Chapter 14

169 21 0
                                    

KINAGABIHAN...Hindi dalawin ng antok si Roni.Tahimik siyang nakamasid sa bintana ng kanyang silid-tulugan.Naglalakbay ang diwa niya habang iniisip ang lalaking lihim niyang minamahal.Walang iba kundi si Borj.

Sigurado na siya sa nararamdaman sa lalaki. Simula nang ipagluksa niya ang pagkamatay ni Jerome noon, ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganitong klaseng kaligayahan . Nakakalungkot man ang mga pinagdaanan niya sa buhay noon, hindi niya maitatanggi sa sarili na muli ay nabuhay ang kakaibang sigla at saya niya nang makilala si Borj.At sa loob ng maikling panahon, hindi niya maiikaila na napamahal na sa kanya ang lalaki.

Kasalukuyang abala ang kanyang diwa sa pag-iisip nang marinig niya ang pagriring ng kanyang cellphone .Dagli niyang kinuha ang cellphone na nakalagay sa ibabaw ng kanyang mesa at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Si Lyka ang nasa kabilang linya. Saglit siyang nag-isip kung dapat ba niyang sagutin ang tawag ng babae. Hindi niya kasi alam kung kaya ba niyang tantiyahin ang kataklesahan nito kaya gusto na lamang sana niyang pagpatayan ito ng telepono o di kaya ay magkunwaring hindi niya nasagot ang tawag nito dahil abala siya sa maraming gawain.Kaya lang, napag-isip isip niya na nakakakonsensiya naman yata 'yun.Naging mabait naman si Lyka sa kanya matapos ang pangyayari.Hindi naman ibang tao si Lyka,kapatid siya ng dating nobyo.

Baka may mahalagang sasabihin sa kanya si Lyka kaya napatawag din ito.Kaya kahit naiilang napilitan siyang sagutin ang tawag na 'yun .

"Hello" bungad niya sa kausap.

"Hi Ate Roni, buti sinagot mo 'yung tawag ko."

"Bakit napatawag ka?!"direktang tanong niya dito.

" Kasi ate, hindi pa nga pala ako nakakapagsorry sayo."

" Sorry saan?"kunot noong tanong niya.

" Kasi ate di ba!Alam ko nasaktan kita nung hinawakan kita sa baba.Pero gusto kong malaman mo, na acting lang lahat 'yun.Utos kasi ni Kuya Borj 'yun eh,para daw mas mapaniwala namin sina Tommy at yung mga tauhan niya" gaya ng inaasahan niya.Madaldal talaga si Lyka.Kumpleto palagi ang detalyeng ibinibigay nito.

Napangiti na lang siya nang palihim dahil napapalitan na ng tuwa ang nararamdaman niya sa dalaga mula sa pagkairita dati rito.

"Convincing yung acting mo.Pwede ka ng mag-artista?" Biro niya sa kausap sa kabilang linya.

"Ah, ate, may isa pa nga palang dahilan kaya napatawag ako"

"Oh,ano naman 'yun?" Tanong niyang muli rito.

"Pasensiya ka na Ate Roni ha, may nangungulit kasi sakin dito sa bahay eh,gusto daw makipag-usap sayo.Ok lang ba?"

" Huh...s-sino ba 'yun?s-sige..ok lang?"pumayag siyang makipag-usap kahit hindi naman niya tiyak kung sino ba ang gustong makipag-usap sa kanya.Pero siyempre, may hinala na siya.Kaya nga, muli na naman siyang kinabahan.

" Hi Roni" narinig niyang bati ng  isang lalaki sa kabilang linya.Pamilyar na pamilyar siya sa boses na 'yun.Napaupo siya sa kama at napakagat labi sanhi ng labis na kilig.Pero siyempre, gaya ng dati.Dapat chill lang muna.Hindi dapat mahalata ni Borj na kinikilig siya.Dapat, taglayin niya ang katangian ng isang dalagang Pilipina.Yun bang pa hard to get dapat.

"Hello Roni, nandiyan ka pa ba?" Sa ikalawang pagkakataon ay narinig niyang muli ang tinig na 'yun.

"B-Borj" --tanging nasambit niya sa pagkataranta at kilig.

"Ako nga Roni.Naabala ba kita?" Tanong muli ng lalaki.

Napangiti si Roni.Ang sarap-sarap talagang pakinggan ng boses ni Borj.Nakakakilig.

*A Man With A Black Leather Jacket*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon