Inaasahan ni Roni kinaumagahan na tatawag si Borj gamit ang cellphone ni Lyka.Subalit, lumipas ang buong maghapon at sumapit na rin ang gabi, walang nag-abalang tumawag sa kanya.Siya naman ay nahihiyang mangungulit kay Lyka.Kaya, sinikap na lamang niyang maghintay sa muling pagtawag ni Borj.
Lumipas ang isa, hanggang sa makadalawang araw na, wala pa ring Borj ang nagpaparamdam sa kanya.Nakaramdam tuloy siya ng pagkairita sa lalaki.Sinabi nito na gusto siya nitong laging makita at makausap, pero dalawang araw na matapos ang huling pag-uusap nila sa telepono, wala pa ring Borj ang nagtangkang tumawag sa kanya.
Napag-isip-isip tuloy niya, marahil ay walang katotohanan ang sinasabi ng lalaki sa kanya. Parang, ang sakit naman sa kalooban niya na isipin 'yun. Prank nga lang ba ang lahat???
Sumagi sa isipan ni Roni, bakit kaya hindi na lamang niya puntahan ang pulis sa headquarter.Para makita niya ng muli ang lalaki ng sa ganun ay masabi niya sa personal ang dapat sana ay aaminin na niya nung isang gabi pa.
Biglang sumigla ang araw ni Roni.Tamang-tama.Ganun na lamang ang gagawin niya. Kung marami mang inaatupag na trabaho si Borj, at least malalaman niya, baka iyon ang tunay na dahilan kaya hindi pa ito muling tumatawag sa kanya.
Agad siyang naligo, nagbihis ng simple subalit maayos na damit.Inayusan ang sarili.Nag spray siya ng mamahaling pabango na paborito niyang gamitin.
Maya-maya ay nagpaalam siya sa kanyang Tiya Elena na may bagay lang siyang aayusin at babalik din agad .Hindi na niya ipinaalam sa tiyahin na si Borj ang kanyang pupuntahan.Masiglang-masigla siyang lumabas ng bahay at nananabik ang pusong nagtungo sa kanto upang sumakay sa pampasaherong dyip na maghahatid sa kanya sa kinaroroonan ng kanyang nag-iisang si Borj Jimenez.
Kapapasok pa lang niya ng headquarters ay natanaw na agad siya ng naka duty na pulis sa frontdesk.Marahil, ay natatandaan na siya nito kaya't agad siya nitong nginitian kahit malayo pa lang siya.
"Goodmorning Ma'am" nakangiting bati ng mamang pulis nang makalapit na siya dito.
Kahit nahihiya siya ay naglakas loob na siyang magtanong kung naroon ba si Borj sa opisina nila.
"Naku Ma'am.Hindi po ba kayo tinawagan ni Teniente."sabay sapo sa ulo nito.
" Hindi..Ba-bakit?may nangyari ba?" Agad na sumikdo ang dibdib niya nang makita ang gulat na reaction ng pulis.
" Kasi Ma'am..Nasa ospital po si Teniente Jimenez.Nabaril siya sa operation na ginawa kahapon."
Halos hindi na naunawaan pa ni Roni ang iba pang sinabi ng pulis.Nagimbal siya sa nalamang balita at damang-dama niya ang panlalambot ng kanyang tuhod.Nahagip lamang ng kanyang tenga ay kung saang ospital naroroon si Borj.Walang sabi-sabi ay dagli na siyang tumalikod at iniwan ang nagsasalita pang kausap na pulis.
Muli ay nagbantay siya ng daraang dyip upang magtungo sa ospital kung saan naroon si Borj.Ibang-iba ang nararamdaman niya sa oras na 'yun.Naghalo-halo na ang labis na takot sanhi ng pag-aala sa lalaking minamahal.Ganundin ang lungkot, dahil hindi man lang siya nagawang pasabihan ni Borj tungkol sa nangyari dito.
Maya-maya pa ay nakatanaw na siya ng papalapit na dyip at agad niya itong pinara. Samu't saring katanungan ang naglalaro sa isipan niya habang sakay sa dyip.
Ok lang ba si Borj???Kritikal ba ang kondisyon nito???May kasama ba ito sa ospital???Haissst..Lalo lamang nadadagdagan ang takot niya dahil sa mga tanong na iyon.
Gusto rin niyang mainis kay Lyka.Hindi man lang siya nito tinawagan para sabihin ang masamang nangyari kay Borj.
Minsan na siyang nagmahal ng sobra sa katauhan ni Jerome.Ngayong sigurado siya na mahal na rin niya si Borj, iiwan din ba siya nito?
Upppsss..Roni ano bang iniisip mo?Masyado ka ng nega mag-isip.Magdasal ka na ok lang si Borj, para masabi mo na sa kanya 'yung dapat mong sinabi noon pa.--pananaway ng magulong utak niya.
Mariin siyang napapikit at piping dalangin niyang inusal na sana nga ay ok lamang si Borj.
Nang sapitin niya ang ospital na kinaroroonan ni Borj, halos takbuhin na niya ang pagbaba ng dyip upang matunton agad ang kinaroroonan ng lalaking minamahal.
Pero himala nga yatang matatawag na pagbungad niya ng ospital ay nakita agad niya ang dalawang unipormadong lalaki na nakabantay sa isang male private room.Pakiramdam niya ay lalo siyang nanghihina habang lumalakad papalapit sa dalawang pulis.Malamang na si Borj ang binabantayan ng mga ito.Dahil, natatandaan niya ang mga ito.Ito rin ang dating pulis na kasama ni Borj na nagbabantay sa kanya nung siya ay nasa ospital.
Papalapit siya ng papalapit sa kinaroroonan ng dalawang pulis ngunit patindi ng patindi ang kaba sa dibdib niya.Halos tumigil siya sa paghinga at paglakad nang makita niyang lumabas ang isang doktor mula sa loob ng silid.Kitang-kita niya ang napakalungkot na anyo nito.Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pag-iling ng doktor sabay tapik sa balikat ng dalawang kausap na pulis.
Kung ilang beses siyang napalunok sa nakitang eksena.
Pinanlalamigan siya nang buong katawan.Sana ay nagkakamali lang siya sa kutob niya na may masamang nangyari kay Borj.Hindi na niya nagawang maglakad pa.Napako na siya sa pagkakatayo sa lugar na malapit sa kinaroroonan ng silid ni Borj.
Nakita niyang umalis ang dalawang pulis.Kahit naiiyak na siya sa labis na paghihinagpis ay sinamantala niya ang pagkakataon.Mabilis niyang tinakbo at binuksan ang silid na 'yun.Bumungad nga sa kanya ang isang katawang nababalot na ng mahabang puting kumot.
Agad lumaylay ang balikat ni Roni Hindi na niya napigilan ang mapaiyak.Sa labis na katarantahan, hindi na niya nagawang isara ang pintuan ng silid, dahil naging abala na siya sa pag-iyak..Ibinuhos na niyang lahat ang pagsisisi dahil hindi man lang niya nagawang aminin ang katotohanan kay Borj bago man lang ito pumanaw.Hindi niya namamalayan na ang kanyang panaghoy at pag-iyak ay palakas na pala ng palakas.
"Borj..Borj .Bakit mo ako iniwan?Ang daya-daya mo naman eh, may sasabihin pa naman ako sayo..Booorrrrjjj" ---halos napapasigaw na pag-iyak ni Roni.
Hindi na niya alintana ang paligid.Dahil balot na balot ng pighati ang pagkatao niya sa oras na iyon.Ilang beses niyang binanggit ang pangalan ni Borj subalit isa na nga itong malamig na bangkay na tinakpan na lamang ngayon ng mahabang puting tela subalit hindi niya magawang buksan dahil hindi pa niya matanggap ang katotohanang nangyari sa lalaki.
Humahagulhol na si Roni..Ang sakit sakit ng nararamdaman niya.Hindi niya magawang kumalma at nanatiling mag-isa sa harap ng bangkay.
Patuloy siya sa paghagulhol nang biglang.....
"Nagseselos na ako niyan, Roni"
Biglang-bigla ay napatigil si Roni sa pag-iyak.Dahan-dahan siyang tumayo at pinahid ang mga luhang kanina pang nag-uunahang dumaloy sa kanyang mga pisngi.Marahan siyang umikot upang lingunin ang nagsalita sa may pintuan ng silid.Hindi nga siya nagkamali.Si Borj ang may-ari ng tinig na 'yun.Buhay na buhay ang gwapong pulis habang nakasandal sa may pinto ng silid.Napansin agad niya na may benda pa ang kaliwang braso nito. Marahil, ay nagkaroon lamang ng tama ng baril ang lalaki subalit hindi naman naging kritikal gaya ng inaakala niya.
Ang kaninang labis na lungkot na nararamdaman niya ay agad nag shift sa labis-labis na saya.Tila nawala na yata siya sa katinuan dahil walang ano-ano ay nilipad niya ang lalaki at mahigpit niya itong niyakap.
"Borj" halos naiiyak na wika niya habang mahigpit na niyakap ang lalaki.
Naramdaman din niya ang pagganti ng yakap ni Borj.
Nasa ganun silang sitwasyon nang may dumating na dalawang lalaki.
"Excuse me Ma'am, Sir..Kayo ho ba ang kaanak ng namatay?" Magalang na tanong ng lalaki.
"Hindi..Ewan ko lang siya" sabay turoni Borj kay Roni.
Mabilis ang naging pag-iling ni Roni.
"Hi-hindi po" maagap na sagot naman nito.
"Kung ganun po.Excuse lang po.Kailangan na pong dalhin sa morge ang bangkay."
Kaya't lumabas na nga silang dalawa ng silid at naglakad palayo sa lugar na 'yun.
Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!
Proud StefCam fan💖
BINABASA MO ANG
*A Man With A Black Leather Jacket*
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol pa rin sa paborito nating "Borj and Roni". Buong puso kong inihahandog ang kwentong ito sa lahat ng aking followers. Thank you so much guys for your support. Naiiba ang kwentong ito guys.. Sana lang magustuhan ninyo.. 🤗