"Hindi mo pala kaano-ano or kakilala 'yung namatay...so..Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Borj nung naglalakad na sila. Nahihiya niyang tiningnan ang lalaki na noon din ay nakatingin din pala sa kanya.Nahiya tuloy siya at labis na nailang nang magtagpo ang kanilang mga mata.Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at humugot na lamang ng malalim na buntong-hininga.
Naupo siya sa isang bangko na naroon.Naramdaman niyang tumabi si Borj sa kanya.Muli niyang nilingon ang lalaki.Oras na ba para magtapat sa lalaki???Iyon na ba ang tamang oras na pinakahihintay niya para maipaalam dito na minamahal din niya ng totoo ang lalaki.Magiging masaya ba ngayon si Borj kung sakaling malalaman nito ang kasagutan niya sa itinatanong nito noong isang gabi na magkausap sila. Mapapasaya nga ba niya si Borj, sa desisyon niya?
Saglit na tumahimik si Roni. Nag-iipon ng lakas ng loob. Bumubuwelo ng tamang pagkakataon.
Bumuo siya ng desisyon sa sarili.Tama.Dapat nang malaman ni Borj habang hindi pa huli ang lahat.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin upang tingnan muli ang lalaki.
Haissst..Nakakakiliti talaga ng puso sa tuwing tititigan niya ang lalaki.Napakaekspresibo kasi ng mga mata nito.Sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga mata, aminado siyang nawawala siya sa konsentrasyon.
Subalit, sa pagkakataong iyon, nilabanan niya ang nakakabaliw na titig na 'yun ng lalaki.Hanggang sa wakas nagawa na niyang magsalita.
"Ahm..Borj, may sasabihin sana ako sayo" mahinang bungad niya.Subalit laking pasasalamat niya dahil sa wakas, nagawa na niyang magpanimula.
"Ano 'yun Roni" tugon naman nito.
"Actually,noong isang gabi ko pa sana sasabihin sayo ito, nung magkausap tayo kaya lang....nalowbat 'yung phone ko eh" sandaling tumigil si Roni sa pagsasalita.Patuloy siyang humuhugot ng lakas ng loob.
Muli siyang humugot nang malalim na buntong hininga upang muling magsalita.Nang wlaang ano-ano ay....
"Kuya Borj" malakas na sigaw muli ng isang babae.
Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng tinig.Si Lyka na naman at patakbong lumapit sa kanila.Hangos na hangos ito.
"Hi ate Roni" nakangiting bati nito nang makalapit na sa kanilang dalawa.
"Kuya Borj, nandiyan na si Mike.Nakiusap ako na sunduin ka na para makapagpahinga ka na sa bahay.Pero pwede ba Kuya ngayon na kasi baka malate yun. May pupuntahan kasi 'yung meeting."pagsusumamo nito sa pinsang pulis.
"T-teka Lyka, nag-uusap pa kasi kami ni Roni eh" tutol nito sa suhestiyon ng babae.
" Ate Roni, sumama ka na sa amin.Sa kotse na kayo mag-usap.Sige na Kuya Borj, nandiyan na si Mike kesa naman bumayad pa tayo.Halika na" pangungulit pa ni Lyka.
" Lyka, pauwiin mo na yang boyfriend mo at babayad na lang ako ng taxi, ok"sambit ni Borj na halatang naiirita na.
" Kuya naman.Pinilit ko nga lang mapakiusapan si Mike na sunduin ka eh.Tapos hindi ka naman sasakay.Nakakahiya naman sa tao" maktol ni Lyka.
Saka lang nahimasmasan si Roni sa nangyayari.Hindi pa talaga marahil ito ang tamang panahon para masabi niya sa lalaki dahil meron pa talagang hadlang sa pag-uusap nila.
Tumayo na lamang siya at nagpaalam na lang.
"Ahm..Borj..Lyka..Mauna na akong umalis sa inyo ha.Dadaan pa kasi ako sa palengke eh.Marami pang pabili si Tiya Elena"
"Pero Roni, may sasabihin ka pa?" Seryosong wika ni Borj na hindi maipinta ang mukha sa pagkakataong iyon.
" Borj, marami pa namang pagkakataon.Sige ha.Magpagaling ka" at muli niyang sinulyapan ang bahaging braso ni Borj na may sugat.
Tumalikod na siya sa magpinsan at lumakad palayo.
Naiwan sina Borj at Lyka.Naiiling na tumingin si Borj sa pinsan saka dismayadong naglakad palabas na ng ospital...
💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖Hindi makatulog si Borj nang gabing 'yun. Bukod sa kumikirot ang sugat sa kanyang braso, ay hindi niya magawang iwaksi sa isipan si Roni.Labis-labis ang kanyang kuryusidad tungkol sa gusto nitong sabihin sa kanya. Sasagutin na ba siya dapat ni Roni?May pag-asa na nga ba siyang masungkit ang matamis na oo ng dalaga?Kung hindi lang sana dumating si Lyka at nanira ng eksena, nalaman na sana niya ang gustong sabihin nito. Maya-maya, ay mag-isa siyang napangiti.Naaalala niya ang eksenang naganap sa loob ng ospital.Umiiyak si Roni dahil daw sa pag-aakalang siya ang namatay.Isa lang bagay ang napagtanto niya sa araw na iyon.Na kapag namatay siya, may isang babaeng iiyak sa kanya.At si Roni 'yun.
Hindi maalis sa mukha niya ang maamong mukha ni Roni.Punong-puno iyon ng kainosentehan.
Nagsindi si Borj ng sigarilyo at pinaasbok 'yun sa kawalan.Muli nitong kinuha sa wallet ang picture ni Roni na palagi niyang tinititigan kapag nalukungkot siya.Hindi maalis sa isip niya si Roni kaya minabuti niyang isipin na lamang ang dalaga hanggang dalawin siya ng antok.
Samantala, nagising si Roni mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nanlalamig ang buo niyang katawan.Napanaginipan niya si Jerome.Bagama't wala namang masamang pangyayari sa panaginip niya, hindi niya alam kung bakit pinagpapawisan siya ng malamig.
"Jerome" nasambit niya ang pangalan ng dating kasintahan habang butil-butil ang pawis ang nasa kanyang katawan.
Patuloy na rumerehistro sa isipan niya ang mukha ni Jerome.Hindi naman galit, hindi rin naman malungkot.Maaliwalas ang mukha ni Jerome sa kanyang panaginip.
Ano kaya ang nais ipahiwatig ng kanyang panaginip? Oh, baka naman, nais lamang ni Jerome na dalawin siya ni Roni.
Tahimik siyang nagdasal ng taimtim. Maya-maya ay muling nahiga sa kama at nangakong dadalawin na lamang sa libingan ang dating nobyo kinaumagahan.
Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!
Proud StefCam fan💖
BINABASA MO ANG
*A Man With A Black Leather Jacket*
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol pa rin sa paborito nating "Borj and Roni". Buong puso kong inihahandog ang kwentong ito sa lahat ng aking followers. Thank you so much guys for your support. Naiiba ang kwentong ito guys.. Sana lang magustuhan ninyo.. 🤗