Chapter 11

158 23 0
                                    

Makalipas ang ilang Linggong pamamalagi ni Roni sa ospital ay nakalabas na din siya at gumaling na rin ang sugat na sanhi ng tama ng baril, subalit ang sugat sa kanyang puso ay nanatiling malalim at sariwa na sanhi nina Borj at Lyka.

Naisipan niyang pumunta sa police headquarters sa araw na yun para makita at makausap si Borj.Marami siyang gustong malaman sa lalaki.

Kinakabahan siya habang binubuksan ang pintuan ng opisina ng pulisya.Tumambad nga sa kanyang paningin ang mga unipormadong pulis na nakaduty doon.Marahan siyang lumapit sa isang pulis na nasa help desk.Agad ngumiti ang pulis nang makit siya.

"Goodmorning Ma'am.Ano pong kailangan nila"magalang na tanong nito.

Pinilit din niyang ngumiti sa pulis at saka naglakas ng loob na sumagot sa tanong nito.

"Goodmorning hinahanap ko po kasi si...." Hindi agad niya maituloy ang sasabihin dahil nakaramdam siya ng pagkailang.

Naramdaman niya na may bumukas na pintuan sa may likuran na kinaroroonan niya.Hindi na siya nag-atubiling lingunin pa iyon dahil abala siya sa pakikipag-usap sa pulis na nasa kanyang harapan.

"Si..Teniente Borj Jiminez" pagpapatuloy niya.

Nagliwanag ang mukha ng pulis at makahulugan itong napangiti.

"Tamang-tama po pala Ma'am" at napatayo ang pulis na nasa harapan niya.

"Teniente Jimenez, may naghahanap po sa inyo, gusto ka daw makausap"
Wika ng pulis.

Nataranta si Roni.Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

OMG..nasa likuran lang niya si Borj.Kahit kinakabahan ay dahan-dahan siyang humarap sa lalaking tinawag na tenyente ng pulis na kausap niya kanina.

At sa wakas, hayun na nga si Borj. Nakatingin sa mga mata niya ang lalaki at maya-maya ay sumilay ang matipid na ngiti sa labi nito.

"Teniente Jimenez.Pwede ka bang makausap" --ani Roni sa gwapong lalaki na nakasuot pa rin ng black leather jacket.

"Ok..Coffee"
Hindi na nakapagsalita pa si Roni para tumutol sa binata.

Natagpuan ni Roni ang sarili sa loob ng isang coffee shop.Sa harapan niya, naroon si Borj at tahimik na umiinom ng kape.Tila nakikiramdam lamang ito sa kanya.Tunay na nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Maya-maya ay tumighim siya.Mukhang walang mangyayari sa tagpuan yun kung hindi siya maglalakas ng loob magbukas ng usapan.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at matapang na sinalubong ang mga nangungusap na mata ni Borj.

Aktong magsasalia na sana siya nang marinig ang isang malakas na pagtawag ng isang babae.

"Kuya Borj" boses ng babae ang narinig nila.Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng tinig.

Sa halip na mairita ay labis na pagtataka ang nangingibabaw sa kalooban ni Roni.Tama ba ang narinig niya?Tinawag ng babae na Kuya Borj ang lalaking kasama niya ngayon.Kung kaya't labis siyang nagtataka dahil ang babaeng tumawag ng Kuya Borj ay walang iba kung hindi si Lyka.

Mas lalong dumami ang magugulong tanong sa isipan ni Roni.Noon lamang niya namalayan na nakalapit na pala sa dako nila si Lyka.

"Hi Ate Roni.Mabuti naman at magaling na 'yung sugat mo.?" Muli ay dugtong nito habang tiningnan niya ang bisig na tinamaan ng bala sanhi ng pagkakabaril.

Hindi alam ni Roni kung dapat ba siyang maniwala sa sinasabi ng kausap.Wagas maka ate ngayon ang babaysot na ito samantalang natatandaan pa niya ang pagmumukha nitong galit na galit habang pinipisil ang baba niya sa harapan ni Borj.

Muli na naman ay umiral ang inis sa kalooban niya.Tama lang siguro ang huwag na lang magsalita o magbigay ng anumang komento ukol sa sasabihin ng kausap, dahil hindi rin naman niya gustong makausap ang babaeng ito.

"Pero, salamat sayo Ate Roni.Kasi sinalo mo 'yung bala..Ikaw tuloy ang tinamaan..Pero, tanong ko lang ha..Bakit mo ba sinalo 'yung bala na para sana kay Kuya Borj?" Tila makahulugang tanong ni Lyka sa kanya sinabayan pa ng mapanudyong ngiti at sulyap sa kanyang kuya Borj.

"Kuya Borj" --mahinang ulit niya sa sinabi ng kausap.

"Oo Ate Roni.Si Kuya Borj nga" --nangingiting wika muli nito.

" Teka..B-Bakit Kuya Borj???" --naguguluhang tanong niya muli sa kausap.Hindi na niya napansin ang angking kataklesahan ni Lyka dahil nangibabaw kay Roni ang labis na kuryosidad kaya mas gusto na lamang niyang magtanong ng magtanong kesa pansinin pa ang kadaldalan ni Lyka.

"Siyempre naman Ate Roni.Pinsan namin siya.Tapos mas matanda siya samin kaya Kuya ang dapat naming itawag sa kanya" paliwanag ng babae.

"Huh!" Nagulat na tanong niya.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.Sampal sa buong pagkatao niya ang katotohanan.Tamang hinala lang pala siya na maaaring magkarelasyon bilang magkasintahan sina Lyka at Borj.

"Ate Roni, wala ka bang gustong itanong samin?" -nakangiting saad ni Lyka na lalong gumaganda kapag tumatawa.

"Actally..M-marami" --tila wala sa sariling tugon niya.Halinhinan niyang tinapunan ng tingin ang mga kausap.Tahimik lang din si Borj at tila nakikinig lang sa usapan nilang dalawa.

"Sige ate Roni.Magtanong ka lang at sasagutin namin ni Kuya Borj hangga't kaya namin..Di ba Kuya??" nakangiting wika ni Lyka at marahang siniko pa ang pinsan nito.

Natahimik lang si Roni.Sa dami kasi ng nakapatas na tanong sa isipan niya,wala siya ngayong mahagilap sabihin.Kahit malaya na sana niyang malalaman ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng dati niyang nobyo na si Jerome at kung paano napasok si Borj sa grupo nina Tommy.

"Ate Roni, sige na.Kahit hanggang hapon tayo mag-usap ok lang sakin.Hindi naman magagalit si Kuya Borj."natatawang wika pang muli nito.

Saglit niyang pinag-isipan kung dapat nga ba niyang pagtiwalaan si Lyka tungkol sa mga bagay na gusto niyang malaman noon pa man.Simula sa isyu ng pagkamatay ni Jerome at kung paano nabuo ang mga plano ni Borj..Iyon ang pumasok sa isipan niya at naisipang itanong sa mga kausap.

Nakahanda na sana siyang nagsalita at magtanong kay Lyka nang bigla namang tumunog ang cellphone na hawak nito kaya naudlot ang pagtatanong niya sa makulit na dalaga.

"Wait lang Ate Roni ha..I have to pick this call.Kayo muna nitong si Kuya Borj ko ang mag-usap" --sabay talikod nito sa kanilang dalawa at makahulugang tinapik pa sa balikat ang pinsan.

Tumango lang siya sa sinabing 'yun ni Lyka.

Narinig pa niya ang mahinang tawa ng dalaga.

"So ano ba talaga ang gusto mong malaman?" Sa wakas ay natinig din niyang muli ang boses ni Borj.Napakakaswal ng lalaki..Parang wala silang pinagsamahan ah.Parang hindi sila nagkasamang kumain ng paa ng manok.Parang hindi sila magkakakilala kung magpakapormal ang Teniente Jimenez na ito.

Napakagat labi siya.Nagtimpi.Hangga't maaari ayaw na muna niyang magtaray sa lalaki.Saglit siyang nag-iisip ng sasabihin nang maya-maya ay binasag ni Borj ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.

" Gusto mo bang malaman kung paano at bakit pinatay si Jerome?"direktang wika ng lalaki sa kanya.

Mabilis siyang nag-angat ng tingin at nangibabaw ang pagnanais na malaman ang katotohanan sa kausap.

" S-Siyempre,N-noon pa man 'yun na ang gusto kong m-malaman.Kaya lang, hindi yata ako nakahandang malaman kung ano yung totoo."natatarantang wika ni Roni.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga upang kalmahin ang sarili.Pinatatag niya ang kalooban.Naglakas loob siyang muling tingnan si Borj.Pinagmasdan niya ang kabuuan ng lalaki.

OMG.. Ang sarap sanang yapusin ng lalaking ito. Ang sarap sanang sumandig sa malalapad na dibdib ng gwapong pulis na ito.Na para bang, kapag yakap ka ng mga braso ng binata, wala ng makakagawa sayo ng masama dahil nasa ligtas at tamang tao ka..

"Borj..S-sige..nakahanda na akong makinig sa anumang sasabihin mos..". Sa wakas ay nausal niya sa gwapong pulis na nakasuot pa rin ng jacket na itim.

Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!

Proud StefCam fan💖

*A Man With A Black Leather Jacket*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon