon ay bumaba ang isang makisig at matikas na lalaki.
"Hi Roni" walang ano-ano ay bati nito.Sabay silang napalingon ni Borj sa pinagmulan ng tinig.
"Hi" matipid niyang sagot sa bagong dating na lalaki.
Nadidismayang lumayo nang bahagya si Borj sa dalaga.Subalit pinili nito ang manatili sa tindahan, upang mapakinggan at malaman ang sadya ng lalaki kay Roni.
"Roni, labas naman tayo.Ang tagal na kitang niyaya, kakain tayo sa labas, magsa shopping tayo.Basta pupuntahan natin ang lahat ng lugar na gusto mong puntahan" sa huli ay nahihimigan niya na may ibang kahulugan ang sinasabi ng lalaki.
May pagka presko din kasi si Tommy, palibhasa ay mayaman.Matagal na rin itong nagpapalipad-hangin sa kanya hindi nga lang niya pinapansin.Wrong timing naman ang damuhong lalaki na ito.Kung kelan nagmomoment sila ni Borj, saka naman may pagpasok sa eksena.Gigil na bulong niya sa sarili.
"Ang ganda-ganda mo talaga Roni, kung sasagutin mo lang ako,Hindi kita hahayaang maburo sa loob ng tibdahan na ito.Sa bahay,ikaw ang magiging prinsesa" mayabang pang turan nito sa dalaga at ang lahat ng sinasabi nito ay hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Borj.
" Hay naku, Tommy.Ang aga-aga naman niyang mga banat mo.Nag-almusal ka na ba?baka gutom lang yan?"
Hirit naman niya sa hambog na lalaki." Kung ako sayo Roni, ako na lang ang sagutin mo.Huwag ka ng tumingin sa iba diyan"Mayabang na wika muli ni Tommy .
Biglang kinabahan si Roni.Dahan-dahan siyang lumingon kay Borj.Abala naman ito sa cellphone kaya hindi niya alam kung naririnig ba nito o naiintindihan kaya ang pinagsasabi ng mayabang na si Tommy Boy.
" Ah...Tommy, pwede bang bumalik ka na lang sa ibang araw kasi, madami pa akong ginagawa.May kukunin pa kasi ako sa loob ng bahay."
Iniabot na ni Roni ang tasa ng kape kay Borj at walang paalam na lumabas muna ng tindahan at pumasok sa loob ng bahay.Nasira kasi ang magandang mood niya dahil kay Tommy.
Naiwan sa tindahan ang nagkakapeng si Borj.Ilang sandali pa ay narinig na muli ang papalayong sasakyan ng mayabang na si Tommy.
Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!
Proud StefCam fan💖
BINABASA MO ANG
*A Man With A Black Leather Jacket*
Fiksi PenggemarAng kwentong ito ay tungkol pa rin sa paborito nating "Borj and Roni". Buong puso kong inihahandog ang kwentong ito sa lahat ng aking followers. Thank you so much guys for your support. Naiiba ang kwentong ito guys.. Sana lang magustuhan ninyo.. 🤗